Confirm # 18

2.4K 144 69
                                    

Confirm # 18

Grupo ng mga astig

VC:
This is getting creepier. Someone killed Mekan yet 'yong lumabas na result ay nagpakamatay siya. Paanong nangyari 'yon?

Kiha:
Same with Emau. He also hanged his self. Parehong pareho eh. Nakakapagtaka.

Ether:
Hindi kaya iisa lang ang pumatay sakanila?

Ghax:
Indeed. Parehong tao lang ang pumatay sakanila. But the question is, why? Anong kasalanan ng mga kaibigan natin para gawin 'yon sakanila?

Jazze:
Bakit nagkakaganito? Dalawang kaibigan na natin ang nawala. Hindi ko talaga maintindihan.

Ghax:
May murderer ba na umaaligid sa buong City?

Ether:
Ewan ko sayo, Ghax! Mga iniimbento mo. Imurder kita diyan eh! Nakakatakot kaya! I hate blood!

Ghax:
Nagtatanong nga diba? -,-

Vareyt:
May ideya na ata ako.

Kiha:
What is it?

Vareyt:
Mag back read kayo.

Kiha:
Huh? Bakit? Makikita ba namin ang sagot kung bakit kung magbaback read kami?

Vareyt:
Guys, napansin niyo nong una. Diba kononfirm ni Fhajeza si Emau? Pero pagkagabi noon, nagpakamatay si Emau? Tapos kahapon, si Mekan. Sabi niya kinonfirm din siya ni Fhajeza. Pero nagpakamatay din siya.

Ether:
Oh my God!

Kiha:
Hala? Oo nga no.

Kiha:
Anong ibig sabihin nito? Paanong connected ang pag confirmed sa pag papakamatay nila?

VC:
Sinasabi mo bang, nagmumulto si Fhajeza? Kalokohan. Ang tatanda niyo na nagpapaniwala parin kayo.

Enemite:
Bakit naman tayo ang pinupuntirya ni Fhajeza? Ni hindi niya tayo kilala. Siguro ako kilala niya dahil naging magkasama kami sa pageant. Pero sila Mekan? Emau? Hindi ko matandaan na magkakilala sila ni Fhajeza.. Napaka imposible ng iniisip ninyo. I'm sure hindi konektado si Fhajeza dito . Huwag kayong maniwala sa mga multo. Baka may problema lang talaga ang mga kaibigan natin na hindi nila sinasabi.

Kiha:
Then explain to me, bakit magkapareho ang dinanas ng dalawa? Pagkatapos iconfirm eh nagpapakamatay sila.

Jazze:
Guys.. Fhajeza confirmed my friend request.

Confirm (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon