Confirm # 95

2.3K 105 184
                                    

Confirm # 95

Maingay ang paligid.

Mga pag iyak, hinanaing, at paghingi ng tulong ang naririnig.

Hindi mawari ni Enemite kung nasaan siya pero isang boses ang umangat at naririnig niya.

"Please, En, Don't leave us." boses ni Lymope.

Gusto niyang dumilat pero parang ang bigat bigat ng talukap ng mata niya upang ibuka. Uhaw na uhaw siya. Nanunyo lalamunan niya. Masakit ang sugat niya. Nahihirapan siyang huminga. Pakiramdam niya ay malalagutan na siya ng hininga.

"Sir, dito lang po kayo. Bawal po kayong pumasok". pagpigil ng nurse kay Lymope.

Hinawakan ni Lymope ang nurse sa balikat,"Please, I'm begging you. Gawin niyo ang lahat. Save her."

Tumango lang ang nurse. Pero pinigilan siya ulit ni Lymope.

"I love her..." nagsimulang magbuo ang luha sa mata ni Lymope. Gusto niya pa dugtungan ang sinabi pero parang hindi niya na kayang magsalita dahil baka bubuhos ang mga luha niya na kanina niya pa pinipigilan.

Pinagmasdan siya sandali ng nurse bago ito tumango at tinapik ang balikat niya.

"We will do our best, sir" saka tumalikod ang nurse.

Napaupo si Lymope sa sahig dulot ng pagkawala ng lakas. Ang dami ng dugo ang kumawala sa sugat niya sa binti pero hindi niya ito ininda.

"Sir, gagamutin ko po yong sugat niyo" narinig niyang sabi sakanya ng nurse na nakatayo sa tabi niya. .

Sinulyapan niya ang nurse sandali bago dahan dahang lumapit sa dingding bago sumandal.

"Sir, gusto niyo po dito kayo gamutin? doon nalang po sa—"

"Ayoko. Hihintayin ko ang doktor na lumabas diyan at sabihin saakin ang magandang balita"

Nakatingin lang siya sa pinto ng silid.

Samantala...

"Where's Kiha?" kalmadong tanong ni Lux ngunit sa loob loob niya ay nag aalab na siya sa galit.

Inirapan siya ni Fhajeza at nanghalukipkip sa harapan niya.

"Come on Love. Importante pa ba yon? Don't forget na isa din ang pamangkin mo sa nag pakalat ng video ko."

"Shut up! Ang usapan dito ay si Enemite! Hindi ang pamangkin ko!" galit na lintaya niya.

"Pwede ba, huwag mo akong masigaw sigawan diyan! Kasalanan ng pamangkin mo ito. Siya ang may pakana nito!"

Nangunot ang noo ni Lux sa sinabi ni Fhajeza​.

"What do you mean?"

Umupo si Fhajeza sa harapan nito at sumandal sa upuan habang matalim niyang tiningnan si Lux.

"Naalala ko, galing ako sa hospital then out of nowhere biglang nasa guest room mo na ako. And that's how I realized that your niece summoned me. There, sinabi niyang kanya nalang daw yong kunin ko instead of Enemite."

"W-what? Ho-how?"

"Kinuha niya yong itim na libro. Ang dami na niyang alam. Seriously? You are asking me that?" nakataas ang kilay na tanong niya.

Natahimik si Lux at inalala kung paano nakuha ni Kiha yong libro.

"And oh, by the way. I learned also that I can use and possess any body I want. You fooled me!" tumayo siya at dinuro si Lux.

Nabigla si Lux sa narinig niya. Totoong niloko niya ang babae at sinabing katawan lang ni Enemite ang pwede niyang maangkin.

"Dahil gusto ko lang naman na si Enemite lang ang target natin dahil siya lang naman ang puno't dulo nito!"

Confirm (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon