Epilogue

2.1K 129 144
                                    

>> Hello Reader! Thank you for reading Confirm. As a sign of my gratitude, I will dedicate this chapter to you :)

Epilogue

5 years later—

Enemite:
Guys, where are you?
send to Ether, Ghax, Vareyt, Lymope


1 Message Received

Ghax:
I'm sorry, En. Hindi matutuloy yong outing natin. Dadalhin na namin sa hospital si Ether.

Enemite:
What?! Manganganak na siya?!


1 Message Received

Vareyt:
En! OTW na kami ni Baby sa hospital! Manganganak na daw si Ether!

Enemite:
Alam din ba ito ni Lymope? Ang daya, bakit ako ang pinakahuling nakaalam! :<

Vareyt:
OA ha haha. Susunduin na sana kita kaso tumawag saakin si Lymope na siya ang susundo sayo. Jusko naman, ang oa na niyang boyfriend mo ha.

Enemite:
Baliw!

Enemite:
Speaking of him, andito na siya!

Vareyt:
Oh sige girl, maglandian na kayo nang magkaroon nadin ako ng inaanak sainyo. Dalawa na magiging inaanak ko kina Ghax. Galing talaga ni Ghax no?

Enemite:
Baliw kang talaga! hahaha


Natatawang ibinulsa ni Enemite ang cellphone nito. Tamang tama ay tumunog yong chimes ng pintuan niya kaya nilingon niya ito at nakita ang kasintahan.

Nginitian nila ang isa't isa saka sinalubong nila ng yakap ang isa't isa.

"I missed you." bulong ni Lymope saka hinalikan sa gilid ng noo si Enemite.

Pabirong hinampas ni Enemite ito saka tumawa.

"Madaling araw ka na nga umuwi kanina eh tapos miss mo na ako kaagad?"

Naramdaman niya ang pagtango ng lalaki kaya mas napahagikhik ito.

Dahan dahang humiwalay ng yakap si Lymope saka dinapuan ng maingat na halik ang noo ng babae.

"Nakainom ka na ng gamot?" tanong niya dito saka pinadausdos ang mga kamay patungong kamay ng dalaga at hinawakan ito.

Napabuntong hininga nalang ang babae dahil sa kakulitan nito. Kinurot ni Enemite ang pisngi ni Lymope kaya agad na nagkasalubong ang kilay ng lalaki.

"Mister Castillo, ilang beses ko bang sinabi sayo na okay na ako? Wala ng Fhajeza na gumugulo sa utak ko. Wala ng Fhajeza na nakikita ko at napapaginipan ko. Ayos na ako"

Si Lymope na naman ang kumurot ng pisngi ni Enemite.

"Misis Castillo," agad na kumabog ang dibdib niya. Pinandilatan niya ito ng mata saka mahinang kinurot yong braso ni Lymope.

Pero parang wala lang sa lalaki na akala mo'y natural lang na tawagin siya na 'Misis Castillo' at nagpatuloy sa sasabihin.

"Last week ay nag sleep walking ka at nong tinanong kita sinabi mo pupuntahan mo si Fhajeza."

Lumungkot agad ang itsura ng babae dahil sa sinabi ni Lymope. Aminado naman siya na ginugulo parin siya ng konsensya kahit ilang taon na ang nakalipas. Para sakanya, isang malaking balakid ang ala ala niya kay Fhajeza upang maging masaya.

Confirm (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon