Confirm # 94

2K 97 81
                                    

Confirm # 94

"You bitch..." sigaw ni Vareyt at inagaw kay Ghax ang baril saka ito itinutok kay Fhajeza.

Naging alisto din si Lux kaya agad niya din binunot ang baril niya at itinutok ito kay Vareyt.

Napaatras si Ghax at Ether nang makitang nakatutok ang dulo ng baril ni Lux sa gawi nila.

"One bad move. You're dead" matalim ang tingin na iginawad niya kay Vareyt. 

"Lux...she killed Kiha" nanginginig na boses na tugon ni Vareyt. Mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa baril.

Napakurap si Lux na para bang nabuhusan siya ng malamig na tubig. Agad nagrehistro sa utak niya ang sinabi ni Vareyt.

Si Kiha. Ang pamangkin niya. Ang paborito niyang pamangkin.

Si Kiha na itinuring niyang parang anak.

Unti ay napaatras siya at napatingin kay Fhajeza na nasa tabi niya.

"W-where is.." hindi niya maituloy ang sasabihin niya. Gulong gulo siya sa nangyayari. Hindi siya makapag isip ng maayos.

"Lux..." nangilabot ang buong katawan niya sa tunog ng pagkatawag nito sakanya. Animo'y nagbabanta.

"Guys!! Tumawag kayo ng ambulansya! Please!" mas lalong nadagdagan ng tensyon na nakapalibot sakanila nang makita nilang tuluyan ng pumikit si Enemite habang naliligo sa sariling dugo.

Nanginginig ang kamay na binunot ni Ghax ang cellphone niya sa bulsa ngunit nang ilalapit na niya ito sa tenga nang pinaputukan siya ni Lux sa sahig. Sa pagkagulat ay nahulog ang cellphone niya.

"I told you. ONE. BAD. MOVE.. don't call anyone. Just leave silently." nangingitngit na sabi ni Lux.

"Pero baka hindi kami umabot!" galit na sabi ni Lymope kay Lux. Napakuyom ang kamay niya sa inis at galit.

"Not his fault. You know what, mamamatay din naman yang si Enemite eh. Hayaan niyo na yan" nakapamewang at mataray na sabi ni Fhajeza na animo'y walang pakialam.

"I'm gonna kill you" pambabanta ni Lymope.

"Uh oh. Go on. I know Lux won't let you" bumelat pa ito saka tumawa na mas nakapagdagdag sa nararamdamng inis at galit ni Lymope.

Tumayo si Lymope at binuhat si Enemite. Ngunit nahinto ito nang nakarinig siya ng pagkasa ng baril.

Paglingon niya ay nakatutok ang dulo ng baril ni Fhajeza sa gawi niya.

Gulat na napatingin sina Lux kay Fhajeza pati sa baril na hawak nito. Pamilyar ang baril na hawak dahil sakanya ito. Hindi niya alam paano ito napunta sa dalaga.

"Magaling akong umasinta Lymope. Wanna try?"

Pinutok niya ang baril at tinamaan si Lymope sa binti kaya ay napaupo siya na naging dahilan upang mahulog si Enemite. Agad napadaing si Lymope sa sobrang sakit.

"That's for rejecting me. Alam mo bang inis na inis ako noon sayo? Bakit diyan ka pa kay Enemite eh mas maganda naman ako sakanya" pabirong ipinangkamot niya pa ang dulo ng baril sa ulo niya.

Tumawa si Vareyt kaya napalingon si Fhajeza sakanya.

"Ang landi mo talaga no? Ano ba talaga nakita ni Lux sayo at ganyan yan kabaliw sayo? eh kung irarank lang ang pinakamalandi sa buong mundo, malamang ikaw ang number one."

Magsasalita pa sana si Vareyt nang pinaputokan siya ni Fhajeza at tinamaan siya sa braso kaya nahulog ang baril na kanina niya pa hawak.

"You're saying something, bitch?" tumaas ang dulo ng labi ni Fhajeza nang makitang naiiyak sa sakit si Vareyt.

Nalipat ang tingin niya kina Ghax at Ether.

Unti unti ay lumapit si Fhajeza kina Ghax kaya patuloy naman sila sa pag atras.

"I want you two do something for me in exchange of your lives..."

Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng dalawa.

"Magsex kayo sa harapan ko."

Nangilabot sa kaba si Ether sa narinig at parang gusto na niyang sumigaw para makahingi ng tulong o tumakbo para makaalis na.

Nagtiim ang bagang​ ni Ghax at hinila palapit si Ether at itinago niya ito sa likod niya.

"Hindi ganoon na babae si Ether. Hindi siya katulad mo na kung sino sino—"

Itinutok ni Fhajeza ang baril sa noo ni Ghax.

"Go on. Ituloy mo kung ayaw mong sumabog bungo mo dito" nangigigil na sabi ni Fhajeza.

"Fhajeza stop it."

Nilingon ni Fhajeza si Lux at nginitian ito.

"Why Love? Can't you see? I'm having fun!" nakangising sambit ni Fhajeza.

"Let them go."

Nagsalubong ang kilay ni Fhajeza sa narinig niya.

"What?! Hell no!.. Ano ba Lux! Akala ko ba hahayaan mo ko? Akala ko ba magiging masaya ka kapag masaya ako? Masaya ako Lux! I'm so damn happy, Love!" nagpapadyak pa siya na akala mo ay batang inagawan ng kendi.

"Let them go or else...you know what I can do"

Biglang kumabog ang dibdib ni Fhajeza sa narinig.

"No! You won't do that right?" Halata sa mukha nito ang pagmamakaawa. Ang kaninang galit na galit na expresyon niya sa mukha ay napalitan ito ng animo'y inosenteng tuta.

Huminga ng malalim si Lux.

"Kung ayaw mong bumalik sa kinaroroonan mo, patakasin mo sila"

Confirm (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon