Confirm # 58

1.9K 89 1
                                    

Confirm # 58

Narration:

Pagsapit ng gabi ay dali daling nilock ni Enemite ang pintuan ng kwarto niya para hindi siya makalabas at walang makapasok. Agad na umupo siya sa pinakagilid na bahagi ng kwarto niya. Itinali niya ang kadena sa paa niya at sa headboard ng queen size bed na kama niya. Nanginginig na pinadlockan niya ito at tinapon ang susi, malayo sa kinaroroonan niya.

Naluluhang nagdasal siya. Ilang minuto pa ay nakarinig siya ng mga hakbang patungo sakanya. Mariin na napapikit siya dahil alam niya kung kanino galing ang mga hakbang na 'yon. Nag eecho ito sa apat na sulok ng kwarto niya. Palapit na palapit at palakas na palakas sa pandinig niya ang bawat mga hakbang. Sumisikip ang paghinga niya dahil sa kaba. Halos pumutok na ang kanyang dibdib sa lakas ng pagkabog nito.

Isang malakas na malamig na hangin ang pumasok sa kwarto niya. Hindi nakabukas ang mga bintana niya pero sa ilang gabi na ganito ang laging nangyayari ay nasasanay na siya.

Tumayo lahat ng balahibo niya sa katawan nanv may malamig na lumapat sa balat niya. Nakayuko lang siya at patuloy na nagdadasal ng mahina.

Isang matinis na tawa ang narinig niya sa tabi niya. At kahit hindi niya hulaan, alam niyang si Fhajeza 'yon.

"Magiging akin din ang katawan mo. Kukunin ko ang lahat ng sayo,Enemite" bulong niya na parang hangin lang sa sobrang gaan pero dinig na dinig ni Enemite. Umiiyak na siya at pilit tinatakpan ang tenga upang hindi nito marinig ang mga nakakakilabot na tawa nito.

End of Narration

Confirm (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon