Confirm # 86

1.8K 77 21
                                    

Confirm # 86

Last na 'to please

VC:
Nakita niyo na si En?

Vareyt:
Nandito ako sa parking lot. Pero wala siya dito.

Ether:
What happened to her? Bakit bigla siyang tumakbo?

VC:
How's Ghax?

Ether:
Nandito kami sa hospital. Kakatapos lang linisan ng sugat niya.

Lymope:
Fuck! I can't find her!

VC:
I am. Nandito ako sa bridge. I think I just saw her running on this side.

Vareyt:
You sure? Inform us if you found her.

Lymope:
Dude, saan ka banda. Papunta na ako sa may bridge.

Lymope:
Dude...?

Lymope:
Nag log out na ba si VC?

Vareyt:
Online parin siya.

Lymope:
Bakit hindi siya nag siseen?

Vareyt:
Baka busy sa paghanap kay En.

Lymope:
Tell him na huwag lumapit kay En!

Vareyt:
Bakit? You think hindi siya si Enemite?

Lymope:
I am so sure of it.

——

Agad na nabuhayan ng loob si VC nang matanaw niya ang hinahanap na dalaga na nakatayo sa gilid ng tulay. Tumakbo agad siya habang tinatawag ang pangalan ng dalaga.

"En! Thank God!" sambit niya pagkaharap niya sa dalaga. Napahawak siya sa dibdib dahil sa tuwa.

Habang si Enemite naman ay nakatingin lang sa kawalan. Hinahayaan na magulo ang buhok dahil sa hampas ng hangin.

"En, what happened to you? Bakit mo ginawa kay Ghax 'yon?" tanong ni VC.

Sa halip na sumagot ay nilingon niya ang binata at nginitian ito.

Ngiting masaya.

"VC, halika" pag aya ni Enemite kay VC habang nakaabot ang kamay nito sakanya.

Tumawa ng bahagya si VC pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa kinikilos ng kaibigan. Nagtataka siya at napapaisip. Imposibleng si Fhajeza ito dahil umaga. Gabi lang siya sinasaniban ni Fhajeza, 'yon ang alam niya.

"Seriously En, what's with you?" umatras siya. Nagsisimulang dumagundong ang dibdib niya sa kaba.

Napansin ni Enemite ang ginawang pag hakbang paatras ng lalaki kaya naman ay humakbang siya palapit dito.

"VC..." tawag niya sa lalaki.

"En, is that you?" kinakabahang tanong ng lalaki.

Napalingon siya sa paligid. Labis ang kabang naramdaman niya nang mapagtanto niya na walang taong mahihingian niya ng tulong.

"Fuck!" napamura si VC nang makita niya ang nakakilabot na ngiti sa labi ng dalaga.

Akmang tatakbo siya nang mabilis na nahawakan siya ng dalaga sa braso at mahigpit na hinawakan. Halos mabali ang buto niya sa higpit ng hawak nito.

"Fuck off!" buong lakas niyang binawi ang kamay niya pero hindi padin sapat ang lakas niya.

"PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!!" sigaw niya at malakas na tinulak ang binata sa ilalim ng tulay.

Confirm (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon