Confirm # 36

2.2K 115 42
                                    

Confirm # 36

Last na 'to please

Vareyt:
OMG guys! Fhajeza confirmed me! Am I next?!

VC:
What?! Are you sure?

Vareyt:
Ulok. Sure na sure ako. Nagnotify saakin ngayon lang.

VC:
Asan ka ngayon?

Vareyt:
Nasa bahay ako. Kasama ko sila Mama.

VC:
Good. Huwag kang umalis sa bahay niyo. Dumikit ka sa parents mo. Kahit sa pagtulog tumabi ka.

Vareyt:
Di ko ata maimagine sarili ko na nakikipagsiksikan sa higaan nila Mama -,-

VC:
Mas hindi mo dapat maimagine​ ang sarili mo na nakabigti.

Vareyt:
Harsh nito. Oo na! Natatakot ako peste.

Kiha:
Vareyt :( Punta ka dito Korea. Tumakas ka din.

Vareyt:
Wala akong pera gaga. Dito nalang ako. Kung sino man 'yong bwesit na 'yon, lalabanan ko siya. Hindi ko hahayaan na gawin niya saakin ang ginawa niya kina Emau.

Ether:
Naman eh. Please mag ingat ka.

VC:
@Ghax. Wala pa din, Dude? Kailangan na natin malaman kung sino ang salarin para mahuli na natin bago niya pa mapatay si Vareyt.

Vareyt:
Grabe, VC. Filter your words nga!

Lymope:
Stay in your house, Vareyt.

Vareyt:
Alam ko Mr. Castillo. Ayoko pang mamatay.

VC:
What if kina Enemite ka muna mag stay? Atleast may kasama ka at magbabantay sayo.

Vareyt:
Andito naman sila Mama eh. So don't worry.

Lymope:
No. Hindi siya pwede kina Enemite.

Vareyt:
At bakit?

Lymope:
Basta. Huwag kayong lumabas sa bahay niyo lalo na pag gabi o kaya huwag niyo hayaan na mag isa lang kayo.

Kiha:
Lymope? May alam ka ba kung sino ang killer? Kilala mo na ba?

Lymope:
Not yet. I'm also searching for the killer.

VC:
Okay Var, Stay in your house. Get it?

Confirm (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon