Confirm # 93

2K 98 80
                                    

Confirm # 93

Napatitig si Lymope kay Enemite matapos niyang marinig ang sinabi ni Kiha.

Inilibot niya ang paningin sa mukha ng dalaga at hinanap ang pwede niyang makitaan ng reaksyon na maaaring makapagsabi na hindi totoo ang sinasabi ni Kiha, ngunit nakatulala lang ito.

"Fhajeza? Is that you?" tanong ni Lux sa babaeng katabi na pareho din kina Lymope na hindi alam ang pinagsasabi ni Kiha.

"N-no..ako ito, si Enemite!" nauutal at natatakot na sambit ni Enemite nang bumalik na ito sa sarili.

Napaatras si Lymope nang akmang hahawakan siya ni Enemite.

"Lymope.." halata sa mukha ng dalaga na nasaktan ito sa ginawang pag atras ni Lymope.

"Kiha! Bakit nasa iyo yang itim na libro? Paano mo nakuha iyan? At paanong—anong ginawa mo Kiha?!" galit na pagbaling ni Lux sa pamangkin.

Ngunit hindi siya nito pinansin. Nagsimula itong maglakad papalapit sakanila habang patuloy na lumuluha.

"She will kill us. Stay away from her Lymope! Papatayin niya tayong lahat Lymope! Including you Tito!" humagulgol ito ng iyak.

"Lymope umalis ka diyan!" tawag ni Vareyt kay Lymope ngunit nanigas lang si Lymope sa kinaroroonan niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.

"Lymope, may kutsilyo siyang tinatago sa ilalim ng damit niya. Plano niyang patayin tayong lahat"

Lumayo si Lymope kay Enemite at dahan dahan na napaupo sa sahig. Kung totoo nga ang sinasabi ni Kiha, ibig sabihin wala na ang taong mahal niya.

Umiiling si Enemite habang nagsisimula ng umiyak. Gusto niyang magsalita at depensahan ang sarili niya pero walang lumalabas sa bibig niya.

Nakarinig sila ng pagkasa ng baril kaya nilingon nila itong lahat. Nakita nila si Ghax na may hawak na baril habang nakatutok ito sa umiiyak na si Enemite.

"Go to hell you bitch!" nanggigigil na lintaya ni Ghax.

"Ghax what the hell! She's our friend!!" kinalas ni Ether ang kamay niya sa pagkahawak ni Ghax ngunit hindi ito nakawala dahil mas hinigpitan nito ang pagkahawak niya sa kamay ni Ether.

"Sabi na eh na pipigilan mo talaga ako Ether. Hindi mo ba narinig si Kiha? Hindi na siya si Enemite!"

"Put the gun down Ghax! Ano ba!" sita ni Vareyt kay Ghax saka binaling ang tingin kay Lymope na ngayon ay nakaupo sa sahig habang nakatulala.

"Lymope pigilan mo si Ghax!" tawag niya dito.

"Ghax, no, please. Ako ito si Enemite.." mas lalong humagulgol ng iyak si Enemite habang winawagway ang kamay sa harapan.

"Kiha, how sure are you? At paano mo nasisiguro na si Fhajeza yan? Kilala ko si Fhajeza. And the way we talked earlier alam kong si Enemite kausap ko at hindi si Fhajeza! Ano ba nangyayari sayo? Diba kaibigan mo sila?" naguguluhan na lintaya ni Lux sa pamangkin.

"Tito, me and Fhajeza talked earlier using this book. Kausap mo kanina ay si Enemite, pero ngayon si Fhajeza na siya. Wala na si Enemite." humihikbing paliwanag ni Kiha kay Lux.

Napatitig si Lux sa mukha ni Kiha. Hanggang sa may bumuo na ideya sa isip niya na kinagimbal niya.

"N-no.. Fhajeza? You're Fhajeza right?"

Bago pa makasagot si Kiha ay nakarinig sila ng putok. Nakita nila ang usok sa dulo ng baril ni Ghax. Binalingan nila ang katawan ni Enemite na ngayon ay puno ng dugo sa bandang tiyan habang naghahabol ng hininga.

"Shit!" napamura si Lymope at agad na dinaluhan si Enemite na ngayon ay nakahawak sa tiyan na tinamaan ng bala. Palalim na palalim ang hininga ng dalaga na tila ba ay mauubusan na ng hininga.

Ilang segundong katahimikan ay biglang may matinis na tawa ang umalingawngaw sa buong kabahayan.

Ang tawang iyon ay galing kay Kiha na ngayon ay masayang tinitingnan ang duguang si Enemite.

"I didn't know that I also have a talent in acting. What you think?" ngumisi ito at tumaas ang dulo ng labi niya.

Napanganga ang lahat lalo na si Ghax na ngayon ay nanginginig ang kamay na naging dahilan ng muntikang mabitawan ang baril.

"Fh-Fhajeza?" hindi makapaniwalang sambit ni Lux.

Nilingon niya ito at mas lalong lumawak at ngiti at kinawayan si Lux.

"Hi Love. I'm back"

Confirm (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon