Confirm # 38

2.1K 118 48
                                    

Confirm # 38

Vareyt

8:28 pm

Enemite:
Bestfriend, nasa labas ako ng bahay niyo.

Vareyt:
Huh? Alas otso na ng gabi ah. Bakit ka napabisita? Miss mo ko gaga? hahaha.

Enemite:
Yeah. I miss you :)

Vareyt:
Yiee. Teka, andito ako sa kwarto ko. Suot ko muna jacket ko. Naka sleeveless lang ako.

Enemite:
Take your time friend :) Hihintayin kita dito.

Vareyt:
Sanay ka naman maghintay kaya karerin mo na haha.

Enemite:
Yeah :)

Vareyt:
Nakita na kita dito sa bintana ng kwarto ko. Halatang biglaan pagpunta ah, nakapantulog pa talaga. Makikitulog ka ba dito? Gusto mo ayusin ko ang guest room?

Enemite:
Oo!! Dami mong tanong. Papasukin mo na ako!

Vareyt:
Teka, ano 'yang dala mo? Bakit may lubid kang dala? Aanhin mo 'yan? Magtatalian ba tayo ngayong gabi, En? hahaha trip mo ba?!

Enemite:
Lumabas ka na nga! Naiinip na ako! Huwag mong hintayin na gibain ko itong pinto niyo!

Vareyt:
Bakit ka ba galit ha? Nag away ba kayo ng mama mo? Tsk! Makikitulog ka nga lang eh! Maghintay ka dyan hindi ko nahahanap ang jacket ko. Lamig kaya.

Vareyt:
Andito ako sa bintana ng kwarto ko. Tingin ka dito kakawayan kita hehe.

Vareyt:
Oo na! Talim ng tingin mo eh! Pababa na ako bwesit ka ah.

Enemite:
Ok :)
seen


Narration:

Naiinis na bumaba si Vareyt habang yakap yakap sa katawan niya ang jacket niya. Hindi niya ito masuot ng maayos dahil sa pagmamadali, hindi niya malaman kung bakit biglang pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari. Labis din ang pagtataka niya kung bakit biglaan ang pagbisita ng kanyang kaibigan sa bahay nila lalo na't hindi naman ito lakwatsera dahil strikto ang parehong magulang nito.

Sa kalagitnaan nang paglalakad papunta sa harap ng pinto niya nang bigla siyang napatigil. Bahagya siyang nagtaka nang maalala niya ang lubid na hawak ni Enemite kanina. Biglang kumabog ang dibdib niya sa hindi malamang dahilan at parang gusto niyang bumalik sa kwarto niya at magtago roon. Ngunit alam niya sa sarili niya na dapat niyang pagbuksan ang matalik niyang kaibigan at itanong na din kung bakit ito napabisita ng biglaan. Hindi din siya kumbinsido na makikitulog ito dahil kagaya nga ng sinabi kanina, strikto ang parents nito. Pinipilit niya nalang kumbinsihin sa sarili na baka ay may matindi itong problema kaya ay umabot na sa puntong pinuntahan siya sa kanyang bahay upang bumisita.

Dahan dahang binuksan niya ang pinto at bumungad ang kaibigan niyang nakangiti sakanya. Ngunit ang ngiting 'yon ang dahilan para itulak niya ito at nilock sa loob ang pintuan para hindi nito mapasok ang bahay nila at idamay ang pamilya niya. Biglang naintindihan niya ang mangyayari. Ang kanyang kaba na naramdaman ay hindi maipaliwanag. Ang alam niya ay nasa panganib siya.


Nang maitulak niya ito nang pagkalakas lakas na naging dahilan ng pagdaing ng matalik niya na kaibigan dahil sa sakit na dinulot ng matinding pagbagsak nito sa lupa ay doon na tumakbo nang mabilis si Vareyt at nagtago sa madilim na parte ng bahay likuran nila.

Nag igting ang panga ni Enemite dahil sa pagtakbo ng dalaga. Sa inis niya ay nilabas niya ang balisong nito na naka ipit sa waist line ng pajama niya. Galit na luminga linga siya para hanapin ang babaeng gusto niyang patayin.

END OF NARRATION

Confirm (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon