Confirm # 57
Narration:
Dali daling bumaba sa hagdan si Enemite patungong main door nila nang nakasalubong niya ang nag aalalang ina nito.
"En, where are you going?" punong pag alala na patakbong lumapit siya sa anak niya.
Nakaramdam siya ng kaligayahan dahil finally lumabas ito sa kwarto niya. Pakiramdam niya ilang buwan niyang hindi nakikita ang anak. Gusto niyang yakapin ang anak niya pero halos hindi na niya mahawakan ito dahil sa tinding pag aalalang masaktan ito.
Bakas sa katawan ni Enemite na may kinakaharap itong matinding problema. Maiitim ang ilalim ng mga mata nito, maputla at nangangayayat. Magulo din ang buhok nito kahit na inayos niya na ito kanina ay bumalik parin ito sa paggiging buhaghag dahil sa ilang araw na hindi naliligo at nag aayos.
Walang alam ang kaniyang Ina sa lahat ng pinagdadaraanan niya ngayon. Lagi itong nagtatanong pero wala siyang maisagot. Lagi siyang ginugulo ni Fhajeza at kaunti nalang ay baka mabaliw na siya.
Malayo siya sa maayos. Pinapakita niya sa mga kaibigan niya na maayos siya pero ang totoo, gusto na niyang sumuko. Gabi gabi ay wala siyang tulog. Takot siyang matulog dahil baka pag kagising niya ay hindi na siya ang may ari ng katawan niya.
"Labas lang ako, Ma.May bibilhin lang ako at babalik din ako kaagad" matamlay na tugon niya sa Mama niya.
Hinawakan siya ng Ina sa magkabilang balikat. Naiiyak na pinasadahan niya ang buong mukha ng anak niya. Halos hindi na niya ito makilala. Bihira lang niyang makita itong lumalabas sa kwarto niya. Lalo na ngayong busy sila sa paglalago sa negosyo nila ay mas nawawalan sila ng oras sa anak upang alagaan. Sa tuwing nagtatanong naman ito ay hindi sumasagot. Kinakabahan na siya sa mga kilos ng anak niya.
"Princess, kay Manong ko nalang ipapabili ang gusto mong bilhin. Kumain ka muna. Let's talk" marahang sambit niya sa anak niya. Pero wala lang itong emosyon. Nakatulala lang sa kanya ang anak at gusto niyang umiyak sa harapan nito nang makitang walang emosyon ang mga mata nito na tinitingnan siya.
"Ayos lang po ako,Ma. I want to inhale some fresh air", tipid na ngumiti ito sakanya kaya napakayap ng mahigpit ang Ina sakanyang anak.
Agad naman niyang tinugunan ang yakap ng Ina at pilit ang sariling hindi humikbi. Nakakaramdam siya ng pangungulila sa yakap ng ina. Pakiramdam niya ay ngayon niya lang ulit naramdaman ang pagiging ligtas. Na para bang walang kayang manakit siya kanya. Pakiramdam na may karamay siya. Ngunit lahat 'yon ay pakiramdam lamang at hindi 'yon totoo. Ayaw niya madamay ang kaniyang pamilya sa gulo na pinasok niya.
Pinahatid siya ng kaniyang Ina sa paparuonan niya. Gusto pa sana siyang hintayin ng personal driver nito pero sinabi niya nalang na huwag siyang hintayin. Baka kasi ay magtaka ito sa bibilhin niya.
Pagkapasok niya sa hardware ay agad siyang nagtanong.
"Ate, pabili po ng kadena"
Napangiti siya sa plano niya. Hindi mo ako magagamit Fhajeza. Hindi mo ko magagamit at mapapasunod, sabi niya sa isipan niya.
End of Narration
BINABASA MO ANG
Confirm (COMPLETED)
Mystery / ThrillerIf she confirmed your friend request, she will hunt you down. Genre: Paranormal/Mystery/Thriller •••EPISTOLARY Highest Rank # 7❤ Ended: April 26, 2018 cover made by @DdiDeulgi