Confirm # 85

2.1K 75 35
                                    

Confirm # 85

Natanaw ni Vareyt ang nakasimangot na si VC papasok sa entrance ng mall. Suot suot ang isang converse shoes na pinaresan ng tight faded jeans at loose white polo. Wala sa ayos ang buhok nito pero mas nakakadagdag ito sa kagwapuhan ng binata. Ayaw man aminin ni Vareyt pero nagkakaroon siya ng atraksyon sa dating manliligaw. Totoong maitsura ang binata, maganda din ang tindig at pangangatawan nito at likas na kapansin pansin sa mga babae.

Nang makalapit na si VC ay agad siyang nilapitan ni Ghax habang nakangisi at nilaro laro ang lollipop sa bibig na kinakain nito.

"What's with the face dude?" natatawang tanong ni Ghax habang tinatapik tapik ang balikat ni VC.

Mas lalong bumusangot ang mukha nito,"Lymope didn't fetch me. I've waited for almost 2hours until I received a text from him telling that I should go first and just grab a taxi. That fucker needs some—"

"Enemite!!" naputol ang pag uusap ng dalawa nang sinigaw ni Vareyt ang pangalan ng matalik na kaibigan.

Napalingon si Ether, Ghax, at VC kina Enemite at Lymope na kakapasok lang sa entrance ng mall habang naglilinga linga para hanapin kung nasaan ang mga kaibigan.

"En!" tawag nito ulit atsaka kumaway si Vareyt at patakbong lumapit dito. Agad na dumapo ang tingin ni Enemite kay Vareyt saka ito tipid na nginitian.

Hindi parin siya komportable na kasakasama niya ang mga kaibigan niya. Kung sana naging normal lang ang mga nagdaan ng araw ay baka niyakap niya na ito isa isa.

Kung sakaling normal lang ang lahat. Baka kinurot niya na ang pisngi ni Ether na lagi naman niyang ginagawa. Baka inaasar na naman niya si Ghax dahil sa pagiging pandak nito. Baka sakaling nag iingay na naman sila ng matalik na kaibigan niya na si Vareyt.

Kaso hindi.

At baka ito na din ang huli na makakasama niya ang mga kaibigan.

Habang tinitingnan niya ang mga kaibigan ay sumisikip ang dibdib niya.

Palihim siya na humihiling na sana matigil na ang lahat at bumalik na sa normal.

Alam niyang hangga't nabubuhay siya ay hindi babalik sa normal ang lahat. Hangga't hindi niya naibibigay ang gusto ni Fhajeza ay hindi ito matatapos. Siya ang bagay na mag sakripisyo. Siya ang kailangan ni Fhajeza. Siya ang naging dahilan kung bakit nagkaganito si Fhajeza, kung bakit nadamay ang mga kaibigan niya. Dahil lang 'yon sa inggit niya noon na ito ang naging kabayaran ng kasalanang ginawa niya.

Sa inggit na nagtulak sakanya upang manira ng reputasyon.

Sa inggit na naging dahilan ng pagkitil ng sariling buhay ng isang dalaga.

Simula't sapul, aminado siyang mamamatay tao siya. Siya ang naging dahilan ng pagkamatay ng dalaga.

Alam niya sa sarili niya na wala siyang karapatan magreklamo. Dahil siya naman ang puno't dulo nito.

"K-kamusta kayo?" mahinang bati niya sa mga kaibigan at pinasadahan ng tingin ang kabuuan nito. Pigil ang katawang lupa na yakapin niya ang mga ito at umiyak sa harapan nila para humingi ng tawad. Umuusbong sa dibdib niya ang iba't ibang emosyon. Pero alam niyang humihigit dito ang guilt.

"Tss. I told you, this day must be a normal day. You should be in your usual self." naiiritang tugon ni Lymope.

Buong byahe ay pinapaalalahanan niya lang ang dalaga. Akala niya sumang ayon na ito dahil tango lang ito ng tango. Pero ngayon ay kabaliktaran ang pinapakita ng dalaga sa napagkasunduan nila.

Confirm (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon