Confirm # 87

1.8K 66 6
                                    

Confirm # 87

"Fhajeza!!" buong lakas na pagsigaw ni Lymope sa pangalan ng babae.

Nakangiting nilingon ito ng dalaga. Mas lalong lumawak ang nakakakilabot na ngiti nito nang mapagtanto na ang lalaking tumawag sakanya ay ang lalaking minsan niya nang minahal ng palihim.

"What did you do?! Where's VC?!" galit na lintaya ng lalaki. Nagpalinga linga ito sa paligid para hanapin ang kaibigan.

"He's dead" mabilis na dumapo ang paningin niya sa tubig sa ibaba ng tulay. Nakangising sinulyapan niya ulit si Lymope, at halos gusto niyang matawa ng malakas nang makita ang kaba, takot at galit sa mukha nito.

"Leave us all alone!!"

Humakbang palapit ang dalaga. Napaatras si Lymope sa ginawang paglapit ng dalaga.

"Huwag kang lumapit. I'll kill you" matapang na sabi ni Lymope.

Dahil sa sinabi nito ay napahalakhak ang dalaga.

"Come on. Papatayin mo ako? You've got to be kidding me" mapangutya niyang tugon.

"Leave her alone!" nakatiim bagang na sabi ni Lymope.

"I bet hindi mo alam ito, pero malapit na ang huling araw niya. May balak na siyang ipaubaya ang katawan niya saakin. Ang bait niya no?" may halong pang aasar na sambit nito.

"What?!" hindi makapaniwalang sabi ni Lymope.

"Of course before that, kailangan ko muna kayong patayin" tumawa ito ng pagkalakas lakas na tila ba ang ideya niya na ang pinaka magandang naisip niya.

"Why are you doing this?"

Nahinto sa pagtawa ang dalaga, bagkus ay matalim niyang tiningnan ang lalaki.

"Your friends, they disrespected me, si Enemite, ang baliw na si Enemite..,"tumawa ito ng mapait,"Your girl ruined me!!!" sumisigaw ito habang nanlilisik ang mga mata.

"Ano ba makukuha mo sa ginagawa mo?" kalmado ngunit may diin na tanong ng lalaki.

"Satisfaction." tipid na sambit ng dalaga habang nakangiti ng nakakakilabot.

"Lymope!" hinihingal na tawag ni Vareyt pagkakita niya sa dalawa.

Nilingon siya ni Lymope kasabay din nito ang pagdapo ng tingin ni Enemite kay Vareyt.

"Where's VC?" kinakabahang tanong ni Vareyt. Buong akala niya ay magkasama si Lymope at VC ngunit nagtaka siya kung bakit hindi niya ito nadatnan.

Kumabog ang dibdib ni Lymope sa tanong ni Vareyt. Ngayon niya lang naalala ang kaibigan.

Agad siyang tumungo sa gilid nang tulay at dinungaw ang tubig sa baba.

May bahid na kulay pula ang tubig. Agad niyang napagtanto na ang dugong yon ay galing sa kaibigan niya. Hindi din makapagtataka kung nabagok man ito dahil mabato ang ilalim ng lawa.

"N-no.." nanginginig na boses na sambit ni Lymope.

"Lymope... where's VC?" pag uulit ni Vareyt sa tanong. Ayaw niyang aminin sa sarili niya na sa kaibigan niya ang mantsa ng dugo na nasa tubig.

Umalingawngaw ang matinis na tawa ni Enemite.

"4 more to go." sambit niya at biglang natumba ito at bumulagta sa semento.

Confirm (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon