Confirm # 54
Last na 'to please
Vareyt added Enemite in the group
Vareyt:
Guys, may sasabihin si Enemite sainyo :'(Ether:
Omg En! You're back?!Kiha:
Namiss ka namin,En!Ghax:
I'm sorry En. I deeply apologize for what I said.Enemite:
Naku, ayos lang. Naintindihan ko kayo. Hindi naman ako galit sainyo eh.VC:
I missed you, En. Ano ang sasabihin mo?Jamuel:
Ayun, bumalik ka na din,En. Namiss kita ah.Enemite:
Hehe. Miss ko na din kayong lahat.Vareyt:
En, sabihin mo na sakanila.Enemite:
Ah yeah. First, sana mapatawad niyo ako sa kung ano man ang aaminin ko. Pero ayos din naman kung magagalit kayo saakin.Ether:
Okay? Hehe. Geez. Kinakabahan tuloy ako.VC:
Ano ba 'yon?Enemite:
First, I want to ask. Paano niyo nakilala si Fhajeza?Kiha:
Bakit mo naitanong?VC:
Well, she's hot and gorgeous kaya naman ay napansin ko talaga siya since first year hahaha.Ghax:
Same hahaha. Nakakakuha naman talaga ng atensyon ang mukha niya. Stalker pa nga ako niyan dati eh hahaha.Jamuel:
Minsan na namin pinagpustahan 'yan ng mga pinsan ko hahaha.Kiha:
Haynaku. Ang gagago niyo talaga.Ether:
Honestly? Nakilala ko lang si Fhajeza dahil doon sa Searching for Mr. and Ms. JJK University. Diba nga, isa sana siya sa makakalaban ni En? Kaso nag back out siya dahil nong time na 'yon kumalat ang scandal niya.Vareyt:
Ako din! Hindi ko naman kasi napansin beauty niya kasi natatabunan ni Enemite. Hahaha gondo gondo ng kaibigan kong ito eh.Enemite:
The truth is. Ako talaga nag post ng scandal niya sa facebook. PERO! Swear! Dinelete ko 'yon kaagad! Promise. Hindi nagtagal ng isang oras 'yong pag upload ko. Nakonsensya agad ako. I'm sorry guys.VC:
What..the hell.Ghax:
You did that?!Jamuel:
Bakit mo ginawa 'yon? I know you have reasons, right? Hindi mo gagawin yon kung wala kang matinding rason.Enemite:
I was under the pressure of my parents that time. They wanted me to win the pageant. Bilang ako, na gusto kong maging proud sila saakin, ay ayokong madisappoint sila. But then, sumali itong si Fhajeza. Naging matunog ang pangalan niya kasi, aminin man natin, nasa kanya na lahat. The brain, body, and beauty. Nagkaroon ako ng insecurity noon. I don't know, but that time I was so eager to get the title kaya naman ay gumawa ako ng bagay na sobrang pinagsisihan ko ngayon.Ether:
Just because of that? You ruined her? En. I thought you are smart?!Enemite:
I know, I'm wrong! Sobrang sama ng ginawa ko and even my reasons didn't make sense.Kiha:
Saan mo nakuha videos niya?Enemite:
I overheard her and her boyfriend in a call nong minsang nagbanyo ako. Sinabi nong lalaki na sinend niya na 'yong video nilang dalawa kay Fhajeza. So doon ko nalaman na may video silang dalawa sa cellphone nito. And that's it, ninakaw ko ang cellphone niya at pinost 'yon.Jamuel:
Alam mo bang pwede kang makulong sa ginawa mo, En?Enemite:
I know. Kinain ako ng insecurity ko that time. Puro naiisip ko non ay dapat maiuwi ko 'yong crown.Ghax:
Hindi ako makapaniwala na umabot sa ganito ang lahat dahil lang sa inggit mo.Enemite:
That's why, I'm sorry. My conscience was eating me whole. Ngayon, pinagbabayaran ko lahat ng ginawa ko. Tanggap ko na kung anong gagawin niya saakin.Vareyt:
Baliw! Dinelete mo nga agad diba? Mean to say nakapag isip ka padin ng matino ng oras na 'yon. Ang tanong ngayon, ay kung sino ang nag reupload nong videos. Hindi lang ikaw ang may kasalanan dito. Kaya bakit ikaw lang? Bakit tayo lang?Enemite:
Actually guys, nagulat ako na may mga videos pa si Fhajeza doon sa account niya. Lima lang kasi ang alam ko na scandal videos niya eh.Ghax:
Sigurado ka ba diyan? 15 videos daw 'yon eh.Enemite:
Limang videos niya lang ang nakita ko sa phone niya. 'Yon lang at wala ng iba.
BINABASA MO ANG
Confirm (COMPLETED)
Mystery / ThrillerIf she confirmed your friend request, she will hunt you down. Genre: Paranormal/Mystery/Thriller •••EPISTOLARY Highest Rank # 7❤ Ended: April 26, 2018 cover made by @DdiDeulgi