Confirm # 77

1.9K 85 0
                                    

Confirm # 77

Narration:

"Hello? Emergency! A casualty found dead inside their house here in Akida Subdivision" aligagang tugon ni Lymope sa pulis na nakausap niya sa cellphone. Nanginginig din ang mga kamay niya dahil sa tinding kaba. Sinabi niya ang address pati na din ang housenumber nila Enemite saka binaba ang tawag.

Sinulyapan niya ang bintana ng kwarto ni Enemite. Gustuhin niya man pumasok ay naduduwag siya. Alam niyang sa bawat paglapit niya sa dalaga ay para na din niya hinihingi na patayin din siya.

Nasapo niya ang noo dahil sa tinding panlulumo na nararamdaman niya. Gusto niyang makita si Enemite at yakapin ito. Gusto niyang aluin ang dalaga pero hindi niya alam kung si Enemite pa ba ang mabubungaran niya.

Ilang minuto din ay nakarinig siya ng siren ng ambulansya palapit sa kinatatayuan ng bahay nila Enemite. Agad na bumaba ang mga nurse dala dala ang stretcher kasunod nito ang mga pulis na naka uniporme.

"Sir, kami na po ang bahala dito" tugon ng isang pulis nang madaan niya si Lymope. Pero umiling lang ang binata at nakisabay sa pagpasok sa bahay ng dalaga.Hindi na din umimik pa ang pulis at hinayaan nalang siya. Nakabukas na din ang gate na sa tingin niya ay sinira ng isa sa mga dumating.

Pagkapasok niya ay halos matumba siya sa panlambot ng tuhod niya ng makita ang mga magulang ni Enemite na nakahandusay sa malamig na sahig habang naliligo ng sariling nitong mga dugo.

Wala siyang pinalampas na segundo at agad na tinungo ang silid ni Enemite. Nabungaran niya ang dalaga na nakatali ang mga paa habang umiiyak. May kumakausap sakanya na dalawang pulis​ at pilit siyang inaalo.

"Enemite.." tawag ni Lymope sa dalaga at patakbong lumapit dito. Hinawakan niya ito sa balikat. Halos hindi na niya makilala ang itsura ng dating kasintahan. Puro ito sugat, namumutla at nangingitim ang ibaba ng mata niya. Napansin niya din ang natuyong dugo sa braso at paa niya. Magulo ang buhok nito at may ilang punit ng damit niya.

"Lymope.." puno ng panlulumong tawag ng dalaga sa binata. Hinawakan ni Lymope si Enemite sa mukha nito at mas lalong inaninag ang buong mukha ng dalaga. Pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang hinlalaking daliri ng kamay niya.

"Shh. I'm here. Huwag kang mag alala" saka niya niyakap ng mahigpit ang dalaga.

"Sir, kailangan po natin siya dalhin sa hospital para po gamutin. Kailangan din po namin siyang tanungin kung anong nangyari" rinig niyang sabi ng pulis.

Naramdaman niya ang paghigpit ng kapit ni Enemite sa damit nito. Pati ang panginginig ng katawan ng dalaga ay ramdam niya. Maaaring natatakot siya sa kahihinatnan ng pag iinterogate ng mga pulis sakanya.

Sasagot na sana si Lymope nang makarinig siya ng boses na sumisigaw.

"Nasaan ang kapatid ko?! Nasaan?!" sigaw ni Enejj habang umaakyat patungo sa silid ng kapatid.

Natutop niya ang bibig niya nang makita ang kapatid sa ganoong kalagayan.

"Oh God, Enemite! What happened!! Sinong may gawa nito?" naiiyak na sambit ni Enejj habang dahan dahang lumapit sa kapatid.

Humiwalay sa pag yakap si Lymope sa dalaga at pumunta sa tabi nito. Doon naman lumapit si Enejj at lumuhod para pantayan ang kapatid.

Niyakap niya agad ito,"En, wala na sila Mama. En...pagbabayarin natin kung sino ang gumawa nito.."

Mas lalong lumakas ang pag iyak ni Enemite at niyakap ng mahigpit ang Ate niya. Lingid sa kaalaman ng ate niya ay kausap niya lang ang may salarin ng pagpatay sa mga magulang nila.

"We found out na kahapon pa pala patay ang mga magulang niyo Ma'am" pagbibigay alam ng isa sa mga pulis.

"Demonyo ang may kagagawan nito!!" galit na sabi ni Enejj at mas niyakap ng mahigpit ang kapatid.

End of Narration

Confirm (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon