Confirm # 92
Binuksan agad ni Vareyt ang pintuan ng kotse at agad na bumaba. Tinakbo niya ang pagitan ng kinaroroonan nila sa gate ng bahay ni Lux. Agad niya itong tinulak nang makita niyang hindi ito naka lock.
"Lymope is here" rinig niyang tugon ni Ghax. Hindi na niya ito nilingon at agad na tumakbo papasok.
"Teka Var, susugod nalang ba tayo agad? Hindi man lang ba tayo mag iisip ng paraan?" kinakabahang tanong ni Ether na ngayon ay nakahawak na sa dibdib dahil sa takot. Bumagal ang lakad ni Vareyt sa sinabi ni Ether at pasimpleng nag isip ng paraan.
Hinawakan ni Ghax ang kamay niya at pinalapit sakanya,"Huwag kang lalayo saakin. Naintindihan mo?"
Kahit nalilito ay tumango si Ether.
"Bahala na kung anong mangyayari ngayon. Ang importante matapos na ito" sambit ni Ghax at nagsimula nang maglakad kaya ay sumunod agad si Ether at Vareyt.
Bukas ang pintuan ng bahay ni Lux kung kaya ay naririnig nila ang pagtatalo ni Lymope, Lux at Enemite.
"Fuck off, son. Hindi mo ba narinig si Enemite?" nakangising sambit ni Lux.
Hindi siya pinansin ni Lymope bagkus ay nakatitig lang ang binata sa dalaga na ngayon ay binibigyan siya ng matalim na tingi.
"En.. please, sumama ka na saakin. Hindi ganito ang paraan upang matapos ito"
Mas lalong nagsalubong ang kilay ng dalaga.
"Then ano? Ha?! Ano Lymope!!?!!" sigaw ni Enemite kasabay nito ang pagtulo ng luha sa mata niya. Ramdam niya ang bigat sa dibdib niya. Hindi na niya kayang isipin pa kung ano pa ba ang ibang paraan na sinasabi ni Lymope. Tingin niya ay isang kalabit nalang matutuluyan na siya.
Natahimik ang binata at napatitig nalang sa umiiyak na si Enemite.
"I killed VC. I'm a killer. Ayoko ng mabuhay ng ganito. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko. I bet ito din gagawin mo" sambit ng dalaga sa isang mahinang boses habang patuloy parin ang pagluha.
"You're not a killer." nagtiim bagang niyang sabi. Napakuyom ang kanyang kamao dahil sa pag pipigil na suntukin ang katabi nitong nagpasimuno sa lahat.
"Lymope.. just leave her alone. We made a deal and she is here to fulfill what we have.. Now if you still don't want to be drag outside, just leave silently." nauubusang pasensya na sabi ni Lux. Pero hindi parin nawawala sa labi nito ang ngiting nang aasar.
"En..." pagbanggit ni Lymope sa pangalan ng dalaga tila ay nagmamakaawa.
"Enemite!!" sabay na tawag ng tatlo pagpasok nila sa bahay ni Lux.
Napalingon ang tatlo sa bagong dumating.
"Damn it!! All of you are not welcome here! This is trespassing! Tatawag ako ng pulis" inis na lintaya ni Lux.
"Go on fucker! Dahil ikaw ang unang ipapahuli namin." sagot ni Ghax sa matapang na boses.
"En, please. Huwag kang magpapaikot sakanya. Tutulungan ka namin." nagmamakaawang tugon ni Vareyt habang nilalakad ang pagitan nila ni Enemite.
Ngunit napatigil siya nang may nagsalita.
"Hindi na siya si Enemite"
Nilibot nila ang paningin nila sa sala nang dumapo ang tingin nila sa babaeng nakatayo malapit sa pintuan at may hawak itong itim na libro.
"K-kiha.." hindi makapaniwalang pagsambit ni Vareyt.
"Kill her before she will kill us. Enemite is dead already. That is Fhajeza." she said while crying.
BINABASA MO ANG
Confirm (COMPLETED)
Mystery / ThrillerIf she confirmed your friend request, she will hunt you down. Genre: Paranormal/Mystery/Thriller •••EPISTOLARY Highest Rank # 7❤ Ended: April 26, 2018 cover made by @DdiDeulgi