Confirm # 60

2K 96 18
                                    

Confirm # 60

Narration:

Agad na nagtago si Jamuel sa gate yard nila Enemite. Inangat niya ang ulo niya at sinilip kung may bakas ba ng tao ang naroon. Nang nasiguro niya na walang tao ay patakbo siyang tumungo​ sa likod bahay nila Enemite.

Memoryado na niya ang pasikot sikot sa bahay nila Enemite dahil kung minsan ay dito siya tumatambay dahil magkalapit lang ang bahay nila.

Nakakaramdam ng matinding kaba si Jamuel nang ilang hakbang ay makikita na niya si Enemite. Kating kati na siyang makita ang kaibigan upang itakbo ito papalayo sa bahay nito at iligtas.

Maingat ang mga hakbang ni Jamuel nang nasa likod bahay na siya nila Enemite. Hindi niya kayang isipin na ang taong nagpapahirap sakanila ay nasa loob lang ng bahay ni Enemite. Nababahag ang buntot niya kung saka sakaling makaharap ang taong nasa likod ng gawain na ito.

Dapat ngayon ay nasa bahay siya ng pinsan niya at nilalayo ang sarili sa piligro. Pero heto siya ngayon, siya pa mismo ang lumapit sa piligro. Pero wala na siyang pakealam doon, ang importante ay mailigtas niya ang kaibigan niya.

Nagpalinga linga siya sa madilim na parte ng likod bahay nila Enemite. Pero walang bakas ng dalaga ang naroon.

Nagsimula siyang kabahan. Nagsimula siyang makaramdam ng takot. Pinagpapawisan siya at parang gusto niyang maiyak sa labis na panlulumo. Natatakot siya at aminado siya doon.

Nakarinig siya ng mga kaluskos kaya agad siyang sumandal sa dingding upang itago ang sarili sa may kagagawan ng pagkaluskos. Unti unti ay nakarinig siya ng mga paghakbang sa kinaroroonan niya. Bawat paghakbang ay may tunog na pagkalansing na kasunod.

Lumaki bahagya ang mata niya nang makita niya si Enemite. Akmang lalapitan niya ito nang mapansin niya ang pulang mata nito. Nakakatakot. 'Yon ang nakikita niya sa itsura ng dalaga.

Hindi siya si Enemite. 'Yon ang nasisiguro niya. Alam niyang napagkaisahan siya. At alam niyang kaya siya nito pinapunta ay upang patayin.

Labis ang takot na naramdaman ni Jamuel nang ngumiti ng nakakatakot si Enemite. At dumapo ang mata nito sa kinaroroonan niya.

"I can see you, Jamuel. Lumabas ka na"

Nanayo lahat ng balahibo sa katawan ni Jamuel dahil sa tono ng boses niya. Kakaiba at nakakakilabot na boses. Malademonyo ang boses​ ng dalaga na parang galing pa sa empyerno ang boses nito.

Napatakip siya sa bibig niya upang itago ang matunog na paghabol niya sa hininga niya dahil sa labis na kaba. Mas isinandal niya ang katawan niya sa dingding, umaasang hindi siya makita ng dalaga.

Humakbang ng isang beses ang dalaga. Dumapo ang tingin niya sa paa nito na walang sapin, bagkus ay may nakatali doon na kadena. Dumudugo ang paa nito na para bang pinilit alisin ang kadena kaya nagkaganoon. Nakita niya ang sira sa mga parte ng kadena na itinali dito. Nasisiguro niyang itinali ni Enemite ang sarili niya para hindi siya magamit.

Naisip niya kaagad ang sinabi ni Enemite tungkol sa planong sinabi nito. Ngayon niya lang napagtagpi ang plano ng kaibigan. Ang kaso mukhang hindi siya nagtagumpay dahil nagamit parin siya ni Fhajeza.

Nakatingin lang si Enemite sakanya. Bawat hakbang nito ay mas lalong lumalaki ang ngisi sa labi ng dalaga. Hindi na mapakali si Jamuel kaya agad siya pumwesto at tinulak ng malakas ang dalaga upang makatakbo siya.

Mabilis na tumakbo si Jamuel papalayo sa dalaga. Isa lang ang nasa isipan niya, ang makalayo sa demonyong si Fhajeza.

Habang tumatakbo siya ay sa may humigit sa braso niya. Agad siyang nagpupumiglas at hinarap ang taong humila sakanya.

"Hi Jamuel" bati ng lalaking naka suot ng sumbrerong itim.

Bumuhay ang pag asa sa dibdib ni Jamuel nang makilala niya ito. Sa isipan niya ay nakaligtas na siya.

"Tito!" bulong nito at akmang hihilahin na ang lalaki upang makatakbo sila paalis dahil alam niyang kailangan niya iligtas ang sarili. Kahit labis na din ang pagtataka nito kung bakit andito ito sa bahay nila Enemite. Ang alam niya ay hindi naman sila magkalapit ni Enemite.

"Too bad. She confirmed you"

Napaamang si Jamuel sa sinabi ng lalaki. Gulat na tiningnan niya ito at napaatras. Akmang tatakbo na siya nang inangat ng lalaki ang mahabang kahoy at malakas pinalo sa ulo si Jamuel.

Nawalan ng malay si Jamuel sa nangyari.

"Sana mapatawad ako ng pamangkin ko nito." sabi ng lalaki at nilabas ang kutsilyo at ginilitan nito ng tatlong beses ang palapulsuhan ng lalaki upang magmukhang suicide.

Binitbit niya ito na parang nagbubuhat ng bigas saka dinala sa bahay ni Jamuel upang gawin ang laging ginagawa nila.

Lumabas si Enemite at ngumiti sa lalaki.

"Good Job, Love" tugon ng lalaki.

"I'm enjoying being alive again. I want the body of this girl"

Panandaliang natigilan ang lalaki sa sinabi ng babae. Ang alam niyang hindi pwede 'yon. Napagkasunduan nila ito.

End of Narration

Confirm (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon