Confirm # 91

1.8K 80 20
                                    

Confirm # 91

"Sino nagsabi sayo kung nasaan si Enemite?" bungad na tanong ni Ghax kina Vareyt pagbaba nito sa sasakyan.

"Si Kiha" tipid na sagot ni Vareyt. Iniwas niya agad ang tingin at nagtungo papasok sa sasakyan. Panandaliang napatitig ang binata sa inasal ng babae at sa pagbanggit sa pangalan ng isang kaibigan..

"Dalian na natin Ghax. Kanina pa kasi talaga hindi mapakali si Vareyt eh" tugon ni Ether na nasa tabi nito. Napagtanto agad yon ng binata kung kaya ay agad siyang pumasok sa sasakyan at pinaandar ito.

"Natawagan mo na si Lymope?" tanong ni Ghax habang nakatuon parin ang tingin sa kalsada.

"I tried pero hindi ko talaga siya macontact. I think ito na din yong magandang chance para dalhin natin si Tito Lux sa prisento kagaya ng napagplanuhan natin. Hinanda mo na din ba yong kakailanganin?" mabilis at walang prenong sambit ni Vareyt. Halata sa mukha nito ang kaba sa kung anong mangyayari sa pagtatagpo nito.

"Puntahan nalang natin si Lymope sa bahay nila. Bilisan mo" sambit ni Ether.

Umiling si Ghax," Panigurado wala doon si Lymope. Sa tingin niyo mananatili lang yon sa bahay nila ngayong nawawala si Enemite?"

"Eh kung ganoon, nasaan siya?"

"Baka papunta na din yon sa bahay ni Tito Lux. Let's see" saka nito mas pinabilis ang pagpatakbo.

"Wait.." napalingon si Ghax at Ether kay Vareyt na ngayon ay gulat na nakatutok sa teleponong hawak nito.

"Ano yon?" lumapit si Ether at sinilip kung ano ang tinitingnan nito.

"Nag send saakin ng picture si Kiha. Si Enemite at Tito Lux, magkausap" nanginginig na tugon nito.

"Si Kiha? Anong ginagawa niya—diba nasa Korea siya?" gulat na tanong ni Ether. Napagtanto din ni Vareyt kung bakit nandoon si Kiha sa bahay ng Tito nito.

"Actually, alam ko na hindi siya pumunta sa Korea. She texted me that night nong nalaman na natin na kasabwat siya ng Tito niya." kalmadong sambit ni Ghax. Nagsisimula na din siyang mag alala sa reaksyon ng kaibigan niya kung bakit ngayon niya lang sinabi ito.

"So alam mo?! What the fuck Ghax!" naiinis na sambit ni Vareyt.

"I know okay. Pero alam ko naman na wala na ding saysay kung sasabihin ko pa sainyo."

"Kaya pala hindi na siya nagpumilit na ihatid natin siya sa airport." tugon ni Ether.

"Hindi siya nakaalis dahil binlack mail siya ng Tito niya."

Magsasalita pa sana si Vareyt nang tumunog ang cellphone niya.

Unregistered Number calling...
Answer| Reject

"Sino to?" mahinang tanong niya.

Unregistered Number calling...
Answer|Reject

"Hello?"

"VC is dead."

"L-lymope..?"

"He is dead. The CCTV caught Enemite when she entered VC's room. The police are now searching for her"

"Tangina. A..anong..teka, where are you?"

"Papunta na ako sa bahay ni Lux. Let's meet there."

The call ended

Confirm (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon