"Neng, nandito na tayo sa Laguna..."
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ang palayaw na tanging ang driver lang namin ang tumatawag sa akin.
Inilibot ko ang paningin sa aking paligid. Ang pamilyar na tanawin ang siyang tuluyang nagpagising sa aking diwa. Narinig ko ang mahinang tawa ni Mang Danny nang makita ang excitement sa aking mukha.
Mang Danny is our family driver. Siya ang palaging sumasama sa akin kahit saan man ako magpunta, especially because my parents are staying in Manila to manage our business. Ako rin kasi ang naiiwan palagi sa bahay namin sa Quezon.
Hindi na ako pinayagan nila Mama at Papa na mag-drive mag-isa kahit na dalawampu't dalawang taong gulang na ako dahil muntik na akong maaksidente noon. Simula noong nalaman nila kung gaano ako ka-kaskasera sa pagpapatakbo ng sasakyan ay inatasan nila si Mang Danny bilang personal driver ko. Medyo lapitin din kasi ako ng aksidente noong kabataan kaya wala silang choice kun'di maghigpit lalo na't nag-iisang anak ako ng pamilya.
"Mang Danny, ito na po ba ang bahay nila Tita Ariella?"
Ngumiti muna siya sa akin bago tumango. "Ang laki na ng pinagbago, ano? Dati ay maliit pa lang ito noong una nila itong nabili. Ngayon ay halos hindi na natin makilala sa unang tingin! Iba talaga kapag na-removate," aniya.
I chuckled softly. "Mang Danny... Renovate po iyon, hindi removate," pagtatama ko sa sinabi niya. "Oh siya, bababa na po ako rito, Mang Danny... Salamat po sa paghatid! Tatawagan ko na lang po kayo kapag bibisita na ako sa kaibigan ko sa ospital."
"Sige, 'neng! I-kumusta mo na lang ako sa pinsan mo," aniya bago ako tinulungang magbaba ng mga gamit kong dala mula sa back seat ng sasakyan. Nang tuluyan ko nang mailabas ang mga gamit ko ay kumaway na ako sa kanya bilang pamamaalam.
Sa Quezon ay kasama ko si Mang Danny sa bahay pati na rin ang asawa niyang si Aling Tony. Nandito talaga sa Laguna ang kanilang tirahan kaya doon muna raw uuwi si Mang Danny at maghihintay na lang ng tawag ko kung aalis ako o may pupuntahan.
"Athalia? Ikaw na ba 'yan?"
Namilog ang mata ko nang marinig ang isang pamilyar na tinig mula sa aking likuran. Paglingon ko ay agad akong napangiti nang makita ko rin siyang nakangiti nang matamis sa akin.
"Ate Demetria, namiss kita!" Napatakbo ako agad upang yumakap nang mahigpit sa kanya.
"Dalagang-dalaga ka na talaga, Athalia!" puri niya sa akin bago mariing pinisil ang pisngi ko. Napahalakhak ako dahil sa sinabi niya.
"Kumusta ka na, Ate?" Napangiti siya dahil sa tanong ko bago tahimik na binuhat ang isa kong maleta at iginiya ako papasok sa bahay.
"Ayos naman..." sagot niya makalipas ang ilang sandali pagkapasok namin sa bahay.
Nanatiling nakatikom ang aking bibig habang pinapanood siyang bitbitin ang aking mga gamit paakyat sa hagdan.
Hindi lingid sa kaalaman ko ang nangyari sa pagmamahalan nila ng kanyang asawa. It's been almost six years ever since that day at alam kong hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang alaala ang pagkawala niya.
Sayang lang at hindi ko nakilala sa personal si Kuya North dahil abala ako noon sa pag-aaral. Ngayon ay graduating student na ako sa kursong industrial engineering at pinalipat ako rito sa Laguna kasama ang pinsan ko upang dito magtapos ng kolehiyo at maghanap ng trabaho.
"Nga pala, kumusta sila Tita Serena? Sinabi ba nila sa'yo kung kailan nila balak bumisita ulit dito?" pag-iiba niya sa usapan.
"Ay, 'di ko po alam, eh! Ang alam ko kasi ay busy pa rin sila sa kumpanya namin sa Manila," sagot ko.
BINABASA MO ANG
Remember me, Athalia
RomanceREMEMBER ME SERIES # 2 *** Athalia Serene Stewart and Tuesday Allison Thompson were best of friends since childhood and grew up together like siblings. Tuesday has a rare heart condition which ran in her family. She was in love with Vermont Vann Tor...