Kapitulo IV - See

655 46 15
                                    

Kinabukasan ay panibagong araw na naman para pumasok sa school. It's a good thing na nagstart ang pasukan namin ng Wednesday kaya malapit na agad ang weekends. Next week ay magsisimula na kaming mag-OJT sa isang company at papasok na lang kami sa school para sa ilang minor subjects at seminars.

Natigilan ako sa pag-iisip tungkol sa kung gaano nakakatamad ang paggising nang maaga nang maalala ang naging pag-uusap namin ni Tuesday kahapon.

There's already a lot of problems if we're gonna stick to the plan. Hindi naman sa pagiging judgmental pero... sa tingin ko ay mahihirapan akong kaibiganin ang lalaking iyon lalo na't sa tingin ko suplado siya sa mga babae.

Baka isipin niya pa na stalker niya ako o kaya may binabalak ako sa kanyang masama! Sa mukha kong ito, stalker lang?! Well, hindi niya rin naman ako maaaring husgahan sa mukha dahil una sa lahat... hindi ako mukhang stalker. Pangalawa, pakikipagkaibigan lang naman ang gusto ko.

But what if... kaya pala siya suplado sa mga babae ay dahil hindi babae ang gusto niya? Damn, isang legit na sayang iyon! Ang gwapo-gwapo niya pa naman tapos gwapo rin pala ang hanap niya!

Hay nako! Masasabunutan ko talaga itong si Tuesday kapag itong binabalak namin ay pumalpak dahil malalaman kong bakla pala ang lalaking kinababaliwan niya! Pero pagkakaibigan nga lang 'di ba? Ano bang pinoproblema mo riyan, Athalia? Hindi ba mas madali kapag bakla rin siya? Baka sakaling mas friendly siya kapag nalaman niyang wala akong ibang motibo sa kanya.

Pagkababa ko pa lang ng sasakyan ay agad kong namataan si Lana na tumatakbo papalapit sa akin. Nakangisi siya nang malawak sa akin. "Good morning, Athalia Serene!" she greeted me with enthusiasm.

"Morning..." Nagtaas siya ng isang kilay dahil sa plain na bati ko ngunit kalaunan ay humalakhak na lang siya sa akin.

Agad nawala sa akin ang atensyon niya nang dumaan sa gilid namin ang isang itim na kotse. Napakunot ang noo ko nang bumaba mula sa passenger seat si Vermont at sunod naman na bumaba ay ang nag-drive ng kanyang kotse na isang lalaki. Nalaglag ang panga ko nang bigla humawak sa may siko niya ang lalaki na tila ba inaalalayan ito.

What the fuck?

"Tang... ina?" hindi makapaniwalang sabi ko.

You've got to be kidding me, Vermont Vann Torres! Am I really right about my judgment?

Nakita ko ang marahas na pagtapik niya sa kamay ng lalaking nag-aalalay sa kanya sa paglalakad bago makapasok ng building mula rito sa parking lot.

Tinignan ko si Lana na nakatulala rin at bakas ang gulat sa mga mata. Tinignan ko siya gamit ang mga matang nagtatanong ngunit nagkibit-balikat lang din siya sa akin.

"Bakla ba iyon?" diretsong tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "I don't think so..." depensa niya sa lalaki. "Ang judgmental mo naman!"

Napairap na lang ako dahil sa obvious na pagtatanggol niya kay Vermont. Wala siyang pinagkaiba kay Tuesday!

Nang sumapit ang recess time ay nahihilo akong napahawak sa aking sentido habang paulit-ulit na pinoproseso ang nakita namin ni Lana kanina. Is it some kind of joke? Wala naman sigurong ibig sabihin 'yon kanina, 'di ba? 

Or maybe... that was true? Teka, ano naman ngayon, Athalia? Tama si Lana, eh! Ang judgmental mo nga! Ano naman ngayon kung bakla siya? Bakit ba ang big deal no'n sa'yo?

Napahilamos ako ng palad sa aking mukha dahil sa mga naiisip. Hindi naman siya mukhang disabled para alalayan pa ng ibang tao... Or maybe he really is? Pero hindi ako makapaniwala! Mas kapani-paniwala pa sa akin ang posibilidad na bakla siya kaysa ang may kapansanan!

Remember me, AthaliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon