Kapitulo XIII - Change

491 33 1
                                    

"V-Vermont Torres?"

Napakunot ang kanyang noo. "I don't clearly remember what happened to him that time but I knew he was in a critical condition... mas kritikal pa sa kalagayan mo noon. Mas nasalo niya kasi ang impact na matatamo mo noon. Mayroong pumasok na bubog sa kanyang cornea at nagtamo rin siya ng maraming injury sa lower and upper body. Wala na kaming balita tungkol sa kanya matapos maging successful ng operasyon mo kaya we assumed that he didn't survive it."

Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko habang iniintindi ang bawat salitang lumalabas mula sa kanyang bibig. Come to think of it... simula noong nagkakilala kami ni Vermont ay halos araw-araw akong binubulabog ng aksidenteng iyon sa aking mga panaginip.

"Athalia? What's wrong?" Nabalik ako sa reyalidad nang hawakan niya ang braso ko. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"A-Ate Demi... nahanap ko na siya. Kilala ko kung sino ang lalaking iyon."

Napaawang ang kanyang bibig sa sinabi ko. "W-What are you talking about?"

Marahas kong pinalis ang mga luhang kumawala sa mata ko. "Vermont Torres... Magkakilala kaming dalawa."

Nagulat ako nang bigla siyang umiling. "If you're thinking about the promise you made five years ago, please lang, Athalia... huwag na. Itigil mo 'yang iniisip mo. I won't allow you and I'm sure hindi rin papayag sila Tito sa gusto mo."

Ipinilig ko ang ulo habang humuhugot ng hininga. "Paano kung sinadya talaga kaming pagtagpuin ng tadhana upang ipaalala sa akin ang kasalanan ko—"

"It's not your fault, Athalia! It was an accident!" Napapikit siya nang mariin dahil sa kahihiyan nang lumingon ang ilang mga tao sa ospital sa gawi namin. Hinila niya ako papalayo roon at binitiwan niya lang ako nang makalabas na kami nang tuluyan sa ospital. "Hindi mo sinasadya iyon! Nagkataon lang din na nandoon siya sa pagkakataong iyon! May pagkakamali ka pero hindi mo kasalanan ang lahat kaya huwag mong isisi ang lahat sa sarili mo!"

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "Pero paano kung ito lang pala ang tanging paraan para matahimik ang konsensya ko, Ate Demi?" puno ng pag-asang tanong ko sa kanya. "Paano kung ito na pala ang tanging paraan upang gumaling ako sa trauma ko?"

Tinanggal niya ang mga kamay kong nakahawak sa kanya. "No! Take a therapy first! Hindi lang iyon ang natitirang paraan para maibalik ang kapayapaan sa isip at puso mo! Athalia, puwede ba? Isipin mo naman ang sarili mo! Isipin mo ang kinabukasan mo! Hindi basta-basta 'yong gusto mong gawin!"

"Pero Ate Demi, hindi ko pa naman gagawin iyon ngayon. Saka na kapag stable na rin ang buhay ko. Gagawin ko naman iyon hindi lang para sa kanya kun'di para sa sarili ko rin."

Suminghap siya. "Paano kung may donor na siya by that time? What would you do? Itutuloy mo pa rin ba?" seryosong tanong niya.

Tipid akong ngumiti. "Then, that would be better... Hindi ko na kailangan pang magsakripisyo kung ganoon."

She heavily sighed and helped me wipe away my tears. "Sana ay dumating ang araw na hindi mo na kailangan pang gawin iyon para sa kanya..."

Nasa kalagitnaan ako ng pagkakatulala sa may balkonahe ng aking silid nang bayolenteng nagring ang aking cellphone. Napabuntong-hininga ako nang maalala na bagong number nga pala ang gamit ko dahil binigay ko sa kaibigan ang dati kong sim card.

Pagod kong tiningnan ang pangalang nakalagay sa caller I.D. at nakitang si Tuesday iyon. Huminga muna ako nang malalim bago sinagot ang kanyang tawag. "Hello—"

"Oh my gosh, Athalia! You should have answered my call kanina pa! M-May emergency tayo!" natatarantang sabi niya kaya bahagya ko pang nailayo ang aking cellphone sa tainga dahil sa lakas ng boses niya.

Remember me, AthaliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon