Kapitulo VII - Beautiful

538 41 5
                                    

Nang makarating sa bahay ay naabutan ko si Ate Demi na may dalang sandok at nakasuot ng apron. Napangiti siya agad nang makita ako. "Oh, nandito na pala ang pinsan ko!"

Nagulat ako nang may biglang sumungaw na ulo ng isang babae at lalaki mula sa may kusina. Namilog ang mata ko nang makilala kung sino iyon. "Kuya JV? Ate Anna?" gulat na sabi ko at agad naman nila akong sinalubong ng yakap.

"Wow, dalagang-dalaga ka na talaga, Athalia!" puri sa akin ni Ate Anna.

"Ang sexy mo na lalo, bakla!" sabi sa akin ni Kuya JV na siyang nagpangisi sa akin.

"Mas sexy ka pa rin, 'wag kang papatalo!" pambobola ko sa kanya.

Nagsuklay siya ng kanyang buhok gamit ang kanyang kamay na tila ba may buhok itong mahaba. "I know right! 'Yan gusto ko sa'yo, bebe girl!" masayang sabi niya bago ako niyakap na tila ba nakahanap ng kakampi.

"Ano, kumusta ang school? Start na ba ng internship niyo? May bago ka bang friends?" Halos mapaubo naman ako dahil sa huling tanong ni Ate Demi.

Nagkwentuhan muna kami kasama ang mga kaibigan ni Ate Demetria habang kumakain ng hapunan bago sila umalis. Nagpaalam ako sa kanilang lahat at ibinilin naman sa akin ni Ate Demi itong bahay.

Nang sumapit ang weekends ay nagpahatid ako kay Mang Danny sa ospital kung saan naka-confine si Tuesday. I'm planning to tell her the good news to make her happy!

"Good morning, Athalia!" masiglang bati niya sa akin bago itinulak sa tabi ang kanyang medication cart na punong-puno ng gamot na nakaayos at nakahanda nang inumin.

"I have a good news!" excited na panimula ko.

Kumislap ang kanyang mga mata bago hinawakan ang kamay ko at iginiya paupo sa tabi niya.

"Magkaibigan na kami ni Vermont! Nagawa ko na ang misyon ko! I can't believe that I did it in less than a week!" hindi makapaniwalang sabi ko bago pinanood ang reaksyon niya.

Natigilan ako sa pagkukwento nang kumunot ang kanyang noo at bahagyang sumimangot. "It doesn't mean that you'll stop already, Athalia... Nagsisimula ka pa lang!"

Hindi agad ako nakabawi dahil sa sinabi niya. I cleared my throat and looked at her with disbelief. "W-What do you mean? Anong nagsisimula pa lang? Hindi ba't usapan lang natin ay kakaibiganin ko si Vermont?" I tried to calm down.

She shook her head in disappointment. "Oo nga pero... you're supposed to make your friendship last longer! Kailangan ay maging close kayo!" paliwanag niya.

I sighed. "Ayos lang naman sa akin iyon pero... kailangan ba talagang ipagpatuloy ko ang pakikipagkaibigan ko sa kanya habang pinapaniwala ko siyang ako si Tuesday? Why can't I just admit who I really am—"

Nagulat ako nang bigla siyang mapatayo. "No, you won't do that, Athalia!"

Naguguluhan ko siyang tiningnan. "Why not? Maaga pa at maaari pa nating maitama ang pagkakamali nating dalawa. Ipapakilala na lang kita sa kanya—"

"Sige nga, paano kung sa'yo siya ma-inlove, Athalia?" seryosong sabi niya.

Napaawang ang bibig ko sa gulat. "W-What are you—"

"Paano kung sa'yo siya ma-inlove bilang Athalia at hindi bilang ako? Don't you think it's possible?"

Nagpantig ang tainga ko dahil sa sinabi niya kaya napatayo na rin ako. "Teka nga... so you're telling me that you made me do this not because you wanted to become his friend... kun'di para ma-inlove siya sa'yo sa pamamagitan ng pagpapanggap ko? Are you fucking kidding me, Tuesday Allison?"

She pursed her lips to hide its trembling. Napawi ang iritasyong nararamdaman ko nang makita ang lungkot at sakit sa kanyang mga mata. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at pilit inalala na mali pa rin itong ginagawa namin.

Remember me, AthaliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon