My life has always been dark ever since I lost my vision. Alam kong aksidente lang ang nangyari noon pero hindi ko pa rin maiwasang magalit sa aking sarili dahil sa kapabayaan ko noon pati na rin sa taong nagmamaneho ng sasakyang nakabanggaan ko. Parehas kaming naging pabaya at ngayon ay pinagbabayaran ko ang naging kapabayaan naming dalawa.
Minsan naiisip ko, naghihirap din kaya siya katulad ko? Nakokonsensya din ba siya sa nangyaring aksidente noon? Nagdurusa rin ba siya katulad ko? I'd like to say it's no one's fault but I couldn't just erase the fact that we have our own faults.
Gusto kong manisi ng ibang tao pero hindi ko maiwasang maisip na kasalanan ko rin naman kung bakit nangyari sa akin ito. Kung sana lang ay naging maingat ako noon at hindi tumakas sa bahay para lang makapunta sa inuman kasama ang mga tropa ko ay hindi sana ako magkakaganito ngayon. Karma really hit me so hard.
Simula noong araw na sabihin sa akin ng doktor na maaaring wala nang pag-asang makarecover nang kusa ang paningin ko, pakiramdam ko ay tuluyang gumuho ang mundo ko. Kahit sinabi ng doktor na maaari pa kaming umasa sa cornea donors ay pinanghinaan pa rin ako ng loob. Alam ko kung gaano kahirap makahanap ng donors dito sa bansa lalo na't hindi naman lahat ay willing magbigay ng kanilang mata. Pakiramdam ko ay wala nang saysay pa kung ipagpapatuloy ko ang buhay ko. Pero nagbago ang pananaw ko sa buhay nang makilala ko siya...
Umihip nang malakas ang hangin at agad napakunot ang noo ko nang may humampas na mahabang buhok sa aking mukha.
"Payag ka, 4th year college ka na pero nambubully ka pa rin?" sarkastikong sabi ng babae sa mga lalaking humarang sa akin dito sa mini forest. "Eh, ano ngayon kung bulag siya? Hindi pa rin tamang gumawa ka ng eskandalo rito sa school. You're so pathetic."
"Wow... kaya naman pala walang pakielam sa girlfriend ko! May girlfriend palang chix! Daig pa ako ng bulag, guys!" sarkastikong anunsyo ng isang lalaki sa mga tao bago humalakhak nang malakas. Humalakhak din ang mga kasama niyang lalaki pati na rin ang ilang mga manonood.
"Kaya ka iniwan ng girlfriend mo dahil ganyan 'yang ugali mo. Too bad... kahit bulag siya, kayang-kaya niya pa ring agawin sa'yo 'yang pinagmamalaki mong girlfriend mo kahit wala siyang ginagawa. Ikaw ngang nakakakita ay iniiwan pa rin ng girlfriend niya."
Nang tumahimik na ang paligid ay napabuntonghininga ako. Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ang paghawak ng babae sa kamay ko. Inawang ko ang aking bibig upang magsalita. "Thank you..." halos pabulong na sabi ko. Kinuha ko ang nakasabit na sunglasses sa aking polo shirt bago isinuot iyon.
Damn! That's the first time I was saved by a girl! I look like a fucking damsel in distress and she was my knight in shining armor!
Simula noong araw na iyon ay napalapit na ang loob ko sa kanya. She's the only friend I had in college. Hindi ko inakalang mayroon pa palang kakaibigan sa akin bukod sa personal nurse kong si Melvin. Simula noon ay naging excited na ako sa pagpasok sa school upang makasama si Tuesday.
Hinila niya ako papasok sa isang silid at iginiya patungo sa isang kumportableng upuan. Nang maramdaman ang paghampas ng maligamgam na hangin sa aking mukha ay napagtanto kong malapit ako ngayon sa bintana. Nanigas ako sa aking kinauupuan nang maamoy ko ang bango niya malapit sa akin nang siya'y bumulong sa tainga ko. "I want to show you something."
Napakunot agad ang noo ko sa sinabi niya. Narinig ko ang mga yabag niya papalayo at ang pagbukas ng isang cabinet.
Humalukipkip lamang ako habang hinihintay ang nais niya raw 'ipakita' sa akin.Napaawang ang aking bibig nang marinig ang kalmadong tunog ng isang violin. Habang tumutugtog siya ay naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nakikita ko siyang tinutugtog ito sa harapan ko. Damang-dama ko ang lungkot... at pagmamahal sa buong performance niya. Hindi ko alam kung ano ang tinutugtog niya pero pakiramdam ko ay nakuha ko ang mensahe ng kanyang kanta. After all, that's how music works.
BINABASA MO ANG
Remember me, Athalia
RomanceREMEMBER ME SERIES # 2 *** Athalia Serene Stewart and Tuesday Allison Thompson were best of friends since childhood and grew up together like siblings. Tuesday has a rare heart condition which ran in her family. She was in love with Vermont Vann Tor...