Kapitulo XIX - Sorry

477 32 7
                                    

"T-Tuesday?"

Napahawak ako sa aking dibdib at pinakiramdaman ang puso kong tila lalabas na mula roon. Pilit kong iniwaksi at isinantabu ang sakit ng nakaraan na unti-unti na namang bumabalik sa akin. Muling bumabalik sa aking alaala ang lahat ng masasakit na salitang binitiwa niya noong araw na iyon na matagal ko nang pilit kinalimutan.

"Hi! Long time no talk!" masiglang bati niya. Naramdaman ko ang pagdaloy ng kirot sa aking puso habang pinapakinggan ang sigla sa boses niya.

Sinubukan kong alalahanin ang kanyang masayang mukha sa tuwing magkasama kami noon ngunit ang tanging naaalala ko lang ay ang mapait naming huling pagkikita.

"Y-Yeah..." mahinahon kong sabi.

Narinig ko ang pagtikhim niya. "Uh... How are you? Ngayon lang kita na-contact dahil madalas kang cannot be reached," pagsisimula niya ng bagong topic.

Nilunok ko ang umaakyat na pait sa aking lalamunan. "Uh, oo. Mahirap kasi ang signal dito," sagot ko sa kanya.

"Bakit? Wala ka ba sa Laguna? Akala ko ay nag-Maynila ka?" Bakas ang gulat sa kanyang boses.

"Yeah," tipid kong sagot.

"Where are you now?" nag-aalalang tanong niya.

"Nagpakalayo-layo katulad ng sinabi mo," matabang kong sinabi.

Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Angelo at Lana. May humawak sa aking kamay na sa tingin ko ay si Lana. I can only imagine her face looking so worried about me. Malungkot akong ngumiti sa kanila.

Pagkatapos ng mahabang pananahimik sa kabilang linya ay muli siyang nagsalita. "How are you feeling?" kaswal na tanong niya sa akin.

"I'm good," tipid kong sagot bago tumikhim. "Alam kong hindi ito ang dahilan kung bakit ka tumawag, Tuesday. Just get straight to the point."

Narinig ko ang mahaba niyang pagbuntong-hininga sa kabilang linya bago magsalita. "I'm sorry about what happened between us before..." halos pabulong niyang sabi ngunit sapat na para marinig ko.

Kinagat ko ang ibabang labi at itinikom na lang ang aking bibig. Matagal na kitang napatawad, Tuesday... Matagal na akong nagpatawad, pero hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin talaga 'yong sakit na iniwan mo sa puso ko. The memories of our friendship kept haunting me every night in my dreams. The memories of you, dumping our friendship so easily like it never really meant anything to you, haunts me every night before I close my eyes.

"And I also want to inform you that I've been discharged from the hospital already!" masiglang dagdag niya. Kahit papaano ay napawi ang pag-aalalang nararamdaman ko mula sa kaloob-looban ng puso ko. Even after all the pain she gave me, there would always be a part of me that will always be caring for her.

I sighed in relief. "That's good to hear..." napapaos na sabi ko.

"And Vermont underwent his corneal transplant..." medyo nag-aalinlangang balita niya sa akin. "It was a success! Hindi namin inasahan na magkakaroon siya ng donor after years of waiting."

Narinig ko ang sabay na pagsinghap ng dalawa kong kaibigan. Napatayo pa ang isang katabi ko na sa tingin ko ay si Angelo base sa bigat ng kanyang mga hakbang nang siya'y maglakad papalayo.

"R-Really?" medyo gulat pa ring tanong ko.

Gusto kong ngumiti nang sinsero dahil masaya ako para kay Vermont ngunit ayaw umangat ng magkabilang gilid ng labi ko. Naramdaman ko ang lamig sa aking sikmura at ang pagbagal ng tibok ng aking puso.

Ito na ang pinakahihintay niyang pagkakataon para maibalik ang kanyang paningin. This is what I've wanted to happen, too, right? Ano pa bang gusto kong mangyari? Akala ko ba ay magiging okay na ako pagkatapos nito? Athalia, you selfish brat.

"Yes! Ibig sabihin ay magkikita na kami pagkatapos makarecover ng kanyang paningin!" I can almost imagine her jumping in joy and excitement.

"That's... That's great." I chuckled softly to hide the pain in my voice. Athalia, you fool!

"Anyway, I just called you because I wanted to apologize. I... I hope we can still be friends," nag-aalinlangan ngunit bakas ang sinseridad sa kanyang boses.

I want to cry my heart out. I want to scream on top of my lungs. But I think my mind is going blank and I am lost for words. Hindi ko ugaling magtanim ng sama ng loob pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ba't ito naman ang gusto mong mangyari, Athalia? Hindi ba't gusto mong maayos at maibalik pa ang pagkakaibigan niyo ni Tuesday? Hindi ba't ito na ang matagal mong hinihiling? Bakit parang mas nasasaktan ka ngayon?

Maybe it's because of the fact that she wants me back just because things are getting better for her and Vermont. Maybe it's because of the fact that she needs me again, not as a friend, but someone to rely on again like before. I'd like to believe that she's sincere. I'd like to believe that she really wants us back together. I'd like to believe that she really wants to fix our broken friendship. And I'd like to believe that everything she said was true. I'd like to, but...

Gusto niya lang bang ipamukha sa akin na masaya na sila ni Vermont? Gusto niya lang bang ipamukha sa akin na gano'n lang ako kadaling iwan bilang kaibigan kapag ayaw niya na at kunin agad kapag gusto niya na ulit? Ano ba ako, isang laruan lang para sa kanya? Isang laruan na pagkatapos gamitin ay iiwan na lang basta-basta kapag nagsawa na? Pero kapag gusto ulit gamitin ay kukunin na tila ba walang nangyari?

"I missed you, Athalia... I'm really sorry," malungkot na sabi niya. Naikuyom ko ang kamay kong kanina pa nanginginig at namamanhid nang marinig ang mahihinang paghikbi niya mula sa kabilang linya.

Isang sorry mo lang talaga, tanga na naman ako, Tuesday. Isang sorry mo lang, utu-uto na naman ako. Isang sorry mo lang, handa na naman akong gawin ang lahat para sa'yo.

I'm really not the type of person to easily give up on someone. Yes, sometimes I get really mad and upset so I needed some time to cool off my head, but I will never abandon other people. I don't leave people easily, and I think that's the reason why it always hurts so bad when people leave me.

"I... I missed you, too." Rinig ko ang pagkabasag ng aking boses habang nagsasalita.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Lana sa kamay ko. Marahan niya iyong pinisil upang iparamdam sa akin na nandito lang siya sa tabi ko.

"I hope to see you soon, Athalia! I'll hang up now, okay? I-I need to drink my meds and rest for a while..." aniya bago ko narinig ang pagkaputol ng linya.

"Bye..." pabulong na sabi ko kahit alam kong hindi niya na iyon maririnig pa.

Gusto kong maiyak ngunit walang luhang gustong lumabas mula sa aking mga mata. Ang hirap pala kapag hindi mo nailalabas ang mga luhang gusto mong ilabas, ano? You'll just slowly feel the pain building up inside you until it slowly eats you but you can't do anything to stop it. You can't do anything to stop the pain you're feeling, because it will always be there.

When you love someone, hindi lang para sa lalaki o babaeng mahal mo, kun'di pati na rin sa kaibigan at pamilya mo, you should get ready to feel the pain. Dahil kakambal ng love ang pain. Love isn't all about rainbows and butterflies, after all.

Kaya siguro dapat kapag nagmamahal ka, 'wag mong ibibigay ang lahat. Katulad nga ng sinasabi ng iba, walang bayad na mabibigyan ng mas malaking sukli. The greater you give, you can't just ask someone to give you greater than what they have received. It will always be lesser, but it can never be greater.

Remember me, AthaliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon