Nagising ako sa isang pamilyar na umaga rito sa Quezon. Sa tagal ng paninirahan ko rito ay nasanay na ako sa tunog ng bayolenteng paghampas ng alon sa dalampasigan. Nasanay na rin ako sa maalat na amoy ng tubig-dagat at maligamgam na hangin.
Hinawakan ko ang talukap ng aking mga matang nakapikit. Iminulat ko ang mga mata at napangiti nang makaaninag ng kaunting liwanag. Ipinikit kong muli ang aking mga mata bago dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga. Hinagilap ko ang aking tungkod na siyang tumutulong sa akin sa paglalakad. Lumabas ako ng silid at narinig mula sa malayo ang pag-uusap ng mga taong kasama ko sa bahay.
"Good morning, Athalia!" si Lana.
The corners of my mouth rose. "Good morning..." bati ko sa kanya bago maingat na naglakad patungo sa pintuan palabas ng bahay.
"Kain ka muna rito, Athalia," rinig kong sabi ni Ate Demi.
"Pinagluto ka ni Angelo ng almusal, oh! 'Lika na rito!" may bahid pang-aasar na sabi ni Lana.
I shifted my weight a bit and slowly turned to them. Tipid akong ngumiti sa kanila. "Salamat, Angelo..."
"Morning, Lia," mahinahong bati niya sa akin. Tumango ako at hindi na nagsalita pa.
Mabagal akong naglakad patungo sa kanila at iginiya naman ako ni Angelo papuntang hapagkainan. Nang makaupo sa hapagkainan ay narinig ko ang kalampag ng mga kubyertos sa aking harapan.
"Kailan nga pala ang pasukan niyo, Angelo?" kaswal na tanong ko sa kanya bago kinapa ang kutsara at nagsimula nang kumain ng almusal. I enjoyed the aroma of omelette and hash browns first before taking a bite.
"Sa susunod na linggo na," tipid niyang sagot.
"Ay! Lia, tapos na ang hiningi kong leave kay boss! Hinahanap na raw nila ako sa Manila. Hihingi na lang siguro ako ng extension para masamahan kita sa—"
I immediately shook my head. "No, it's fine! Balik ka na sa trabaho, Lana... At saka ayos na naman ako rito, eh. Tatawagan na lang kita kapag tutungo na ako sa Maynila," agap ko.
Dinig ko ang ma-drama niyang pagbuntonghininga. "F-Fine... I'll pay you a visit every weekends, okay?"
Tumango ako at hindi na napigilan ang pagngiti sa sinabi niya. "Okay. Aasa ako, ah?" biro ko na nagpahalakhak sa kanya.
"Athalia, babalik na ako sa Laguna this week dahil aayusin ko na ang mga papeles ko para sa pag-aapply ng residency program sa ibang ospital," paalam ng pinsan ko.
"Wow, lilipat ka na ng ospital, Ate Dems? Nagsawa ka na sa dati mong pinagta-trabahuan?" pabirong sabi ni Lana.
Ate Demetria chuckled a bit. "Gusto ko lang ng bagong working environment. At saka mas maganda yata ang residency program doon sa lilipatan ko."
"Ate Demi, sasabay na ako sa'yo..." pagsingit ko sa usapan.
Natahimik silang lahat sa sinabi ko. Narinig kong tumikhim ang pinsan ko. "O-Okay... Kinausap ka na ba ni Dr. Velasco?"
I slowly nodded. "Sabi niya ay mabuti na raw 'yong maging handa ako anytime dahil hindi naman tiyak kung kailan makukuha ang cornea ng donor," mahinahong sabi ko.
"Alright, then."
"Athalia, I'll call you often, okay? Be sure to pick up your phone every time I call, kung ayaw mong bumiyahe agad ako papunta rito sa Quezon dahil sa labis na pag-aalala!" paalala sa akin ni Lana. "I promise to be there during your transplant."
Napangiti ako sa sinabi ng aking kaibigan. Nagpatuloy kami sa pagkukuwentuhan tungkol sa nalalapit na pagtanggap ko ng bagong cornea. Pagkatapos kumain ay nagpahatid ako kay Aling Tony patungo sa dalampasigan upang lumanghap ng sariwang hangin.
BINABASA MO ANG
Remember me, Athalia
RomanceREMEMBER ME SERIES # 2 *** Athalia Serene Stewart and Tuesday Allison Thompson were best of friends since childhood and grew up together like siblings. Tuesday has a rare heart condition which ran in her family. She was in love with Vermont Vann Tor...