Kapitulo XV - Last

473 33 2
                                    

Pumara ako ng isang taxi pauwi. Buong biyahe ay tulala lamang ako at hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa bahay. Nagbayad muna ako bago bumaba at nagmamadaling lumabas doon.

Mabilis akong pinapasok ng mga guwardiya sa mansion ng mga Stewart at walang naglakas-loob lumapit sa akin upang tanungin kung bakit ganito ang itsura ko ngayon. Kahit papaano ay ipinagpapasalamat ko iyon dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot ko kung sakaling nagtanong man sila.

Pagkapasok ko sa kwarto ay doon tuluyang bumuhos ang lahat ng emosyon ko. I cried my heart out. Hahayaan ko muna ang sarili kong maging mahina sa ngayon. Pero ipinapangako ko bukas, makakangiti na ulit ako sa harap ng ibang tao na tila walang problema at sakit na iniinda.

I think the hardest part of losing someone is not having to say goodbye, but rather learning to live without them. I lost my best friend and I lost the man I love at the same time. I lost the two most important people in my life in just a blink of an eye.

Bakit gano'n na lang kadali para sa kanya na tapusin ang dalawampu't dalawang taon naming pagkakaibigan? Bakit parang sobrang dali lang para sa kanya na itapon ang lahat ng pinagsamahan namin para lang sa pag-aaway naming iyon? Bakit parang sobrang dali lang para sa kanya na kalimutan ang lahat ng mga alaala naming dalawa bilang magkaibigan dahil lang sa kaisa-isang pagkakamaling nagawa ko sa kanya? Para lang sa isang lalaki, itatapon niya ang lahat ng pinagsamahan namin?

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at ibinalik ang tingin sa kumikislap na ilaw ng buong siyudad habang nakahilig sa barandilya ng balkonahe ng aking condo unit. Napangiti ako nang maramdaman ang tila sariwa pa ring sakit sa mga nangyari kahit isang taon na ang nakalipas.

"Athalia, are you okay?" Napalingon ako sa kaibigan kong si Lana na may hawak na isang champagne flute.

Ngumiti ako sa kanya habang pinapalis ang mga luhang hindi ko namalayang kumawala mula sa aking mga mata. Niyakap niya ako sa aking tagiliran at marahang isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.

"I'm fine. May naalala lang ako," mahinahong sabi ko sa kanya.

"Bukas na, 'di ba?"

Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi niya. "Yeah..." napapaos kong sagot.

"Are you nervous?" tanong niya sa akin.

I sighed heavily. "Medyo... pero nangako kasi ako dati na gagawin ko ito, that's why I'm here to fulfill that promise."

Napabuntong-hininga siya sa sinabi ko. "How about your work? Stable ka na sa trabaho mo, 'di ba? Sigurado ka bang itutuloy mo ito?" malungkot na sabi niya.

"Don't worry, Lana... Matagal ko na rin itong pinag-isipan. Nakapagpaalam na rin ako sa kumpanyang pinagt-trabahuan ko. I've already talked to my family about this, too. Ilang beses nga nila akong sinubukang pigilan."

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin kaya napangiti ako. "Paano ka pagkatapos nito? Saan ka maninirahan? Sinong mag-aalaga sa'yo?" nag-aalalang tanong niya.

"I've earned enough money for myself. Babalik na lang ako sa Quezon at doon na lang maninirahan sa tabi ng dagat. Mamumuhay ako ng simple roon," nakangiting sabi ko. Somehow, talking about my future plans made me feel better.

"Pero sino ang makakasama mo roon? Mag-isa ka lang doon sa isla! Sino ang mag-aasikaso sa iyo?"

I chuckled a bit. "Ayos lang, kasama ko naman si Aling Tony doon. Siya lang ang makakasama ko sa bahay pati na rin si Mang Danny. Sila ang magbabantay sa akin at maghahatid sa akin kung saan ko gustong pumunta. Huwag ka ngang mag-alala masyado! I'll be fine, Lana..." paninigurado ko.

Remember me, AthaliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon