Kapitulo XI - Reason

452 28 1
                                    

Lumipas ang halos isang buwan na hindi ako bumisita kay Tuesday sa ospital. Ginawa kong busy ang sarili ko sa OJT namin at kapag pumupunta naman ako sa school ay diretso lang ako sa aking klase. Idinadahilan ko na lang sa kanya na naging busy ako dahil tambak kami sa gawain lalo na't nalalapit na ang final exams at clearance signing namin para sa first semester. Sabi niya sa akin ay naiintindihan niya naman daw iyon at huwag ko nang isipin.

Nang magkaroon ako ng oras after ng clearance signing ay naisipan ko na ring magpakita at bumisita sa kanya sa ospital.

"Athalia!" masiglang salubong niya sa akin. Kumpara noong unang beses ko siyang binisita rito sa ospital ay kitang-kita ang sigla sa kanyang mukha ngayon. Hindi na rin siya gaanong maputla at nagkaroon na rin ng kaunting laman ang kanyang katawan.

"Hi, Tuesday... Are you feeling well?" Ngumiti ako sa kanya bago lumapit upang yumakap at bumeso sa kanyang pisngi.

"Better than I ever was!" she said merrily. Natawa ako sa kanyang sagot niya sa akin. Kumalas ako sa yakap upang ayusin ang kanyang medyo magulong buhok.

"How's school?" usisa niya nang makaupo ako sa monoblock chair.

"Sa kabutihang palad ay nakatapos naman ako ng first semester. May dalawang linggo kami para magpahinga before magstart ang second sem."

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at hinila ang kanyang dextrose habang naglalakad papalapit sa akin. Hinawakan niya ang pala-pulsuhan ko bago ngumiti sa akin nang matamis. "Tara, labas tayo ng room!" anyaya niya.

"Let's just stay here, Tuesday. We'll talk about something private," agap ko.

Napaawang ang kanyang bibig dahil sa sinabi ko. Dahan-dahan siyang bumalik sa kanyang kinauupuan. "About what? Is there something bothering you?" kuryosong tanong niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya nang tipid bago umiling. "N-Nothing. Ibibigay ko lang sana itong sim card ko sa iyo," matabang na sabi ko sa kanya.

Mabilis na nagsalubong ang kanyang kilay dahil sa sinabi ko. "Why? Aanhin ko naman 'yan?"

"Vermont will call that number. Kayong dalawa na lang ang mag-usap, okay?"

Nalaglag ang kanyang panga dahil sa sinabi ko. "A-Are you kidding me?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

Ngumiti ulit ako sa kanya bago umiling. "No, I'm not kidding. This is just a part of my plan. To make you two close with each other. This might me a single step, but I'm sure it will make a big difference."

"Do you still communicate with each other, Athalia?" usisa niya.

Pilit kong nilakasan ang aking loob upang labanan ang tingin niya sa akin. "No. Pero kakausapin ko siya sa second semester and tell him that I'll be very busy from now on. 'Wag mo muna siyang tatawagan sa ngayon, ah? I need to talk to him about that first and... make an excuse."

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at yumakap sa akin. "Thank you, Athalia! You really are the best! I feel like I'm the luckiest person in the world, dahil may kaibigan akong katulad mo!" Hinagkan niya ako nang sunud-sunod sa pisngi kaya napahalakhak ako.

Gusto kong umiyak ngunit walang luhang gustong lumabas mula sa aking mga mata. Gusto kong ngumiti nang totoo ngunit pagod na akong kumbinsihin at pilitin ang sariling ngumiti kahit hindi ko naman talaga gusto.

"Basta kapag tumawag si Vermont sa'yo at tinanong ka kung ikaw ba si Tuesday, sabihin mo na lang na iba talaga ang boses mo kapag nasa telepono," matamang sabi ko.

"Sure! Akong bahala! Don't worry, I got you!" masayang aniya bago kinindatan ako. Ang maliwanag at masayang ekspresyon ng kanyang mukha ang siyang nagpapanatag sa loob ko.

Remember me, AthaliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon