"Athalia!" Bakas ang magkahalong saya at gulat sa kanyang mukha nang makitang ako ang bumungad sa pagkamulat niya ng kanyang mga mata. "Totoo ba 'to? O baka naman hallucination ko lang 'to..."
Marahan kong pinisil ang tungki ng kanyang ilong. "Hoy, totoo ako!" I chuckled.
Napatakip pa siya sa kanyang bibig habang hindi makapaniwalang nakatitig sa akin. "Hala! Nagsasalita ka rin! Dati naman 'pag may hallucination ako ay hindi ka nagsasalita, ah? Lumalala na ba lalo ang sakit ko?" tanong niya sa kanyang sarili.
I shook my head and sighed. Minsan talaga ay may pagka-inosente itong kaibigan ko kaya kadalasan ay mabagal mag-proseso sa kanya ang mga nangyayari. Kahit nga sa jokes ko ay slow siya!
"Hays, makaalis na nga! Hindi naman pala ako na-miss ng best friend ko," pagtatampo ko kunwari kaya agad niyang hinawakan ang braso ko at pinigilan ako.
"Oh my gosh, Athalia!" naluluhang sigaw niya sabay hila sa akin patungo sa isang yakap. "Bessy, I missed you so much!"
Napatawa ako sa naging reaksyon niya. Bumitiw na ako sa kanyang yakap at pinalis ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi. "Iyakin ka talaga, Tuesday!" biro ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Are you staying here for good?" kuryosong tanong niya.
"Yup! Dito sana ako magbabalak magtapos ng college since nabalitaan kong maganda raw ang quality ng education ng universities dito," sagot ko sa kanya.
Tila nagningning naman ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko. "Doon ka rin ba sa school ko mag-aaral?!" Halata ang excitement sa tono ng kanyang pananalita kaya napahalakhak ako. Tumango ako bilang sagot kaya napapalakpak pa siya sa tuwa.
"I guess we'll be schoolmates starting this school year?" nakangising tanong ko sa kanya pero napawi agad ito nang makita ang lungkot sa kanyang mukha. "Hey, Tuesday... what's wrong?"
Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "I won't be able to go to school this year..." malungkot na wika niya na siyang nagpaawang sa aking bibig.
"Why not? Is there something wrong? Last year mo na ring mag-aaral, ah? Graduating ka na rin, 'di ba?"
Tumitig siya sa mga mata ko at hindi nakatakas sa aking paningin ang pangingilid ng kanyang mga luha. "Titigil muna ako sa pag-aaral dahil sa sakit ko, Athalia. My condition is getting worse at ayaw na akong payagan nila Mommy na magpatuloy sa pagpasok sa school. I even suggested home schooling pero sabi nila ay gamitin ko na lang muna ang taong ito upang magpagaling..."
Umupo ako sa may kama niya upang tabihan siya. Marahang kong ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat at inakbayan. "Shh... Para sa'yo rin naman 'yon, Tuesday. Kailangan mo munang magpagaling para tuluyan ka nang makabalik sa pag-aaral, okay? Magpapagaling ka, 'di ba? Nagpromise ka kaya sa 'kin!" pagpapalakas ko ng loob niya.
Napangiti naman ako nang yakapin niya ako sa aking tagiliran. "I promise! The best ka talaga, Athalia!" masiglang sabi niya. "Anyway, kumusta na nga pala si Ate Demi? Nagkita na ba kayo?" pag-iiba niya ng usapan.
"Ayos lang... Ang laki nga ng pinagbago niya simula noong huli kaming nagkita, eh! Ang laki ng ipinayat niya, but in an attractive way. At saka mas pumuti siya lalo dahil na rin siguro sa pamamalagi sa ospital," pagkukwento ko sa kanya.
"Isang linggo na yata simula noong huling bisita sa akin ni Ate Demi dito. Ang alam ko ay busy siya sa residency kaya wala siyang time makabisita. Nga pala, buti ay naabutan mo siya sa bahay nila kanina?" aniya.
Napanguso ako dahil sa tanong niya nang maalala ang malungkot na ngiti ni Ate Demetria noong itanong ko iyon sa kanya. "Oo nga, eh. Bibisitahin niya raw kasi ang asawa niya para sa wedding anniversary nila..."
Nakita ko namang nagpalis ng luha si Tuesday dahil sa sinabi ko. "Damn, lalo yata akong naging iyakin simula noong mamatay si Kuya North! Kapag nagkukwento sa akin si Ate Demi about sa kanya, kahit masaya 'yong ikinukwento niya ay napapaiyak pa rin talaga ako. Sayang talaga sila," aniya.
"Sobrang sayang talaga... Maaga kasing kinuha ni Lord si Kuya North, eh."
Napabuntong-hininga ako at pinigilan ang sariling maluha. Ayaw kong umiyak sa harapan ni Tuesday dahil alam kong lalo lang siyang maiiyak at alam kong masama 'yon para sa puso niya.
"Anyway, change topic na nga! Tutulo na sipon mo, eh!" biro ko sa kanya.
Inirapan niya naman ako habang pinapalis ang mga luha niya. "Sabihin mo kay Ate Demi bisitahin niya muna ako bago pumunta kay Kuya North, ah? Pakisabi miss ko na siya!"
"Okay po, boss! Noted!" natatawang sabi ko.
"By the way, ikaw na munang bahala sa crush ko, ah? Sigurado akong magiging kaklase mo 'yon dahil parehas kayo ng kurso. Pakibantayan muna, please?" bilin niya sa akin kaya agad napakunot ang noo ko.
"Bakit, sanggol ba siya para alagaan pa? Kaya niya na ang sarili niya, 'no!" sarkastikong sabi ko sa kanya kaya naman pabiro niya akong kinurot sa tagiliran.
"Engot! Ang sabi ko ay bantayan, hindi alagaan! What I mean is, balitaan mo ko about sa kanya para naman updated pa rin ako sa crush ko! At saka balitaan mo ako kung may jowa na siya, ah?" natatawang sabi niya sa akin.
"Wow, gaano ba ka-gwapo 'yang crush mo para maging ganyan ka kabaliw sa kanya? Ang taray, ah!" Pinagtaasan ko siya ng isang kilay.
"You'll see! Nako, baka pati ikaw ay ma-inlove rin sa kanya!" Napangiwi ako nang kindatan niya ako pagkatapos niyang magsalita.
"As if naman! Siguraduhin mong mabait 'yan, ah! Hindi puwedeng gwapo lang! Hindi ako papayag na lokohin o saktan ka lang no'n," pagsusungit ko sa kanya.
She chuckled. "Ang O.A. mo naman! Ni hindi nga ako mabigyan man lang ng pansin ng supladong 'yon kaya malabong maging kami." Nagkibit-balikat siya.
Napairap ako dahil sa sinabi niya. "Ang isang Tuesday Allison Thompson, hindi mapansin-pansin ng taong gusto niya? Gosh, what a waste! Ginto na ang nasa harapan niya, bato pa ang hinahanap niya?" napapaismid na sabi ko.
Napahalakhak siya nang malakas dahil sa sinabi ko. "Baliw ka talaga, Athalia! Hindi gano'n 'yon! Baka may nagugustuhan kasi siyang iba—"
"Baka naman kasi bakla pala?" pagputol ko sa sasabihin niya kaya naman inirapan niya agad ako.
"Hindi siya bakla!" she argued.
"Nako, humanda siya sa akin sa pasukan! Aalamin ko talaga kung bakla siya o hindi, at kung bakit hindi niya man lang maibaling ang paningin niya sa isang Tuesday Allison Thompson!" nakapameywang na sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Wala namang tigil sa pagtawa si Tuesday dahil sa sinabi ko.
Nang makauwi ako sa bahay ay agad kong hinanap si Ate Demi at natagpuan ko siyang nakaupo sa may sofa habang may hawak na gunting at tape. Ibinaba ko ang bag na dala ko at umupo sa may sahig na punong-puno ng mga ginupit-gupit na colored paper.
Napaawang ang aking bibig nang makita ang isang malaking explosion box na nakabukas at mukhang hindi pa tapos. Nangilid ang luha ko nang makita ang mga pictures ni Kuya North at Ate Demi noong magkasama pa. Sa tabi ng explosion box ay ang isang white rose na nakapreserve sa isang babasaging tube.
"Oh, ikaw na pala 'yan, Athalia! Nakakagulat ka naman!" Napatingin ako kay Ate Demi nang magsalita siya. "Kumain ka na ba? Sabihin mo sa akin kung hindi pa at nang maipagluto kita," aniya.
Lumapit ako at umupo sa tabi niya. "Happy 6th wedding anniversary sa inyo, Ate Demetria..." napapaos na sabi ko sa kanya habang pinipigilang tumulo ang mga luha. Tumakas ang ilang luha sa aking mata nang bigla niya akong yakapin.
"Thank you, Lia... Halika't sumama ka sa 'kin bukas sa pagbisita ko sa asawa ko para makilala ka rin niya," marahang sabi niya sa akin.
Tumango ako habang pinapalis ang mga luha ko. Ngumiti ako sa kanya nang bumitiw sa yakap. "Nga pala, Ate Demi... sabi ni Tuesday ay bumisita ka raw muna sa kanya bago ka pumunta kay Kuya North," sabi ko sa kanya kaya naman napangiti siya sa akin.
Nagkwentuhan muna kami saglit tungkol sa pagbisita ko kanina kay Tuesday bago sabay kaming kumain ng hapunan. Pagkatapos naming kumain ay tumulong ako sa kanya sa paggawa ng regalo niya para kay Kuya North bago matulog.
BINABASA MO ANG
Remember me, Athalia
RomanceREMEMBER ME SERIES # 2 *** Athalia Serene Stewart and Tuesday Allison Thompson were best of friends since childhood and grew up together like siblings. Tuesday has a rare heart condition which ran in her family. She was in love with Vermont Vann Tor...