Kapitulo XVIII - Call

490 32 2
                                    

Huminto ako sa paglalakad at hinubad ang suot na tsinelas. I firmly held my walking stick while slowly crouching. Pinadausdos ko ang aking palad sa pinong buhangin sa ilalim ng aking mga paa. Kahit madilim ang paningin ay naaaninag ko pa rin ang liwanag ng sikat ng araw sa silangan.

I can only visualize the pristine waters and the white to gray sands in the beachside. I can only imagine the vast blue sky being lit up by the shining sun. I can only imagine the flock of birds flying freely above the sky. Everything is perfect, because it is God's masterpiece. The world is His masterpiece.

God painted the vast sky beautifully. God made the sun, the moon, and the stars to add beauty on the dark skies. God made the perfect mystery which no one knows where it came from— the water. And He made the animals and people to take care of His masterpiece.

I can clearly hear the crashing of the violent waves in the shore. I slowly stood back up and walked towards the sea. I almost jumped back when I felt the cold water creeping on my feet. Ramdam ko rin ang matatalas na bato sa aking mga paa ngunit hindi ko iyon ininda. Habang dahan-dahang naglalakad ay naramdaman ko rin ang unti-unting pag-angat ng tubig sa aking katawan.

It was just like a movie scene. It was like a movie made from my own imagination, and not based from what I see. This moment feels so dramatic and sorrowful. The darkness I see made me feel more alone than usual. It was just like a movie scene...

"Athalia Serene!" I heard someone screamed from afar.

Bago pa ako makapagreact ay naramdaman ko ang isang mainit na brasong pumulupot sa aking baywang at unti-unti akong pinangko na tila ba isang prinsesa. It was almost just like a movie scene... A movie scene I never wished to happen because I knew it was not him.

"What the hell, Athalia?! What were you thinking? Hindi solusyon ang pagkakamatay sa mga problema!" mariing sermon sa akin ni Angelo.

Bahagyang nagsalubong ang aking kilay dahil sa sinabi niya. Sino namang may sabing nagpapakamatay ako? "Y-Yes, I know but—"

"Alam mo namanpala, eh! Bakit ka nagpapalunod? You don't know how to swim, Athalia! You've got to be kidding me!" he groaned.

Napayuko na lang ako dahil sa sinabi niya at kinagat ang aking ibabang labi. I know that but... "I was just enjoying the scene," nakangusong sabi ko.

Narinig ko ang malakas na pagsinghap nilang dalawa ni Lana sa aking harapan. "'Enjoying the scene', huh? Eh, paano kung matangay ka ng alon doon?" he said with a hint of sarcasm.

Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya. "You're just overreacting. The warm breeze felt so good and I thought swimming can make me feel more relaxed," I sincerely admitted.

"But you don't know how to swim!" pagalit na sabi sa akin ni Lana.

"Paano kung natangay ka ng alon? Lumalalim na ang pinupuntahan mo kanina! Sa payat at liit mong 'yan, paniguradong isang bayolenteng alon lang ay matatangay ka na!" pangangaral sa akin ni Angelo.

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "Bakit may kasamang panlalait?!" naiinis na sabi ko.

Narinig ko ang pagtikhim niya na tila ba pinipigilan niya ang pagtawa. Gusto kong mapairap sa kanilang dalawa. Siguradong tinatawanan na nila ako ngayon!

Padabog akong bumaba sa bisig niya at nauna na sa paglalakad pabalik sa dalampasigan. Napahinto ako nang bigla niya akong hilahin pabalik. "Hindi pa tayo tapos mag-usap, Athalia," seryosong usal niya na siyang nagpatahimik sa akin. Bumagsak ang balikat ko at hinayaan na lang siyang magsalita.

"Were you really trying to kill yourself earlier?" seryosong tanong niya kaya mabilis akong napailing. "Then what were you doing there?"

I gritted my teeth. "Nasabi ko na kanina pa ang dahilan!"

"Are you sure? Baka nagsisinungaling ka lang sa amin, Athalia..." Bakas ang pagdududa sa kanyang tinig. "It wasn't because of your problems?"

"Anong 'because of my problems'? I'm not a suicidal person! Wala nga akong balak magpakamatay!" singhal ko sa kanya. "Bahala kayo kung anong gusto niyong paniwalaan basta ako nasabi ko na ang totoo!"

I heard him chuckle before finally giving up. "Alright. Halika na nga at bumalik na tayong tatlo papasok sa bahay mo," aniya bago tinapik ang ibabaw ng ulo ko. "Let's have a picnic here later."

Agad kong inalis ang kanyang mabigat na kamay sa ibabaw ng aking ulo. "Will you stop treating me like a child?" pagalit na angil ko sa kanya.

He laughed heartily. "Come on, little girl. 'Wag nang matigas ang ulo, okay?" he teased me.

"Ugh, whatever!" inis na singhal ko bago nauna sa paglalakad.

Narinig ko ang tawanan nilang dalawa ni Lana. Naramdaman ko ang paghabol nila sa akin upang alalayan ako sa paglalakad.

Pinisil ni Angelo ang tungki ng aking ilong. "Ang sungit talaga! Bakit ka nangunguna sa paglalakad? Hindi mo naman alam ang daan pabalik," natatawang sabi niya.

"Duh! Taga-dito ako kaya syempre alam ko ang daan!" Tinuro ko ang pwesto ng daan patungo sa amin base sa aking pagkakaalala.

Humagalpak siya ng tawa dahil sa sinabi ko. Narinig ko rin ang mahinang hagikgik ni Lana sa aming likuran. "That's not the right way, Athalia. That's just a coconut tree!"

Padabog kong inalis ang pagkakaakbay niya sa akin ngunit agad niyang hinuli ang likod ng aking tuhod at binuhat akong muli. Nabitiwan ko ang tungkod ko kaya pilit akong nagpumiglas sa kanyang pagkakabuhat sa akin ngunit hindi niya ako hinayaang makawala. "Let's go," natatawa pa ring sabi niya.

Nang makapasok kami sa bahay ay ibinaba niya na ako sa sofa. Ramdam ko rin ang pagtabi nilang dalawa sa akin. Nagkwentuhan sila tungkol sa trabaho samantala ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila at minsan ay nakikisali dahil may alam naman akong kaunti sa trabaho ni Lana.

Si Angelo kasi ay isang nursing graduate, samantala kami naman ni Lana ay parehong graduate ng Industrial Engineering. Balak mag-medschool ni Angelo dahil sabi niya, kapag naging surgeon daw siya ay tutulungan niya akong makahanap ng eye donor. Pag-aaralan niya raw kung paano ang corneal transplant para sa akin. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o iyon lang talaga ang dahilan niya kaya handa siyang magsakripisyo ng pag-aaral ng ilan pang taon sa medschool.

"Lia, gutom ka na ba?" tanong ni Lana sa akin. Ngumiti ako sa kanya bago marahang umiling.

Nagulat ako nang biglang pisilin ni Angelo ang pisngi ko. "Ang payat mo na nga, hindi ka pa nagkaka-kain palagi! Nagdadiet ka ba?" pang-aasar niya.

Napanguso ako dahil sa sinabi niya. "Anong nagdadiet? Kakakain ko lang kaya ng almusal kanina!"

Sa gitna ng pag-aasaran naming tatlo ay bayolenteng tumunog ang isang cellphone na hudyat ng isang paparating na tawag. Nagtaka ako sa biglang pagtahimik ng dalawa kong kaibigan sa aking tabi.

"Sino 'yong tumatawag? Sa akin ba iyon? Nasaan ang cellphone ko?" Nagulat ako nang biglang mawala ang tunog ng cellphone.

"A-Ah, wala 'yon. Tumawag lang sa akin ang katrabaho ko sa ospital—" Agad kong pinutol ang sinasabi ni Angelo.

"Kailan ka pa naging fan ni Ed Sheeran, Angelo?" sarkastikong tanong ko sa kanya na nagpapatungkol sa ringtone kong isang sikat na awitin ng paborito kong singer.

Narinig ko ang mahinang paghalakhak ni Lana sa aking tabi na agad ding tumigil. I can almost feel him glaring at Lana for laughing. Napailing na lang ako dahil sa walang kwentang palusot niya. Magpapalusot na nga lang ay 'yong sobrang obvious pa!

"Sino ba kasing tumawag sa akin?" tanong ko ngunit natigilan ako nang muling magring ang aking cellphone. "Akin na," mariing utos ko sa kanila bago inilahad ang aking kamay.

Nang maramdaman ko ang cellphone sa aking kamay ay sinubukan kong pindutin ang answer button bago inilapit sa aking tainga. "Hello?" Kumunot ang noo ko dahil sa katahimikan ng kabilang linya.

"Athalia, si Tuesday ito..."

Remember me, AthaliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon