Kapitulo XVII - Home

465 33 0
                                    

"Athalia, nandito na ako..." Napaahon ako mula sa pagkakasandal sa upuan at agad hinanap ang pinagmulan ng boses na 'yon. Naramdaman ko ang kanyang presensya sa aking tabi nang siya'y umupo sa monoblock chair. Dahan-dahan kong inangat ang aking kamay upang damhin ng palad ang hubog ng kanyang mukha.

"Angelo..." mahinang sambit ko sa pangalan niya.

Simula noong araw na humingi siya ng tawad sa akin, naging mabuting magkaibigan kami ni Angelo. Katulad ni Lana, nanatili rin siya sa tabi ko habang hinihintay humilom ang paningin ko. Naikwento ko rin sa kanya ang nangyari sa amin ni Vermont at Tuesday. Buong pagkukwento ko ay tahimik lamang siyang nakikinig at paminsan-minsan ay nagtatanong at nagbibigay ng komento. Sinabi niya sa akin na mas lalo niya na raw akong nakilala at naintindihan.

"Handa akong maghintay, Athalia. Tutulungan kitang makalimutan siya. Nandito lang ako sa tabi mo upang palisin ang mga luha mo," marahang sabi niya sa akin bago marahang tinapik ang ibabaw ng ulo ko.

Pinalis ko ang nangingilid na luha sa aking mga mata habang nakikinig sa bawat salitang binibitiwan niya. Ramdam ko ang mainit na haplos sa aking puso. "Salamat, Angelo pero... ayoko talagang masaktan ka. Mahalaga ka sa akin at ayokong masira ang pagkakaibigan nating dalawa," sabi ko gamit ang maliit na boses.

Nagulat ako nang pisilin niya ang tungki ng aking ilong. "Huwag kang mag-alala, hindi ako katulad ng iba na isusumbat sa'yo ang lahat kapag nireject ako. At saka, 'wag ka nang mag-isip masyado! Desisyon kong mahalin ka dahil ikaw 'yong tipo ng babae na alam kong worth it. Deserve mong mahalin at alagaan, Athalia," seryosong sabi niya.

Naramdaman ko ang ilang takas na luha sa kanyang pisngi. Bahagya kong inangat ang aking pagkakahawak sa kanyang mukha at marahang pinalis ang kanyang luha.

"Patawad kung wala ako rito sa tabi mo noong⁠—"

Ipinatong ko ang isang daliri sa kanyang labi upang putulin ang kanyang sasabihin. "Alam kong busy ka dahil sa pag-aaral para sa board exams mo..."

Nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay at marahang hinagkan ang aking palad. "I missed you..." he softly said.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng silid at narinig ko ang ilang yabag papalapit sa amin.

Ramdam ko ang pagkibot ng labi ni Angelo na senyales ng kanyang pagngiti. Napaawang ang bibig ko nang marahan niyang haplusin ang talukap ng aking mga mata. "You still look beautiful in my eyes," sabi niya.

Sinimangutan ko siya. "Kahit kailan talaga ay bolero ka! Pasalamat ka dahil hindi kita nakikita ngayon, kun'di lagot ka sa akin!" natatawang sabi ko.

Narinig ko ang paghalakhak ni Lana dahil sa sinabi ko. Napanguso ako upang pigilan ang pagngiti bago pabirong tinampal ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Nagkwentuhan pa kami nang ilang sandali bago nila ako hinayaang magpahinga. Bukas nang madaling araw ay ididischarge na ako sa ospital at babiyahe na kami patungong Quezon.

Nagprisinta pa si Angelo na siya na raw ang maghahatid sa amin ni Lana papunta roon ngunit sinabi ko sa kanya na ihahatid ako ni Mang Danny. Sinuggest ko na lang sa kanya na si Lana na lang ang isabay niya papunta roon dahil sasama rin naman siya sa akin sa tutuluyan kong bahay.

"Miss Athalia, tatanggalin na po namin ang eye bandage mo..." mahinahong sabi ng isang lalaking nurse sa akin.

Ngumiti ako at marahang tumango bilang tugon bago hinayaan siyang tanggalin ang nakabalot na bandage paikot sa ulo ko. Nang matapos ay may ilan pang paalala sa akin ang doktor at mayroon din silang pinag-usapan nila Lana.

Nagulat ako nang maramdaman ang isang mainit na bisig na pumangko sa akin. Dahan-dahan akong inangat ni Angelo mula sa kama. "Hmm, ang bigat yata ng Athalia ko, ah," natatawang sabi niya kaya hinampas ko ang kanyang braso.

Maingat niya akong ipinatong sa isang upuan na sa tingin ko ay wheel chair. Napaayos ako nang pagkakaupo nang naramdaman ang marahang pag-andar nito habang ito'y itinutulak ng kung sino man.

"We're finally going home, Athalia..." rinig kong sabi ni Lana bago marahang tinapik ang ibabaw ng ulo ko.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya at hinayaan silang dalhin ako palabas ng ospital. Muli akong pinangko ni Angelo at inalalayan sa pagpasok sa isang sasakyan na sa tingin ko ay sasakyan namin. Nakumpirma ko iyon nang marinig ang nag-aalalang tinig ni Mang Danny. Marahil ay nagtataka siya kung bakit may eye patches ako. Wala kasing ibang nakakaalam tungkol sa plano kong ito kun'di sila Ate Demi, Mommy at Daddy, at itong mga kaibigan ko. Balak ko namang sabihin sa kanila pagkauwi namin sa Quezon.

Imbis na bumukod ng sasakyan, sumabay na sa amin ang dalawa kong kaibigan upang hindi raw ako mainip. Buong biyahe ay nagkuwentuhan lang kami tungkol sa mga masasayang alaala naming magkakasama noon. Naging mahaba ang biyahe namin pauwi sa Quezon ngunit hindi ko naman namalayan ang oras dahil sa dami ng aming napagkuwentuhan.

Sa tagal ng biyahe ay ilang beses na rin akong nakatulog at nagising. Ang tanging gumigising lang sa akin ay ang pag-asang baka nandito na kami ngunit alam kong higit anim na oras pa ang biyahe namin papuntang Quezon.

"Malapit na po ba tayo, Mang Danny?" I asked him for the nth time. Siguro ay nakukulitan na sa akin si Mang Danny, pero sa tuwing naririnig ko ang tawa niya ay naiisip kong hindi pa naman siya naiirita sa akin.

Ipinilig ko ang aking ulo sa kanan– nagbabaka-sakaling muli kong masilayan ang ganda ng dalampasigan ng Quezon. Namg huminto ang sasakyan ay mabilis na kumabog ang puso ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa aking gilid at naramdaman ko ang presensya ni Angelo sa aking tabi. Muli niya akong binuhat at inalalayan papalabas ng sasakyan.

Nang maramdaman ng aking mga paa ang konkretong sahig at malanghap ang sariwang hangin ay napangiti ako. Narinig ko ang mahihinang paghampas ng alon mula sa hindi kalayuan at muling sumariwa sa aking alaala ang magandang tanawin ng dagat na ilang metro lang ang layo mula sa aming bahay.

"Pasok muna tayo, Athalia..." bulong ni Angelo sa akin.

Marahan akong tumango at hinayaan silang igiya ako papasok sa aming tahanan. Matapos mananghalian ay hinatid nila ako sa aking silid upang magpahinga.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa naririnig na pag-uusap ng mga tao sa labas ng aking silid. Naitikom ko ang aking bibig nang imulat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ay kadiliman. Of course, Athalia... Dapat ka nang masanay simula ngayon. Kinapa ko sa bedside table ang cordless intercom na ipinahanda nila Lana para sa akin.

"Aling Tony, bababa na po ako..." napapaos na sabi ko.

Kumunot ang noo ko nang makarinig ng isang mahinang hagikgik sa kabilang linya. "Si Ate Demi 'to..."

Sunod kong narinig ay ang mahihinang yabag mula sa labas ng silid at ang pagbukas ng pinto. Nangilid ang luha ko nang maramdaman ang pagbalot sa akin ng kanyang mainit na bisig. "I'm proud of you, Athalia... You're so brave and strong." Her voice trembled.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Naalala ko noong mga bata pa kami, palagi kaming magkasama ni Ate Demi sa paggala at pagpunta sa dalampasigan upang maglaro. Naalala ko rin noon na ikinukwento niya sa akin madalas ang isang batang lalaking palagi raw siyang kinukulit at inaasar. Sabi niya ay Theo raw ang pangalan niya. Ang hindi niya alam noon ay siya na pala ang lalaking nakatadhana para sa kanya.

Madalas niyang ikinukwento sa akin ang tungkol sa pangungulit ng lalaking iyon sa kanya at bakas ang iritasyon sa kanyang mukha. Ngunit kung titingnan mo nang mabuti ang kanyang mga mata, malalaman mong masaya siya kahit na iniinis siya ni Kuya Theo.

Ngayon ay nakauwi na ako sa isla kung saan kami palaging bumibisita noon ni Ate Demetria. Nakauwi na ako sa isla kung saan unang nagtagpo ang landas nila ng lalaking itinadhana niyang mahalin habambuhay.

Narinig ko ang marahan niyang paghaplos sa aking buhok habang yakap niya ako. My eyes watered even more. "I'm finally free, Ate... My mind and heart is at peace..." Nabasag ang boses ko dahil sa pagsasalita. Inangat ko ang aking kamay at yumakap din pabalik sa pinsan ko. Ramdam na ramdam ko ang maiinit niyang luhang pumapatak sa aking balikat.

"I'm finally home..." I muttered.

Remember me, AthaliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon