Kapitulo VIII - Guilt

488 42 2
                                    

Napakurap-kurap ako dahil sa kanyang sinabi. Tila nakaramdaman ako ng marahang haplos sa aking puso dahil sa sinabi niya. Nagulat ako nang biglang mangilid ang aking luha. Why am I suddenly so emotional?

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at dahan-dahang naglakad papalapit sa akin. Nawala sa akin ang kanyang paningin nang makalapit siya dahil nangibabaw ang kanyang tangkad sa akin.

I stiffened when he reached out for my head. Nang mahawakan iyon ay marahang niyang iginiya papalapit sa kanyang dibdib. "You did well, Tuesday," he softly whispered. "Thank you for showing me something beautiful."

Sunud-sunod na pumatak ang mga luha ko dahil sa sinabi niya ngunit hindi ko hinayaang tumakas sa aking bibig ang mahihinang hikbi. Pinigilan ko rin ang pag-alog ng aking balikat upang hindi niya mahalata ba umiiyak ako. Pinalis ko iyon agad kahit hindi ito maubos-ubos.

My heart hurts so bad and I know for sure that it was not because of his appreciation for my performance... kun'di sa katotohanang na-appreciate niya ako bilang si Tuesday at hindi bilang Athalia.

"Kumusta kayo ni V?" Naagaw ng aking kaibigan ang atensyon ko habang naglalagay ng groceries sa refrigerator ng kanyang silid. Dahan-dahan ko siyang nilingon at nakitang nakatulala siya sa labas ng bintana.

I suddenly felt a lump on my throat. Why do I always feel so uneasy about this topic? Dapat ay normal lang ang tanong nito, pero bakit ganito ang impact sa nito akin? Normal lang naman na tanungin niya ako tungkol sa estado namin ni Vermont pero bakit ganito katindi ang kaba ko? At isa pa... naaayon pa rin naman sa plano namin ang ginagawa ko, ah?

"A-Ayos lang. Close na kaming dalawa..." Napapikit ako nang mariin dahil sa naging sagot ko. Did I sound bitter or awkward? I hope not!

Dahan-dahan siyang lumingon sa gawi ko kaya inabala kong muli ang sarili sa paglalagay ng frozen foods sa freezer upang maitago ang kaba. "Paanong 'ayos lang'? Magkwento ka naman, Lia..." mahinahon niyang sinabi.

Bakit ganito siya kahinahon ngayon? Mas lalo lang akong kinakabahan! May nalaman ba siya? May nagawa ba akong mali?

"Uh, p-palagi kaming magkasama tuwing pumapasok ako sa school at saka ramdam kong gumagaan na rin 'yong loob niya sa akin," I calmly said without keeping our eye contact.

Pakiramdam ko ay ginigisa ako ngayon! Kahit nagsasabi naman ako ng totoo ay para pa rin akong nagsisinungaling sa kaibigan ko. Bakit ba ako kinakabahan? Wala namang mali sa ginagawa ko at totoo naman ang lahat ng sinasabi ko.

"Sana maging kayo..." matamang sabi niya na siyang nagpalingon sa akin.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. What does she mean? Sana maging kami? Pero akala ko ba... close friends lang? Did she change our plans? O... gusto niyang magkatotoo kaming dalawa ni Vermont?

"Sana maging kayo, para pagkalabas ko ng ospital ay kami na ng taong pinapangarap ko," she said before smiling weakly.

I felt the bitterness in my throat. Ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib. Stop thinking too much, Athalia. You're just... overthinking. Of course, she wouldn't think of that. She likes V and she wants him for herself. Bakit niya hahayaang maging kayo talaga? And why the hell am I thinking about us anyway? Hindi naman kami puwede.

"Athalia, am I causing you too much trouble?" Nagulat ako nang mabasag ang kanyang boses dahil sa tanong. Natabunan ng pag-aalala ang pait na nararamdaman ko.

"Of course not! Why?" Sinarado ko ang refrigerator at mabilis na dinaluhan ang nakatulalang si Tuesday. Isinandal ko ang kanyang ulo sa aking dibdib at doon ko naramdaman ang pag-alog ng kanyang mga balikat dahil sa pag-iyak.

Remember me, AthaliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon