Naging mapayapa ang pamumuhay ko rito sa isla sa mga sumunod na araw. Nakaalis na rin si Mommy kahapon upang bumalik sa Maynila at ang tanging naiwan kasama ko rito sa bahay ay si Aling Tony at Mang Danny.
"Manang... makikisuyo nga po ng violin ko," tawag ko kay Aling Tony bago ako lumabas sa bahay.
Agad akong sinunod ni Aling Tony at inabot sa akin ang kailangan ko. "Ito na, hija. Tutugtog ka ba ulit ngayon sa may dalampasigan?" tanong niya.
Ngumiti ako sa kanya bago nagkibit-balikat. "Depende po. Gusto ko lang po sanang mabitbit ito papunta roon para kung sakaling maisipan kong tumugtog mamaya ay hindi na ako makakaabala sa inyo," nakangiting sabi ko sa kanya. "Teka... anong petsa na nga po pala?"
"August 3, 2023 na, hija..." sagot niya.
Marahan akong tumango at napangiti nang malungkot. It's been three days since Tuesday died.
Narinig ko ang mahinang tawa niya na agad naputol nang tumunog ang telepono rito sa bahay. Agad itong dinaluhan ni Aling Tony upang sagutin ang tawag.
"Ah! Opo, dito nga po nakatira... Bakit po? Ah, sige, ibibigay ko lang po sa kanya itong telepono para siya ang makausap niyo," aniya bago sinulyapan ako at sinenyasang lumapit.
Bahagya kong inayos ang aking suot na salamin bago lumapit sa teleponong inaabot sa akin ni Aling Tony. "Hello? Sino po sila?"
"Si West ito. Papunta ako ngayon diyan dahil may nakita akong box dito sa kuwarto ni Tuesday..." mahinahong sabi niya sa kabilang linya.
Tila may bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Napalunok muna ako bago sumagot. "S-Sige po, Kuya West... Mag-ingat po kayo."
Hindi rin nagtagal ay dumating na ang nakatatandang kapatid ni Tuesday rito upang ibigay sa akin ang isang maliit na kahon. Nanatili lang siya saglit sa bahay upang magpahinga bago tumulak na ulit pabalik sa Maynila dahil may kailangan pa raw siyang asikasuhin.
Bumalik muna ako sa aking silid bitbit ang kahon na ibinigay sa akin ni Kuya West. Umupo ako sa kama paharap sa nakabukas na bintana kung saan kitang-kita ang ganda ng dalampasigan at bughaw na kalangitan.
Dahan-dahan kong kinalas ang kulay asul na laso at inangat ang takip ng kahon. I bit my trembling lips when I saw our childhood picture taken at the same spot where I usually play my violin every morning. Pinagmasdan ko ang batang Tuesday Allison na nakaakbay at nakatingin sa akin habang masayang nakangiti. Inilapit ko ito sa aking dibdib at niyakap habang humahagulgol.
Dear Athalia Serene,
Hindi ko rin alam kung bakit isinulat ko ang liham na ito pero dahil nasimulan ko na ay tatapusin ko na ito. Kung nababasa mo na itong liham na ito, siguro ay dumating na ang araw ko.
Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng ginawa at sinakripisyo mo para sa akin mula pa noon. Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan sa lahat. Hindi ko alam kung anong kabutihan ang ginawa ko noon upang bigyan ako ng isang mabuting kaibigang katulad mo. Masaya ako na ikaw ang nakasama ko mula pagkabata hanggang ngayon. All the days and moments I've spent with you shined and I know it will forever hold a special place in my heart.
Kung mabubuhay man ako at mabibigyan ng isa pang pagkakataon, hahanapin kita at ikaw pa rin ang pipiliin kong maging kaibigan. Ikaw pa rin ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Ikaw pa rin ang gusto kong makasama hanggang sa aking huling hininga.
I also want to apologize for being stubborn most of the time. Alam kong minsan ay nakukulitan ka na sa akin dahil sa katigasan ng ulo ko. Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin at sa mood swings ko kaya thank you... thank you for staying with me through my bad days and good ones.
BINABASA MO ANG
Remember me, Athalia
Roman d'amourREMEMBER ME SERIES # 2 *** Athalia Serene Stewart and Tuesday Allison Thompson were best of friends since childhood and grew up together like siblings. Tuesday has a rare heart condition which ran in her family. She was in love with Vermont Vann Tor...