Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga habang habol-habol ang aking paghinga. Marahas kong pinalis ang malalamig na butil ng pawis sa aking noo at napatingin sa orasan.
Napabuntong-hininga ako nang mapagtantong nanaginip na naman ako ng masama. Every night I've been experiencing nightmares. I was always driving on my own in my dreams and the next thing I knew... I was lying on top of a stretcher in a hospital, dying.
My last memory of holding a steering wheel was never a good one. The last time I drove a car, I was on the verge of dying. Simula noon ay hindi na ako umupo pa sa driver's seat o kaya naman ay sa front seat dahil pakiramdam ko bumabaliktad ang sikmura ko.
Ate Demetria suggested that I should try having therapy. But I've always refused it and I keep on telling them that there is only one thing that would give me a peace of mind. They never agreed to it, though.
Habang naglalakad sa hallway papunta sa silid ni Tuesday sa ospital ay hindi ko maiwasang isipin ulit ang sinabi ni Vermont. This is unbelievable!
For a moment I was accusing him of being gay... tapos malalaman kong bulag siya? You really have got to be kidding me!
"Uy, Athalia! Lagpas ka na!" Napatigil ako sa paglalakad nang makitang nakadungaw mula sa kanyang silid si Tuesday. Namilog ang mga mata ko nang mapagtantong lumagpas na nga ako dahil sa sobrang pag-iisip. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya.
Pumihit na ako pabalik at inalalayan siya papasok ng kanyang silid. Inayos ko muna ang mga bulaklak at prutas na dala ko para sa kanya. Ni-request niya kasi sa akin na bilhan ko raw siya ng mga bulaklak para bumango at gumanda ang silid niya. Aniya'y sawa na raw siya sa amoy ng ospital.
Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa may sofa at naghahanda nang umalis dahil mukhang kanina pa siya naririto. Ngumiti siya nang tipid sa akin bago tumango. Nagpaalam muna siya kay Tuesday bago umalis.
"Sino 'yon?"
"Ah! Si Lyse 'yon, bunsong kapatid ni Lana." Napatango ako dahil sa sinabi niya. Kaya pala halos magkamukhang-magkamukha silang dalawa. Ang alam ko lang ay may nakababatang kapatid si Lana, pero hindi ko naman alam na halos magkalapit lang pala ang edad nila!
"May problema ba, Lia?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Natigilan ako sa aking iniisip at napatingin sa mga mata niyang nagtatanong.
Tinantiya ko ang sarili kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang aking nalaman o hindi. Sa huli ay napabuntong-hininga ako at umupo sa may monobloc chair katabi ng hospital bed niya.
"May nalaman ako tungkol kay V," seryosong panimula ko na siyang nagpaliwanag sa mukha niya.
"Balita lang ba 'yan or... was it a new information about him?" excited na tanong niya. "Ikuwento mo sa akin!"
Humalukipkip ako at nag-iwas ng tingin sa kanya bago tumitig sa may labas ng bintana. "Are you aware that he is blind?"
Saglit na katahimikan ang namutawi sa aming dalawa at nang mapatingin ako sa kanya ay ngumiti siya sa akin. "Yeah... I've known it ever since I first met him." Napaawang ang bibig ko dahil sa gulat.
Napatayo ako sa halo-halong nararamdaman. "You knew all along and you never told me?! Kaya ba confident na confident ka noong sinabi mong magpakilala ako bilang ikaw? Dahil alam mong madali natin siyang maloloko dahil sa kapansanan niya?" I looked at her with disbelief.
Nangilid ang kanyang mga luha at bakas ang gulat niya dahil sa biglaang pagkaputol ng pasensya ko. "I did not mean to take advantage of his—"
"Alam din ba ito ni Lana?"
BINABASA MO ANG
Remember me, Athalia
RomanceREMEMBER ME SERIES # 2 *** Athalia Serene Stewart and Tuesday Allison Thompson were best of friends since childhood and grew up together like siblings. Tuesday has a rare heart condition which ran in her family. She was in love with Vermont Vann Tor...