Natapos ang dalawang klase ko na wala ako sa sarili at malalim ang iniisip. Dalawa lang ang klase ko ngayong araw at mamayang hapon ay didiretso na ako sa kumpanya para sa internship.
Bawat hakbang pababa ng hagdan ay tila lalong bumibigat. Papunta ako ngayon sa mini forest upang makipagkita kay Vermont. Pagkalabas ko pa lang ng building ay nagulat ako nang makita si Kuya Melvin na nakatayo sa dulo ng hallway at nakatanaw sa akin.
"Kuya Melvin? Nasaan po si V?" tanong ko sa kanya nang makalapit ako ngunit nginitian niya lamang ako.
Nagulat naman ako nang ilabas niya mula sa kanyang bulsa ang isang itim na panyo. Naglakad siya patungo sa likuran ko at dahan-dahang ipiniring iyon sa aking mga mata.
"K-Kuya? Para saan 'to?" naguguluhang tanong ko.
Hindi niya sinagot ang aking tanong at inalalayan na lamang ako sa paglalakad. Habang madilim ang paligid sa aking paningin ay may napagtanto ako. Ganito pala ang pakiramdam ni Vermont araw-araw. I can't imagine how difficult it was for him after he lost his vision.
Bumuga ako ng hangin upang mailabas ang matinding kabang nararamdaman sa aking dibdib. Para saan 'to? Pakana ba ito ni Vermont?
Pansamantala kong pinakalma ang sarili. Somehow, closing my eyes made me realize a lot of things. The world has many colors to enjoy but the moment we closed our eyes, it will just be dark.
Tumigil sa paglalakad si Kuya Melvin kaya napatigil din ako. Naramdaman ko ang dahan-dahang pagluwag at pagkalas ng piring sa aking mata kaya pinakiramdaman ko ang katahimikan ng paligid.
"Open your eyes..." Napasinghap ako sa gulat nang bumulong si Vermont sa aking tainga. "...Tuesday."
Bumagsak ang aking balikat at nakaramdam ng pait sa aking lalamunan. I'm not Tuesday... I am Athalia Serene Stewart.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang matamis na ngiti niya kahit hindi ako nakikita. Bumagsak ang aking tingin sa hawak niyang kulay puting rosas. "Vermont..." Nangilid ang luha ko nang iabot niya ito sa aking kamay habang nananatiling nakangiti.
Nangilid ang aking luha habang pinagmamasdan ang rosas na hawak niya. Gamit ang nanginginig na kamay ay tinanggap ko ito. Inangat ko ang tingin sa kanyang mata bago malungkot na ngumiti.
"Can I have this dance?" aniya bago inilahad ang kanyang kamay sa akin.
My gaze drifted down to his hand waiting for mine. Ibinalik ko ang tingin sa kanyang mata na punung-puno ng pag-asa kahit kadiliman ng tanging nakikita. Sunud-sunod na pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata. Would it be a sin if I'll take your hand and dance with you?
Dahan-dahan kong ipinatong ang kamay ko sa kanyang kamay na siyang nagpalawak sa ngiti niya. Iginiya niya ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng kanyang balikat bago marahang pinadausdos ang kanyang kamay sa aking baywang.
"Wise men say, only fools rush in..." Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang paghikbi nang marinig ang kanyang malamig na tinig havang umaawit.
Hindi man ganoon ka-perpekto ang kanyang boses at hindi man siya kasing galing ng mga kilalang mang-aawit ngayon, ang boses niya na yata ang pinakamagandang musikang narinig ko sa buong buhay ko.
"But I can't help falling in love with you..."
Tinanggal ko ang kamay kong nakapatong sa balikat niya at pagod na isinandal ang aking ulo sa ibabaw ng kanyang dibdib. Narinig ko ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso na tila kasabay rin ng akin. Would it be a sin if my heart beats for you, too?
"Shall I stay?" Yes, please... but you shouldn't. "Would it be a sin... if I can't help falling in love with you?"
Would it be a sin if I can't help falling in love with you, too?
BINABASA MO ANG
Remember me, Athalia
RomanceREMEMBER ME SERIES # 2 *** Athalia Serene Stewart and Tuesday Allison Thompson were best of friends since childhood and grew up together like siblings. Tuesday has a rare heart condition which ran in her family. She was in love with Vermont Vann Tor...