Kapitulo XII - Name

465 36 3
                                    

"Ano nga bang hindi ko alam, Tuesday? Why don't you tell me then?" mahinahong tanong niya sa akin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at umiling kahit hindi niya ito nakikita.

"Anong nararamdaman mo para sa akin, Tuesday? Bakit mo pinipigilan?" Narinig ko ang paglalaro sa kanyang tinig. I gritted my teeth. Why is he so calm right now while I'm all tensed up in front of him?

"That's none of your business," malamig na sabi ko upang pagtakpan ang kabang nangingibabaw na sa sistema ko.

"Nalimutan mo na ba? You are my business, Ms. Thompson," the pure conviction in his tone made my heart hurt.

Napapikit ako nang mariin dahil sa sinabi niya. "Hindi mo nga ako maiintindihan! Let's just stop this fucking nonsense!"

"Mahal mo ako..." he declared. Nahinto yata ang paghinga ko dahil sa sinabi niya.

"I-I don't." Ramdam ko ang panginginig ng aking labi kaya kinagat ko ito agad. Mabilis din ang pagtibok ng aking puso sa dibdib.

"You're lying," mas mahinahong deklara niya.

"I'm not 'lying', I'm Tuesday," biro ko upang maibsan ang tensyon.

Bahagyang umangat ang isang kilay niya dahil sa sinabi ko bago umiling. "Alam ko kapag nagsisinungaling ka sa akin, Tuesday."

Napalunok ako sa sinasabi niya. The bitterness in my throat spread like wildfire. Kung alam niya kapag nagsisinungaling ako... malalaman niya rin kayang hindi ako si Tuesday?

Napasinghap ako sa sariling naiisip. Of course not, Athalia! Tanga ka ba? Paano niya malalaman ngayon ang tunay mong pagkatao, kung ang una niyang nakilala ay ang pagpapanggap mo bilang Tuesday?

"Akala ko assuming lang ako," aniya bago mahinang humalakhak. "Mahal mo pala talaga ako."

"Hindi nga kita mahal," pagtanggi ko kahit alam kong wala na akong magagawa upang pagtakpan pa iyon. Damn! This foolish heart betrayed me!

Nagulat ako nang humakbang siya papalapit sa akin at marahang inabot ang pisngi ko. Mabilis kong iniwas ang aking mukha.

"Your tears don't lie, Tuesday..." bulong niya bago hinila ako at niyakap.

"Shut up..." I croaked. Ibinaon ko ang mukha sa kanyang dibdib at hinayaan ang sariling umiyak. Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang paglakas ng aking mga hikbi.

"Nasa point na ako ng buhay ko na wala na akong pakielam kung hindi mo ako mahal, Tuesday," bulong niya na siyang nagpatigil sa aking pag-iyak. "But I'll make sure that you'll fall for me no matter what. You'll fall so hard that you can never get over me in a lifetime."

Malungkot akong napangiti. Would it be a sin if I want to stay here in his arms forever?

I always find myself wanting the things that I know I could never have, and the first among them is... him.

"I really missed you..." he whispered. Napapikit ako nang hagkan niya ang aking sentido. "Please don't leave me again, baby. Huwag mo na ulit akong iwan nang hindi nagpapaalam."

Humigpit ang kapit ko sa kanyang damit habang umiiyak. I missed you more... pero hindi puwede. Hindi dapat at hindi maaari.

Habang nasa biyahe pauwi ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Bakit kung kailan masaya tayo 'tsaka naman bumibilis ang takbo ng oras? Sana baliktad na lang... Sana kapag malungkot na lang bumibilis ang takbo ng oras at bumagal na lang ang takbo nito kapag masaya tayo.

The moment I got home, dumiretso na ako sa aking silid at hinayaan ang sariling mahiga sa kama. Ilang sandali akong natulala sa puting kisame hanggang sa tuluyan akong hilahin ng antok.

Remember me, AthaliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon