Kapitulo III - Deal

713 46 6
                                    

Pagsapit ng uwian ay agad akong nagpaalam kay Lana at sa iba kong nakausap kanina na mauuna na akong umuwi dahil may dadaanan pa ako. Mabuti na lang at sila pala ang makakasama ko sa On-The-Job training na magsisimula na yata next week after naming ma-orient this week tungkol sa gagawin at mangyayari during internship.

Nang makarating sa ospital ay agad akong dumiretso papasok sa elevator. Pagkarating sa tamang floor ay nagmamadali akong naglakad patungo sa tamang room ngunit natigilan ako nang makitang nakaawang ang pinto nito.

I was about to enter the room when I heard an unfamiliar voice. "Tuesday, kumusta ang pakiramdam mo?" 

Nakita kong isang doktor sa ospital ang kausap niya nang bahagya akong sumilip sa loob ng silid. I leaned my body against the wall beside the door and quietly listened.

"M-Mabuti naman po, Doc. Ano pong naging resulta ng test?" Agad na kumunot ang aking noo dahil sa tanong ni Tuesday. Anong test naman kaya 'yon? At kailan isinagawa sa kanya?

Mahabang katahimikan ang namutawi sa buong silid kaya tumuwid ako nang pagkakatayo at nagpasyang papasok na. Natigilan ako nang marinig na tumikhim ang doktor bago magsalita. 

"The good news is that you have less than one percent possibility of experiencing a sudden death because of your heart condition. But the bad news is..." he trailed off. "You have a low probability of being discharged from the hospital to live a normal life, hija."

Rinig ko ang mahihinang hikbi ni Tuesday kaya nangilid ang aking mga luha. Napaatras ako ng ilang hakbang upang isandal muli ang katawan sa pader at tinutop ang aking bibig gamit ang kamay. 

"Y-You mean, maaari pong habambuhay na lang akong nakaratay rito sa ospital at hindi na makabalik pa sa pag-aaral? Pero ga-graduate na po ako ng college, Doc!" Pain was very evident in her voice. "Internship na lang po ang gagawin namin this school year! Kaunti na lang po ang subjects na ite-take ko at ga-graduate na ako..."

"I'm sorry to say this but... there are only a few cases of survivors of stage 4 hypertrophic cardiomyopathy. Maaari ka pang magamot or makapag-rehabilitate, but I think it will be impossible for you to fully recover from it because your body is growing weaker each day."

Bahagya kong itinagilid ang aking katawan nang marinig ang mga yabag ng doktor palabas ng silid ni Tuesday. Ilang beses muna akong bumuntong-hininga at pinalis ang mga luha bago magpasyang pumasok sa silid niya.

"Hi, Tuesday! Nandito na ako!" masiglang bati ko sa kanya nang makita siyang nakahiga ngunit nakatalikod sa may pinto. 

Pinigilan kong maging emosyonal dahil alam kong mas lalo lang bibigat ang kanyang pakiramdam kapag nakita niya akong malungkot. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pasimple niyang pagpapalis ng kanyang mga luha bago tuluyang humarap sa akin. Nagpanggap na lang akong abala sa paglalagay ng mga bitbit kong prutas sa may lamesa. 

"Hi, Demi! I missed you!" masiglang bati niya sa akin pabalik kaya nakaramdam ako ng bahagyang kirot sa aking puso dahil alam kong nagpapanggap lang din siya.

Bumaling ako sa kanya at ngumiti nang matamis. "Kumusta ka? Nakapagpahinga ka ba nang maayos?" tanong ko sa kanya ngunit nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"O-Oo naman... Ayos lang ako," nakangiting sabi niya habang nakatingin sa kanyang mga kamay.

"Kumain ka na ba? Kain ka ng mga prutas na dala ko, oh! Matatamis 'to, lalo na yung oranges!" pag-iiba ko sa usapan kaya naman napatingin siya roon sa dala ko.

"Sige, mamaya uubusin ko 'yan! Thanks, Demi!" masayang sabi niya bago yumakap sa akin.

Nang bumitiw siya sa yakap ay maingat akong umupo sa tabi niya. Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata habang nakatingin din siya sa akin. Siguro ay tinatantya niya kung sasabihin niya ba sa akin ang naging usapan nila ng kanyang doktor o hindi. 

Remember me, AthaliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon