Chapter 5 - sibling goals

1.4K 98 19
                                    

Namasyal sila ng hapon na yon sa The Mansion, Burnham Park, Mines View Park at sa Wright Park.  Nangulit pa si Weng na mangabayo sila at sumakay ng bangka at pinagbigyan naman ni Romeo.  Natutuwa siyang panoorin ang kapatid na nakangiti at masaya.  Habang nakasakay sa bangka nagkukuwentuhan sila.

Weng:  Kuya oh tignan mo puro pares-pares ang mga nakasakay sa ibang mga bangka.  Dapat sa susunod na pumunta at sumakay ka dito, jowa mo na ang kasama mo.

Romeo:  Bakit, ayaw mo na akong samahan ganon?

Weng:  Hindi naman yon ang ibig kong sabihin. What I meant was sana ngayon magkaron ka naman ng oras sa sarili mo, para magkaron ka ng babaing mamahalin.  Maayos naman na kami ni Nanay. May maliit na karinderya na siya, nageenjoy pa.  Ako, okay na ako Kuya, malaki na ako, hindi mo na ako kailangang alagaan pa. Sana yung kaligayahan mo naman ang asikasuhin mo.

Romeo:  Meron ka pang pa what I mean was, what I mean ha. Okay lang ako Neng, yung makita kong maayos na kayo ni Nanay masaya na ako non. Nageenjoy din naman ako sa trabaho. Kumikita at nakakaipon naman ako, nabibili at nagagawa ko ang gusto ko.  Nakakaluwas ako ng Maynila kapag gusto kong makita si Bestfriend Jab, kaya okay ako Neng. 

Weng:  Pero, hindi ka ba naiinggit sa bestfriend mo? Sigurado kapag dinadalaw mo siya o dinadalaw ka niya eh kasama niya si Ate Raine. Lagi ka na lang third wheel sa kanila.

Romeo:  Anong third wheel?

Weng:  Panabla,.. referee... bouncer ganon... panabla.

Pabiro niyang sinakal ang kapatid, bumungisngis ito.

Romeo: Panabla pala ha. Ihulog kaya kita sa tubig.

Weng:  Seryoso ako Kuya... pwede ka ng manligaw.  May trabaho ka na eh. Sayang naman yang kagwapuhan mo.

Romeo:  Wala pa akong maipagmamalaki eh.  Kapag nakabili na ako ng sarili nating bahay at hindi na tayo nagrerenta. Baka sakali.

Weng:  Pwede mo namang tuparin yan eh. Mas maganda nga pag may jowa ka, siya ang magiging inspirasyon mo eh. 

Romeo:  Bakit mo ba ako pinipilit na manligaw, may irereto ka ba sa akin?

Weng:  Si Ate Pearl, mukha naman siyang mabait eh, maganda at sexy pa.

Romeo:  Ngayon mo lang nakilala mabait na.  Tinulungan ka lang ng konti eh gusto mo na.

Weng:  Sabi mo kanina type mo siya.

Romeo:  Oo nga, ibig kong sabihin ganon ang tipo kong babae.  Simple, maayos manamit, mayumi, pati tumawa mahinhin.  Pero hindi ibig sabihin na liligawan ko.

Weng:  Eh bakit mo niyayang magdinner?

Romeo:  Sinusubukan ko lang... ngayon ko lang siya nakilala, kapag pumayag siya, ayoko na sa kanya kasi madali siyang nagtiwala eh hindi naman niya ako kilala.

Weng:  Malay mo ibig sabihin lang non type ka din niya, bakit pa niya patatagalin pa.

Romeo:  Lahat ng madaling makuha, madali ding mawala Neng, tandaan mo yan. Ang mga bagay na pinaghirapan mo yun ang nagtatagal.  Darating din ako dyan at kapag naging kami ng babaing nakatadhana para sa akin ikaw ang unang makakaalam.

Weng:  Old school ka talaga Kuya. Basta sana maging masaya ka Kuya.

Romeo:  Masaya nga ako, lalo na ngayon, ang kapatid kong mahal kolehiyo na, scholar pa!

Weng:  Pero alam mo Kuya kung ako ang pipili ng lalaki gusto ko din yung katulad mo, Old School.  Nagpapalipad hangin tapos after a while manliligaw ng maayos, aakyat ng ligaw sa bahay at hindi dinadaan lahat sa mabilisan na parang nagmamarathon.  Pero matagal pa yon pagkagraduate ko pa.

The Faith I Found In You (Leap of Faith Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon