Chapter 1 - Brief Encounter

4.7K 118 22
                                    


Tinignan ni Vangie ang mga ito bago bumaba at sinabi, "sana hindi mangyari sa mga anak, pamangkin, kapatid at apo ninyo ang ginawa ng mga gagong ito sa kasamahan namin ingatan ho ninyo hindi lang ang mga puri ninyo kung hindi pati gamit ninyo. Okay lang ho kahit hindi kayo makisama sa amin, yung ibabayad ho ninyo sa kanila, abuloy na ho namin sa kanila." 

Napaantanda ang isang matandang lalake sa narinig. Dahil sa pagkakasabing yon ni Vangie para na din nitong isinumpa na mamatay na ang mga lalaki.   Kaya kahit papano nakalma naman si Vangie dahil nasabi niya ang gustong sabihin.  

Ibinalibag ni Vangie ang pinto ng Hi-Ace Van, pagkababa nilang magkakaibigan.  Galit na galit na sumigaw...

"Mga maniac! Hindi pa tayo tapos irereport ko kayo akala ninyo ha.  May ebidensiya  ako mga gago! Mamaya lang pasisikatin ko kayo sa social media, tignan ko kung hindi kayo matanggalan ng lisensya."  Sabay kinuhanan naman ni Weng ng litrato ang plate number ng Van  at umarangkada na ito at mabilis na tumalilis.

Nagngingitngit sa galit si Vangie.  Hinipuan kasi ang isang kasamahan nila ng isa sa mga tour guide ng supposed to be trip nila sa Baguio.  Wala naman silang magawa dahil sakay sila ng Van ng mga ito. Kaya hiniya na lang ni Vangie ang mga ito sa ibang pasahero, Hindi tumigil hanggang hindi nakakarating sa unang stop-over para bumaba. Binawi nila ang pera nila. 

Vangie:  Mabuti pa, maupo na muna tayo dito sa kainan, baka may nagugutom sa inyo.

Naupo sila dalawang lamesa ang pagitan sa kinauupuan  Mang Leo at Aling Rio na kumakain sa isang malaking gasolinahan na maraming fastfood at tindahan sa tabi.  Doon unang nagstop-over ang mga bumibiyahe papuntang Baguio.

Vangie:  Problema lang natin, papano na tayo makakarating nito sa Baguio, unang stop over pa lang ito, malamang puno at galing ng terminal ang mga bus na humihinto dito. Kung babalik naman tayo sa Maynila sayang, nandidito na tayo.

Weng:  Anong gagawin natin?  Kailangan ko ding makarating doon para doon sa exam ko.

Andrea:  Bwisit kasing mga maniac yon eh!

Sabay sipa sa isang bato at tinamaan nito sa binti si Tay Leo.

Andrea:  Naku! Sir, sorry ho.  Hindi ko ho sinasadya.

Tumango lang si Mang Leo at nagsalita...

Mang Leo:  Kumain kayo mga Ineng para mawala init ng ulo ninyo.  Mahal oh ipinagbalat kita ng hipon.

Inilagay ni Mang Leo sa pinggan ni Aling Rio ang hipon.

Andrea:  Awwww ang sweet ni Tatay oh.

Weng:  May lalaki pa po palang katulad ninyo.

Mang Leo:  Oo naman marami pa.

Nagring ang cellphone ni Mang Leo, sinagot niya ito.

Richie:  Tay, bababa ako CCR lang. 

Mang Leo:  Sige Hijo.

Tumayo si Mang Leo sa tapat ng kotse, tumanaw naman si Nanay Rio sa kotse na nakaparada sa tabi ng Van.  Bumaba si Richie, nakaasul na slim fit na levis, dark blue na nike shoes, giordano na puting sports shirt at nakapatong ang itim na hoodie na bahagyang nakabukas. Nakasuot ng rayban shades at superman cap.  Inabot nito ang susi ng kotse ng dumaan sa tapat ni Mang Leo.

Richie:  Tay, kakain ako sa Starbucks, sunod na lang kayo ni Nanay.

Tinapik ni Mang Leo sa balikat tsaka binalikan si Aling Rio.

Aling Rio:  Oh bakit daw?

Mang Leo:  Magccr lang daw tapos doon kakain sa Starbucks.

Tahimik na kumakain ang grupo ni Vangie. Nang makita niya ang isang Tour Van katulad ng sinakyan nila lumapit siya at kinausap ang driver pagbalik prublemado ang mukha nito. Lumapit sa kasamahan...

The Faith I Found In You (Leap of Faith Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon