Chapter 50 - Hardships

1.7K 128 66
                                    

Maayos na naipanganak  ng normal delivery ni Arbie ang kanilang baby boy na pinangalanang Archie.  Pero dahil irregular si Arbie at hindi siya sigurado sa mga dates ng kanyang menstrual cycle, matapos  ang new born screening tsaka lang nila napagalaman na three weeks premature si Archie at underdevelop ang respiratory system ng bata.  Kinailangan siyang iincubator at least two weeks to one month depende  sa magiging development ng respiratory  system nito.

Iyak ng iyak si Arbie simula ng magising ito. 

Richie:  Please Hon, huwag ka ng umiyak,   baka mabinat ka.

Arbie:  Richie, gusto kong makita ang baby natin.

Richie:  Kaya nga magpalakas ka para mapuntahan mo siya a Nursery kasi currently hindi siya pwedeng ilabas doon. Nakaincubator siya Hon.  Huwag kang magalala nandon naman si  Nanay Brenda. 

Arbie:  Kasalanan ko ito eh, pinabayaan ko kasi ang sarili ko, may nararamdaman na ako binalewala ko pa. Naging malnourished ako tapos pati baby natin ngayon siya  ang nagsa-suffer.

Richie:  It's not your fault, hindi mo naman alam na buntis ka na pala.  It happens to the best of u Hon kasi nga hindi tayo aware. 

Wala silang nagawa,  kundi gawin ang nararapat. Naubos ang perang naitabi ni Richie para sa hospital bill at iba pang gastusin para kay Arbie. Makalipas ang apat na araw dinischarge si Arbie sa Ospital. Naiwan si Baby Archie sa pangangalaga ng mga Nurse.  Araw-araw naman idinadaan at inihahatid ni Richie si Arbie sa Ospital para alagaan ang anak habang nakaincubator.  Mas mapapadali daw kasi ang development nito kapag nararamdaman na ang sariling Ina ang humahawak at nagaalaga.

Ikalawang araw ng dumalaw si Dean at Damon sa magina.  Inabutan naman nilang si Richie ang nagbabantay kaya tuwang tuwa silang panoorin kung gaano ito kasaya.

Richie:   Dad, tignan mo may dimples din siya oh.

Damon:  Oo nga, kamukha mo.

Richie:  Yung amoy ko po kasi ang napaglihian ni Arbie kaya siguro mas kamukha ko.

Dean:  Huwag kang papakasiguro ganyan din si Lee noong una pero ngayon nakita mo naman mas kamukha na ng Mama niya.

Damon:  Kamusta naman si Arbie, how is she holding up.

Richie:  She's blaming herself sa sinapit ni Baby Archie.  Kahit  anong paliwanag namin ni Nanay at Yaya hindi namin siya makampante.  Sa gabi kapag bago matulog umiiyak kasi imbes nga naman na nasa bahay na si baby at naalagaan niya eh, naiiwan pa dito sa Hospital.

Dean:  Hindi ba pwedeng bumili na lang ng incubator at doon na sa bahay gawin yon?  I'll buy one.

Damon:  I doubt that it will be allowed.  Iba pa rin kasi kapag nasa hospital Dean, syempre, malinis at malayong pasukin ng bacteria unlike kung nasa bahay. Eh respiratory system pa naman ang underdeveloped so kailangan malinis ang environment para malinis din ang hanging makukuha niya.

Dean:  Richie, one month on an incubator, mahal yon. How is your finances holding up?  Yung ibinayad sa panganganak magkano inabot?

Richie:  I'll be honest, naubos na yung nasave ko para sa panganganak ni Arbie. Yun eksakto naman kaya nga nailabas ko na siya.  Pero itong kay baby Archie, hindi ko po ito naanticipate.  The incubator alone costs five thousand per day plus the private nursery room fee.  Yung mga gamot pa, nakakabawas na nga kami sa expense ng milk at diaper.   Kasi nagpapabreast feed siya at pinayagan naman kaming gumamit ng lampin since nakaprivate nursery room naman at less din yung labor cost kasi sa gabi lang naman binabantayan ng nurse.  Pero I am sure may makukuha pa naman akong collections and I think I can still think of a way para madagdagan finances ko besides Xavier, Jeric and Zack offerred to lend me some money in case kulangin ako.  So don't worry about it Kuya.

The Faith I Found In You (Leap of Faith Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon