Chapter 15 - Barkada Goals

1.3K 100 22
                                    


Nang hapong yon dumating ang barkada ni Richie sa Moldex, sa main clubhouse sila nagkita-kita.  Bitbit ang pang swimming nila, nagyaya sa Jacuzzi area si Jeric at Zack.  Tinawagan nila si Richie at dumating naman ito doon halos kadarating lang din  ni Xavier.

Xavier:  O guys, baked lasagna padala ng mommy baka daw namimiss na natin eh.

Richie:  Buti naalala pa ni Tita na favorite natin yan.

Jeric:  O mga bugoy binitbit ko na lahat ng chocolateng dala ni Ate from Sweden huwag na kayong magreklamo ha.

Xavier:  Ayos, madami na naman tayong pampagising sa exam.

Richie:  Ikaw Zack anong dala mo? 

Zack:  ang kagwapuhan ko!  Hindi ba pwedeng walang dala.

Xavier: Kapal mo talaga bro!

Zack:  O sige magpadeliver na lang tayo... ano bang gusto ninyo?

Richie: Mamaya na lang pagtapos natin dito para doon na sa lounge tayo tumambay. 

Zack:  oo nga don na lang para pati si Arbie makakain na din. Magkikita kami ngayon eh, doon ko na lang siya papupuntahin.

Jeric:  Tol type mo ba talaga si Arbie?  Oh ginugood time mo lang kami.

Zack:  Bago ko sagutin yan, sagutin muna ninyo ang tanong ko... ano bang tingin ninyo sa kanya?

Jeric:  Babaeng astig, yung tipong hindi magpapaloko sa yo.

Xavier:  Matalino, mabait din, matipid magsalita pero may sense kausap. 

Richie:  Salat sa yaman pero mayaman sa kakayahan, maprinsipyo at hindi umaasa sa iba. Medyo masungit tsaka mukhang lalake kung umasta. Pero cool naman siya.

Zack:  Hindi natin alam kung sexy ba kasi hindi natin makita sa mga damit na sinusuot niya sa school pero maganda naman siya kaya mukha namang girlfriend material di ba? So kung didiskartehan ko ba magpoprotesta kayo?

Hindi umiimik ang tatlo... 

Zack:  Fuck! Silence means YES! Grabe naman kayo bakit ayaw ninyo sa kanya?

Xavier:  Tol alam mo, kilala ka namin eh, ikaw ang ayaw namin para kay Arbie.  Matinong babae yon tol hindi pangrampa or pang-flavor of the month mo lang.

Jeric:  Nakuha mo gusto kong sabihin Xavier!

Richie:  I second the motion!

Zack:  Hala, ang harsh ninyo sa akin. Ako ang kaibigan ninyo ah.

Jeric:  Si Irene na lang ligawan mo 'tol.  Yon, obvious na type ka non at yung ganong babae ang type mo. 

Richie:  Jeric, kayo na ba ni Vanessa? Nakita ko kayo sa mall grabe kang makapulupot eh.

 Napakamot sa ulo si Jeric. 

Jeric:  Kilala ninyo naman ako, hindi ako tumatanggi sa babae.  Nagpakita ng motibo eh di go!

Xavier:  Bilib talaga ako sa kamandag mo Jeric.

Jeric:  Yung lang yun... kamandag lang ang meron ako, hindi ko nga alam kung mahal ba ako o gusto lang ang apelyido ko eh.

Zack: Mas miserable ka pa pala sa akin Gokongwei eh. 

Jeric:  Minsan iniisip ko kung hindi kaya yon ang apelyido ko papansinin kaya ako ng mga babae na 'to.

Tinapik ni Zack si  Jeric sa balikat.

Jeric:  Yung si Rhea, feeling ko may gusto sa isa sa barkada natin, hindi ko lang sure kung kanino.

The Faith I Found In You (Leap of Faith Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon