Chapter 43 - Mixed emotions

1.8K 123 56
                                    


Dumaan ang ilang linggo na tahimik at walang inaalala sila Richie at Arbie kung hindi ang pagaaral nila. Pero si Arbie, nalulungkot pa rin  dahil alam nitong may samaan na ng loob si Richie at ang Mommy nito.  Nalulungkot din siya na hindi siya gusto ni Ryzza.  Iniisip din niya kung ano ang pwede niyang gawin para hindi na ito magalit sa kanila.

Dahil sa dami ng mga iniisip at dahil na rin nagaalala si Arbie para kay Richie. Nagsimulang bumagsak ang katawan nito.  Bagay na hindi nakaligtas kay Rhea.

Rhea:  Beshie, damihan mo naman ang kain mo, tignan mo hindi mo na naman nakalahati man lang yang isang cup na rice.  Tama na ang diet hindi ka naman tumataba eh.

Arbie:  Hindi naman ako nagda-diet eh.  Madalas lang kasi wala akong ganang kumain eh.  Kung kumakain naman ako ang bilis kong mabusog,  Siguro kasi lagi akong umiinom ng tubig.

Rhea:   Beshie baka naman kasi panay pa rin ang isip mo sa Nanay ni Richie. 

Arbie:  Hindi mo naman maalis sa akin ang magalala, imaginin mo dati linggo linggong tumatawag si Richie sa Mommy niya nangangamusta o kaya nagkukwentuhan lang sila ang saya saya pa niya. Tapos ngayon ng dahil sa akin  nawala yon.

Rhea:  Ilang beses ng sinabi ni Richie sa yo hindi mo kasalanan yon. 

Arbie:  Alam ko naman kaya lang hindi ko pa rin makuhang hindi malungkot eh.

Rhea:  Umayos ka Beshie,isusumbong na talaga kita kay Richie.

Arbie:  Beshie naman eh. Huwag naman, magaalala na naman yon eh.

Rhea:  Ako ang nagaalala sa yo eh,  kung ayaw mong isumbong kita kumain ka ng maayos. Matulog ka ng maayos para hindi ka nangangalumata na ganyan.

Arbie:  Oo na nga Beshie, promise. Oh eto oh uubusin ko na nga itong one cup rice na ito.  

Kumain nga siya at inubos lahat nag pagkain sa pinggan niya.  Pero wala pang kalahating oras ang lumipas nagtatakbo na ito sa banyo at nagsuka.

Lingid sa kaalaman ni Arbie... may ibang inaalala si Rhea, at sa nakikita niya kay Arbie lalong tumitindi ang kanyang haka-haka na iba ang dahilan ng pagbagsak ng katawan nito.  Hindi lang kasi siya sigurado kaya ayaw niyang banggitin at isa pa masyado ng maraming alalahanin ang kaibigan ayaw na niyang dagdagan pa. 

Hanggang isang araw, nasa Main Library si Arbie at nakaduty ng magbrown-out at dahil walang aircon mainit sa loob ng library kahit pa binuksan nila ang mga bintana.  Hindi kinaya ni Arbie ang init at hinimatay.  

Kinuha ni Rhea ang pagkakataon na iyon.  Imbes na sa clinic dalhin si Arbie sa hospital niya dinadala si  Arbie. - Wala ng mga oras na yon si Richie at Xavier,  Nasa Regional competition ang dalawa kaya si Jeric at Zack ang naistorbo niyang sumama sa Hospital.

Nang mahimasmasan si Arbie, kinausap na siya ng doctor.  Sinabi naman niya ang lahat ng nararamdaman. Kinuhanan siya ng dugo at hiningan siya ng urine sample para matest daw at baka nga may ibang sakit siya. 

Dra. Gomez:  May boyfriend ka na ba?

Napatingin si Arbie sa doctor...   naisip niya anong connect non sa mga nararamdaman niya.  Pero sinagot naman niya ang tanong nito.

Arbie:  Opo Doktora.

Dra. Gomez:  May nangyari na sa inyo ng boyfriend mo? Kailan?

Arbie: Isang beses po. minsan lang, a couple of months ago po.

Dra.  Gomez:  Kailan ang huling period mo?

Arbie:  Irregular po ang period ko eh. So am not sure, parang  hindi pa ako nagkakaron ulit  since last three months ago pero normal po yon, minsan tatlong buwan wala tapos magkakaron ulit  kahit po noong virgin pa ako, ganyan na eh.   May possibility po ba akong mabuntis kahit minsan lang may nangyari sa amin at isang beses lang talaga?

The Faith I Found In You (Leap of Faith Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon