Chapter 58 - Challenged

1.8K 129 54
                                    


Kinabukasan, maaga silang nagpunta sa hospital. Nagconvoy sila ni Richie para makaderecho ito sa opisina ng R&R. Pagpasok pa lang nila sa kwarto, kinakabahan na si Arbie. Pero ibang Ryzza ang tumambad sa kanya. Nakaupo ito sa kama, humpak na ang pisngi, nangangalumata, tulala at walang kagalaw-galaw ang mata.  

Lumapit si Richie sa kama, hinagkan ito sa pisngi at nagmano. 

Richie:  Ma, kasama ko si Archie at si...

Sumenyas si Arbie na huwag banggitin ang pangalan niya.

Richie:  Kasama ko si Archie at ang Nurse mo si Nurse Sheila.  Sila ang magbabantay sa yo kapalit ni Nanay Rio.  Archie, what will you say to Lola Mamsie.

Nagmano si Archie, humalik sa pisngi at yumakap kay Ryzza.

Archie:  Elo Lola Mamti! Bubong mo po dami-dami fud taka flut, layk manggo taka apol taka banana.

Richie: Madaldal yan My, nagmana kay Daddy.

Bahagyang nalungkot si Richie ng mabanggit niya ang kanyang ama. Tumayo si Arbie sa tabi ni Richie at inakbayan ito, hinaplos ang likod. Inabot ang kamay ni Ryzza at nagmano saka bumulong sa Tenga, "Tita, si Wheng po ito kaibigan ni Richie."

Naupo si Arbie sa couch, inayos sa lamesa ang pagkaing dala-dala at pinagmasdan lang si Richie habang kinakausap si Ryzza at ipinapakilala si Archie.

Ibinaba ni Richie si Archie at lumapit ito kay Arbie.

Archie:  Na-nay wer it my buk, li-lid ko ittori kay Lola Mamti.

Ibinigay naman ni Arbie ang libro nito at naupo ito sa tabi ni Richie.

Archie:  Ta-tay lid natin kay Lola Mamti ito buk.

Richie:  Papasok na si Tatay sa office baby eh, kayo na lang ni Yaya Sheila ha. Kiss na si Tatay. Take care of Lola Mamsie ha, make sure she eats plenty and drink her medicine, okay?

Archie:  Otey, ato bahala Ta-tay!

Kinusot ni Richie ang buhok ng anak.  Naupo ito sa tabi ni Arbie.

Richie:  Will you be fine here?

Arbie:  Oo naman, don't worry about me, I have the laptop, makikibalita ako kay Rhea. 

Richie:  Okay babalik ako kapag walang importanteng gagawin sa office.

Nang mga sumunod na araw, pagkatapos magagahan kasama si Richie at pagalis nito gamit ang kotse ni Ryzza para pumasok sa R&R,  magluluto naman ng pagkaing dadalhin sa hospital si Arbie.  Pag nagising na si Archie, pakakainin na ni Sheila at paliliguan at bibihisan para magpunta sila sa hospital. Gamit ang kotse ni Richie. Isang private room naman kasi ang inookupa ni Ryzza.  Pagdating nila doon si Nay Rio naman ang aalis at babalik sa bahay para maglinis at bantayan ang naglalaba. Pagdating ng alas sinko ng hapon magluluto siya ng hapunan na dadalhin niya sa hospital.

Sa loob ng limang araw, wala silang ibang ginagawa kung hindi pakainin, paliguan, kwentuhan si Ryzza.  Marahil dahil sa mga prutas at gulay na ipinapakain nila, nawala ang pamumutla nito. Derecho na kung ito ay maupo at parang mas malakas na ang pangangatawan. Kapag si Archie ang nagsusubo ng prutas dito,kain lang ng kain. 

Archie:  Na-nay, ubot na Lola Mamti yung apol niya oh. 

Arbie:  That's very good baby, ang galing mo kasing pakainin si Lola Mamsie eh.

Archie:  Na-nay, galing na ba ti Lola Mamti?  Uwi na don ta big haws?

Arbie:  Oo malapit na, baka bukas pwede na.  Titignan lang ni Doctor kung magaling na yung sugat sa arm ni Lola Mamsie.

The Faith I Found In You (Leap of Faith Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon