Chapter 29 - Ganti

1.2K 101 21
                                    

Bumalik sila Richie sa Moldex kasama si Rhea.  Nagtext na din si Richie kila Xavier, Jerick at Zack na doon sa Moldex dumerecho.  Ipinatawag ni Richie ang Head ng Security doon para magtanong kung anong dapat gawin.

Security Head:  Sir, pwede naman kayong magreport based sa sinasabi ni Rhea.  Ang motibo niya gantihan sila dahil ang akala nito Tibo si Ms. Arbie at may relasyon sila.

Rhea: Richie, kapatid ni Rex ang Hepe ng pulisya, baka wala ding mangyari kapag nagreklamo tayo.

Richie: Kahit pa, ipablotter muna natin sa Barangay, may natatandaan ka bang inpormasyon tungkol sa taxi at sa driver nito? May picture ka ba ni Rex?

Rhea: Kulay puti, Corazon ang nakasulat sa gilid tapos GNY9072 and plate number.

Noel: Mawalang galang na po Ms. Rhea ano pong apelyido ng Rex na sinasabi ninyo?

Rhea: Rex Rodriguez ang buong pangalan niya. Yung Captain ng Varsity ng SLU

Noel: Si RR?

Rhea: Tama, bakit alam mo yan, pamilya lang niya ang tumatawag sa kanya ng RR eh.

Noel:  Pinsang buo ko si RR, Kapatid ng Nanay ko si Tita Regina, ang Nanay ko ang Guardian ni RR. Sir Richie, kilala ko si Rex.   Kung pinuntahan niya kanina si Ms. Rhea ibig sabihin matino pa siya. Pero baka tumira na yon kaya ng bumalik sa inyo ganon na ang ginawa. Pero kahit matino o hindi, hindi natin mababawi si Ms. Arbie ng walang kapalit.  Hindi naman halang ang kaluluwa ng pinsan ko, nagkaganyan lang siya ng maulila kaya alam kong kung kakausapin maari naman siyang makumbinsi. Sasamahan kita pero kailangan nating magdala ng mga babaeng ipapalit kay Ms. Arbie o magsisilbing regalo para sa paningin ni RR mapagaan natin ang kung ano mang atraso ni Arbie sa kanya.

Richie:  Sige walang problema pero saan natin siya pupuntahan?

Security Head:  Kailangan muna ninyong matukoy ang lugar kung saan siya maaaring dinala.

Rhea:  Ang alam kong pagaari niya, yung bahay sa  Aurora Hill at yung taniman nila sa Benguet.

Noel:  Doon sa Aurora Hill siya nakatira imposibleng doon niya dalhin si Ms. Arbie. Sa Benguet naman walang konkretong bahay don.  Ang meron don kubo na warehouse ng palay at kwarto ng namamahala.  Hindi tatagal don si RR.

Security Head:  Mabuti pa Sir, sasamahan namin si Ms. Rhea na magreport sa Barangay at maipablotter ito tapos dederecho na kami sa pulis. Para mapatignan na din ang bahay na tinutuluyan ni Rex.

Richie:  Mabuti pa nga ho. Sige po maraming salamat po. 

Paalis na sana sila Rhea ng biglang pumasok sa pinto ng Main Clubhouse si Xavier.

Xavier:  Richie! Anong emergency? Got your message bro.

Richie:  Bro, dinukot ni Rex si Arbie.

Xavier:  Ano?  Bakit? 

Richie:  It's a long story pero dapat mong malaman, so I suggest samahan mo si Rhea para malaman mo ang lahat.

Rhea:  Richie...

Richie:  Rhea, I'm sorry, they have to know, hindi nila tayo matutulungan kung matatakot kang ipaalam sa kanila. Just believe na kaibigan mo sila at kung totoong kaibigan sila na tulad ko matatanggap nila ang nakaraan mo.

Yumakap si Rhea kay Richie, pinahid ang kanina pa tumutulong luha.

Rhea:  Hanapin mo siya, iligtas mo siya Richie.  Pangako, tatanggapin ko ang kung ano mang kalalabasan ng pangyayaring ito.  Magalit na ang lahat ng tao, huwag lang mawala sa akin si Arbie.

The Faith I Found In You (Leap of Faith Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon