Chapter 17 - Conflict

1.2K 92 11
                                    

Bago magika-anim ng umaga kinabukasan, gising na si Weng. Nagtimpla ng instant coffee at binitbit na pababa sa laundry shop.  Naglabada muna siya 6am to 9am, kaya nakatatlong oras din siya at nangakong babalik ulit kinagabihan ng alas sais para buuin ang walong oras na trabaho niya.

Dumaan siya sa convenient store at bumili ng pandesal bago bumalik sa  unit nila. Pagpasok niya ng unit naririnig na niya na naliligo si  Richie.  Nagluto siya ng scrambled eyes, nagtadtad ng puting sibuyas, pinaghalo yon at nilagyan ng  mayonaise at konting powder pepper, iodized salt at sugar.  Tsaka ipinalaman sa mga pandesal na binili niya. 

Kumain na siya ng isa at nagbitbit ng pangalawa.  Iniwan ang iba pang pandesal na pinalamanan  niya sa lamesa at saka pumasok sa kwarto at inayos ang dadalhin niyang mga libro, papel at ballpen.  Naalala niyang magbitbit ng short at t-shirt at extra na underwear kung sakaling magkayayaan na magswimming.

Lumabas ng banyo si Richie at nakita ang tinapay.  Nagtimpla ng brewed coffee at kumuha ng isang tinapay at kumagat.   Pumasok naman si Arbie sa banyo at nagshower.  Nasarapan si Richie sa tinapay, hindi niya namalayan na nakaapat na siya makalipas ang kalahating oras.

Lumabas si Arbie sa kwarto na nakabalot ng twalya ang buhok. Lumapit sa lamesa at kumuha ng tinapay napansin niya na tatatlo na ang naiwan, natawa na lang ng maisip kung ilan na ang nakain ni Richie ang nasa isip... "in fairness nagustuhan niya nakaapat na siya eh."

Pumasok ulit sa kwarto at kinukusot kusot ng twalya ang buhok ng  alisin ni Weng ang tuwalya sa buhok nakita ni Richie ang mahaba ng buhok ni Weng.  Nagkukwentuhan sila ng hindi tumitingin si Weng.

Richie:  Never kang nagpagupit simula nung pumunta ka dito no?  

Arbie:  Oo, bakit?

Richie:  Ngayon ko lang nakita ng nakalugay ang buhok mo, mahaba na pala eh.  Bagay sa yo.

Kinuha ni Weng ang suklay at sinuklay yon. Dahil alaga ni Weng ang buhok, halos dumerecho lang ang suklay mula sa tuktok ng ulo niya pababa sa pinakadulo.  Pinagmamasdan lang ni Richie si Weng.  Mas gusto ni Richie sa babae ang may mahabang buhok.  Yung buhok na tipong nasusuklay mo ng daliri mo.  Napansin ni Weng na nakatingin sa kanya si Richie.

Arbie:  Huy, bakit mo ako tinitignan?

Richie:  wala, basa pa yang buhok mo itatali mo na ba agad yan?

Arbie:  Hindi, iblower ko muna para matuyo bago ko itatali.  Aalis na ba tayo?

Richie:  Kung naayos mo na mga dadalhin mo, magtoo-toothbrush lang ako tapos aalis na tayo, kaya sa sasakyan mo na patuyuin ang buhok mo.

Pumasok na ng banyo si Richie iniwang bukas ang pinto dahil magtoo-toohbrush lang naman siya.

Arbie:  Ay okay, sige.  Magtoo-toothbrush na lang din ako. Pashare sa banyo ha, kunin ko lang toothbrush at toothpaste ko. 

Pagpasok niya ng banyo, noon niya lang natignan ang kabuuan ni Richie. Nang makuha ang toothbrush at malagyan ng toothpaste, namumula ang mukhang  lumabas ng banyo si Weng.  Hindi dahil ayaw niyang makisabay kay Richie, kung hindi ayaw niyang makita si Richie dahil topless ito, nakalimutan nitong wala pa siyang suot na  t-shirt. Hinila ni Weng pasara ang pinto paglabas niya ng banyo.

Nagulat si Richie  ng malakas na nahila ni Weng ang pinto.  Napatingin sa pinto ng banyo ng nakakunot ng noo at nagiisip... "ano na naman ang nangyari don?"   Habang nasa harap ng lababo napatingin si Richie sa salamin... noon niya napansin na wala pala siyang suot na t-shirt.

Nahampas niya ang lababo at pinagsabihan ang sarili... "Ano ba naman Ricardo, kakalat-kalat ka sa labas kanina topless ka!  Papanong hindi maiinis."

The Faith I Found In You (Leap of Faith Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon