Chapter 24 - Closeness

1.1K 108 27
                                    

Nang bumalik sila para sa 2nd semester, naging mas close si Richie at Arbie.  Isinasabay na ni Richie si Arbie sa pagpasok sa University.  Nang matanong ng mga taga Moldex at mga kaibigan.. ang sabi ni Richie "kasi para hindi na niya kailangang gumising ng mas maaga para makasabay lang sa service eh pwede ko naman siyang isabay."

Kahit pagkain nila kung sino ang nauunang magising sa umaga siyang nagluluto at isinasahog na nila ang isa't isa,  Nagbabaon pa rin ng pananghalian si Arbie, bumibili naman si Richie ng lunch niya sa cafeteria katulad ng araw na yon.

Mas maaaga ng labinlimang minuto ang break ni Arbie at Rhea sa kanila kaya dinatnan na nila ang dalawa na kumakain.  Wala ng bakanteng lamesa ng dumating sila,  Tiyempong may tumayo at tapos ng kumain na grupo dalawang lamesa ang layo kila Arbie at doon na pumwesto sila Jeric.  Pumasok si Rex kasama ang mga kabarkada nito.

Walang makitang bakante, naglakad-lakad naghahanap ng mapapaalis sa lamesa ng mamataan niya sila Arbie at Rhea.

Rex:  Oy, ang paborito kong Library Assistant nandito. Kamusta ba Ms. Masungit namiss mo na ako no?

Arbie: Excuse me?! Pano kitang mamimiss eh hindi nga kita kilala.

Alalay no.1:  Ouch, Rex hindi ka daw kilala oh. Magpakilala ka nga.

Rex:  Nagpapahard to get lang yan.  Share tayo sa lamesa ah. 

Arbie:  Maghintay kayong matapos kaming kumain, pwede.

Rex:  TALAGA BANG PINAIINIT MO ANG ULO KO?!

Richie:  REX... 

Rex:  ANO?!

Ngumiti si Richie  sabay sabi ng...

Richie:  Dito na kayo, tapos na kaming kumain. Mas okay dito nakatapat sa electric fan.

Rex:  Oy, si Computer Genius pala.  Sige, salamat ha.

Tumingin ito kay Arbie... tinuro-turo ito. 

Rex:  Maswerte ka pa rin.  Sa susunod hindi na kita palalampasin.

Nakipaghigh-five pa si Richie kay Rex ng dumaan ito.  Walang imik na sumunod ang mga kabarkada niya bitbit ang mga pagkain nila  at lumapit sa lamesa nila Arbie. 

Tahimik na ipinagpatuloy ni Arbie ang pagkain. Inilapag naman ni Richie at Xavier ang pagkain nila sa lamesa at naupo katabi ng mga ito at kumain.

Arbie:  Akala ko ba tapos na kayong kumain?

Xavier:  Yun lang naisip sabihin ni Richie para tigilan na kayo ni  Rex.  Rhea, okay ka lang?

Rhea:  Hindi, ninenerbiyos ata ako eh. 

Hinawakan ni Xavier ang kamay ni Rhea, malamig nga yon.

Xavier:  Don't worry hindi na yon babalik lumalamon na eh.

Arbie:  Sorry Beshie pati ikaw nadadamay pa.

Rhea:  Okay lang wala ka namang kasalanan eh, Richie, Thanks ah.

Richie:  Wala yon.

Hinintay niyang magpasalamat si Arbie pero hindi nito ginawa at ang tingin  ni Richie inis ito.

Richie:  Patikim naman niyang ulam mo. Nagsasawa na ako sa fried chicken o kaya lumpiang shanghai eh, yun lang naman kasi ang masarap na tinda sa cafeteria eh. 

Arbie:  O ayan, ubusin mo na yang menudong giniling baka sakaling makapagisip ka ng maayos kapag nabusog ka.

Richie:  oh bakit, mali ba na iniligtas ko kayo?  

The Faith I Found In You (Leap of Faith Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon