Chapter 26 - Healed

1.2K 103 8
                                    

Nasa 3rd year college na si Wheng at Richie.  Parehong pursigido talagang makatapos.   Naging masaya ang dalawang taong nagdaan nila sa  St. Louis kahit pa minsan may mga bad vibes natutunan na nila na parte ng buhay ang problema.

Natutunan ni Wheng na maraming iba't ibang klase ng tao, may mga masasama pero mas marami ang mabubuti. Daraan sila sa buhay mo, may darating para umalis lang din pero merong mga taong tulad ni Richie at ng iba pang kaibigan niya na mananatiling kasama niya. Natutuo siyang magtiwala at maniwala na tulad ng laging sinasabi ni Richie... "kapag mabait ka sa iba magiging mabait din sila sa yo".

Si Richie naman natutunan niyang magdesisyon para sa sarili, para sa ikabubuti ng iba at para sa ikagaganda ng nakararami.  Narealized niyang hindi natatapos ang lahat sa simpleng tungkol sa kanya lang at maraming bagay ang makakaya niyang gawin at kayang pagdesisyunang magisa.  Narealized niya na dapat namamaximize niya ang oras niya at dapat fruitful ang bawat araw niya.  Narealize niya na kahit yung simpleng pagschedule ng bills na babayaran, simpleng mga pagkaing bibilhin kung hindi mo maayos na nabu-budget ang pera mo, magkakaproblema ka pa rin. 

Natutunan din niyang imanage ang maintenance ng buong Moldex.  Iginawa niya ng Customer Support chatroom ang Moldex, binigyan niya ng access si Francine at Pearl at ipinaskil sa elevator ang isang ad.  "For any utility complains or maintenance needs and request please go to our webite www.moldexresidence/csr.ph.com  and chat live with our Customer Support Representative."

Nadagdagan din ang mga kliyente niya sa richdesk.com.  Kumuha ng access ang SLU Registrar and Admision Office para sa kanilang mga Application Inquiries. Kaya umabot na sa sampu ang account na meron si Richie.  Yung unang anim na personal account niya sa Maynila na kumikita ng limang daan kada buwan bawat isa,  anim na Corporate Access ng R&R na isang libo isang buwan at ang SLU na nagbabayad din ng isang libo isang buwan.  Kaya si Richie kumikita ng sampung libo buwan-buwan na naitatabi lang niya dahil wala naman siyang pinagkakagastusan dahil buwan buwan na nagdedeposit ang Mommy niya para sa monthly allowance niya at ang bills at Association Dues naman galing sa ibinabayad ni Arbie.

Dahil magkaiba ang course at halos major na ang lahat ng subjects nila.  Magkaibang building na sila Richie at Arbie pero nasa Main Campus pa rin naman.  Pareho pa rin sila ni Arbie na nagstudent assistant pero si Richie na din ang gumagawa ng mga computer repairs at binabayaran siya ng Universidad para sa mga repair na ginagawa niya.  Araw-araw pa rin naman silang sabay na pumapasok at umuuwi.

Si Arbie naman rumaraket pa rin sa  laundry shop at kapag nawawalan ng tagabantay sa Internet Shop nakakaextra siya doon lalo na at weekend.  Tuluyan na ding nagkamabutihan si Romeo at Pearl na ikinatuwa ng husto ni Wheng.  Halos buwan-buwan na lumuluwas ng Tagaytay si Pearl para magkasama sila ni Romeo. Dahil hindi nito maiwan ang Nanay nila at hirap ding magpaalam sa pinagtatrabahuhan si Romeo at nanghihinayang din sa kita. 

Ikatlong taon kalahatian ng second sem isang weekend.  Pumunta si Wheng kasama si Rhea sa Preda Home. Ipinakita ni Wheng kay Rhea ang dating tinitirhan niya at ipinakilala ang mga kaibigan niya.  Pumunta siya para sa every six months na check-up niya. Mahigit isang oras silang nagusap ni Doktora Lim habang kaharap si Rhea.  Kinausap din ni Doktora si Rhea tungkol sa mga obserbasyon niya kay Wheng.

Dra. Lim:  I think you are healed Hija, base sa mga kwento ninyo at sa nakita kong pakikitungo mo sa mga tao dito.  Napakalaki ng ipinagbago mo.   Kung nawala na ang mga bangungot mo, takot at alalahanin mo sa palagay ko magaling ka na.  Pero ituloy mo pa rin ang mga observations mo sa mga kilos at nararamdaman mo.  Ngayon, you will have to learn to differentiate all emotions.  Familiar ka sa pain, sa hurt, anger at fear.  Ngayon naman dapat matutuhan mong idifferentiate ang mga positive emotions mo tulad ng happiness, excitement. warmth, love and passion.

The Faith I Found In You (Leap of Faith Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon