Chapter 48 - Dear Friends

1.6K 122 48
                                    

Malaki din ang nabawas  sa savings ni Richie dahil sa pagkakahospital niya.  Kasi naman sabi niya kay Yaya Salome sa ward na lang, hindi ito nakinig sa kanya.  Sa Semi private room siya inilagay.  Pati mga gamot sinabihan niya na yung generic na lang pero bilin daw ni Arbie na kung ano yung brand ng gamot yun ang bilhin para mabilis ang paggaling niya.  Kaya naiiling na lang si Richie na tinititigan ang bankbook niya habang nakaupo sa canteen sa school ng araw na yon.  Alam niyang hindi na kakasya yon sa panganganak ni Arbie pati na ang pambili ng mga gamit ng baby boy niya. Nanggaling sila ng nagdaang araw sa  check-up ni   Arbie at ng baby.  Napapangiti siya habang inaalala ang nagdaang araw na yon habang nasa loob sila ng ultrasound room. 

Doctor:  Sige, Richie doon ka sa bandang ulunan ni Arbie, ipaparinig at ipapakita ko sa inyo ang baby ninyo.  Titignan na din natin ang gender niya.

Richie:  Is that true?  Pwede na po nating malaman if it's a boy or a girl?

Natutuwa ang Doctor sa pagkanaive ng bata pang ama. Madalas sa paningin niya may dual personality si Richie dahil kadalasan seryoso at maauthority kung itoy magsalita minsan naman parang batang walang kamuwang-muwang sa pagkakaron ng anak kung magreact ito.

Doctor:  Oo pwedeng, pwede na.  Yung iba gusto nila surprise, yung iba naman inaalam nila para napaghahandaan ang pangalan at mga gamit.  Kung ikaw ang tatanungin gusto mo na bang malaman?

Tumingin si Richie kay Arbie, nagtatanong ang mga mata... at hinawakan ito sa kamay.

Richie:  Gusto mo ng malaman Hon?

Arbie:  Kung gusto mo okay lang, excited na din ako tsaka para yung tamang mga gamit ang mabili natin di ba? Sayang naman kung bumili tayo ng pangbabae tapos lalaki pala baka maging bading ang baby natin paglaki.

Nagtawanan sila.  Kaya inalam na din nila ang gender ng baby nila.

Doctor:  Oh ayan ang baby ninyo (sabay turo sa monitor) Based sa kanyang size, tama naman sa age niya, yung naririnig ninyo malakas is his heart beat kaya healthy ang baby boy ninyo. 

Richie:  Baby boy? Lalaki ang anak ko? 

Arbie:  Natin hon, natin!

Richie:  We have a baby boy at first try, Oh my God! Thank you Lord!

Napaiyak si Richie sa sobrang kaligayahan.  Niyakap niya si Arbie. Binulungan niya si Arbie... "Thank you for giving me a baby boy! I love you!"

Naalala niya pa ang laging sinasabi noon ng daddy niya sa Kuya Ace niya. "Iba ang pakiramdam kapag ang panganay mo ay lalaki. Dahil sila ang magiging katuwang mo sa pagtataguyod ng pamilya mo. Katulad ni Kuya Dean."  Kaya alam niya magiging masaya ang daddy niya kapag nalamang lalaki ang anak niya  

Nang oras na yon, wala siyang pakialam basta gusto niyang malaman ng daddy niya ang masayang balita na yon.  Tinawagan niya ito.

Richie:  Hello Dad!

Damon:  Oh son, Richie, how are you? May problema ba anak?

Richie:  No Dad, I have good news for you...  baby boy ang first baby namin.  Baby boy Dad! Lalaki ang panganay ko!

Damon:  Thank you Lord, you are blessed anak. Very blessed. Ikamusta mo ako kay Arbie ha and tell her I can't wait to see my grandson.  Kaya the day she gives birth tawagan ninyo ako.

Richie:  Opo Dad, we will let you know po.

Damon:  Richie, baka may kailangan kayo.  How is your finances. Make sure you bring her to a good hospital.  Kung maingailangan ka tawagan mo lang ako.

The Faith I Found In You (Leap of Faith Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon