Chapter 57 - Home

1.8K 120 38
                                    

Alas syete ng umaga ng bumusina si Richie sa tapat ng bahay nila sa San Lorenzo, pinagbuksan sila ng gate ng guwardiya.   Pagkaparada ng kotse nilapitan sila ng guwardiya.

Guard:  Good morning Sir, Mam.  Mabuti po napauwi kayo.

Richie:  Manong sinong tao dito?

Guard:  Sir, wala po eh. 

Archie:  Wow, Ta-tay big haus ni Lola Mamsie.

Richie:  Manong, anak ho namin si Archie, Archie this is Manong Ruben, he guards the house and protects everyone in here. Kaya you cannot go out of the gate without him knowing.

Archie:  Palang tuper hero Ta-tay, palang ti iyonman?

Richie: Parang ganon na nga.

Arbie:  Archie, Manong guard is an elder what did I tell you to do when you see an elder?

Lumapit si Archie at inabot ang kamay ng gwardiya at nagmano. Napangiti ang gwardiya,

Richie:  Kamusta kayo dito Manong? 

Guard:  Ang totoo Sir, kung hindi lang ho naging mabait ang pamilya ninyo sa akin at sa pakiusap ni Leo baka ho umalis na ako.

Richie:  Manong bakit naman ho?  

Guard:  Magtatatlong buwan na ho akong hindi sinuswelduhan ni Mam Ryzza, simula ho kasi nung umalis si Sir Damon, nagiba na po si Mam. Naging malungkot, masungit, pumapasok sa trabaho pero wala naman sa sarili. Pinatigil na po siya ni Sir Denver na pumasok sa kumpanya tatlong buwan na ang nakakaraan, Lagi na lang hong nagkukulong sa kwarto madalas hindi kumakain. Pati nga ho itong bahay napabayaan na, umalis na ho kasi si Yaya Susan, hindi na kinaya. Pinipilit po ni Sir Dean na pumunta dito linggo linggo pero dahil sa dami ng trabaho pati linggo minsan pumapasok siya,  Gustuhin man nilang iwan dito kay Mam si Lee para malibang ito, hindi nila magawa kasi baka hindi po maalagaan ni Mam. Nung isang araw po galing na dito yung sa Meralco, dahil nagtataka sila na hindi nababayaran ang kuryente dalawang buwan na. Kilala naman nila ang pamilya ninyo kaya po nagtanong sila dito.  Hindi po nila pinutol ng maikwento ko ang nangyari kay Mam Ryzza.

Richie:  Pasensya na ho kayo Manong... salamat po ng marami sa malasakit ninyo sa pamilya namin. Aayusin ho natin  ang mga problema dito, pati na ang sweldo ninyo. Pakitulungan lang ho muna kaming magsettle dito sa bahay.

Guard:  Wala ho yon Sir, pamilya ho ang turing sa inyo ng Tatay ko at natatandaan ko lagi niyang sinasabing huwag kayong pababayaan dahil kami kahit kailan hindi pinabayan ng pamilya ninyo.

Pinagtulungan nilang ibaba ang mga gamit nila habang tumatawag si Arbie kay Dean. Nang makuha kay Dean kung saang hospital nandon si Ryzza, hinanap naman ni Arbie ang mga bills sa loob ng bahay. 

Richie:  Manong paki tawagan na nga ho si Tatay Leo paki sabi nandito kami ng pamilya ko.

Maya-maya lang pumasok ang isang Van sa garahe at bumaba sila Tay Leo at Nay Rio.  Nagbatian ang mga ito.  Nagmano naman si Archie sa mga ito.  Tuwang tuwa ang magasawa kay Archie.

Richie:  Nay, Tay, may problema na pala dito bakit hindi ninyo itinawag sa akin?

Tay Leo:  Ang kabilin-bilinan ng Daddy mo bago siya umalis huwag kayong iistorbohin, huwag na kayong bigyan pa ng problema dahil sobra na ang inabot ninyo sa Mommy mo. Kahit sa Kuya mo yan din ang bilin niya.  Pero dahil sa pagsusuicide ng Mommy mo palagay ko naisip ni Dean ikaw lang ang makakatulong na mapagaling ang Mommy mo.  Sa mga pakiusap mo lang makikinig ang Mommy mo.

Richie:  Alam na ba ni Ate Raine ang nangyari?

Tay Leo:  Oo, ang alam ko inaasikaso na nila ang umuwi sa lalong madaling panahon. May isang problema pa Richie.  Hindi nila macontact ang cellphone ng Daddy mo at dahil ang Daddy at Tito Denver mo lang naman ang nakakaalam ng landline number sa bahay ng Tita mo doon yung number na meron si Denver sinubukan nilang tawagan pero matagal na daw na hindi doon nakatira ang pamilya ng Daddy mo.  Ang alam ko nagbabalak na si Denver na umalis para alamin kung anong nangyari sa Daddy mo para na rin sa ikatatahimik ng Mommy mo.

The Faith I Found In You (Leap of Faith Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon