Chapter 7 - The housemate

1.1K 99 28
                                    

Alas diyes ng umaga huminto ang taxi na sinasakyan ni Weng sa harap ng main door ng main building ng Moldex. Bumaba si Weng bitbit ang basket ng prutas, nakasimpleng longs sleeves na shirt na may nakasulat na "heartless" sa harap at rubber shoes. Nakatali ang buhok at nakatago sa suot na superman cap. Binati siya ng gwardiya.

Manong Guard:  Good morning!  Saan ho sila?

Arbie: Unit 510 po, maglilipat ho ako ngayon nandyan ho ba si Ms. Pearl or Ms. Francine?

Biglang nagsalita si Pearl mula sa likod niya.

Pearl:  Arbie? 

Arbie:  Hi Ate!

Pearl: Manong, pakitawag si Noel padala ng cart, siya yung  housemate sa Unit 510.

Manong Guard:  sige po Mam.

Pearl: Kamusta?  Dala mo na lahat ng kailangan mo?

Arbie:  Oo, binitbit ko na lahat, wala na si Kuya eh nakauwi na.

Pearl:  Alam ko, dumaan siya dito bago nagpunta ng terminal ng bus eh. Ibinilin ka. Mahal na mahal ka ng Kuya mo.

Arbie:  Mahal na mahal ko din yon, the best Kuya in the world yon eh. Sus, kunyari binilin ako, gusto ka lang makita non bago siya umuwi.

Pearl:  Ikaw talaga.

Arbie:  Ate, magugustuhan kaya ni housemate itong basket of fruits?

Pearl:  Oo naman, ang sweet mo naman.

Arbie:  Idea yan ng kuya ko. 

Ipinatong niya sa cart ang basket at ibinaba na sa taxi ang mga gamit niya katulong ang driver at si Noel. Sabay-sabay na silang pumasok sa loob.  Pumasok si Pearl sa counter at iniabot ang susi at access card ni Weng.

Pear:  Eto ang susi mo sa  main door at ito naman sa mismong kwarto.  Tapos etong maliit sa mailbox. Tapos ito ang access card mo.   Welcome to Moldex Residences.

Arbie:  Thanks ate!

Sumakay na sila sa elevator.  Hinatid siya ni Noel sa unit nila.

Arbie:  Would you know kung dumating na si Housemate?

Noel:  Opo Mam, nung lunes pa po. Pero wala po siya dyan ngayon lumabas kanina eh.

Arbie:  Ah okay, sige ibaba mo na lang dyan sa may pinto ako ng bahalang magpasok sa loob. Salamat ha.

Kahit na nagtataka, sinunod ni Noel ang sinabi nito.  Nang maibaba ang mga gamit sa tabi ng pinto, umalis na si Noel.  Nang nasa tapat na siya ng elevator tsaka binuksan ni Arbie ang pinto at ipinasok ng mga gamit.

Ipinatong niya sa gitna ng dining table ang fruit basket  at mga pagkain. Nang maipasok na ang lahat inilock ang pinto.  Sinubukan niyang buksan ang unang pinto nakalock.  Nang buksan niya ang ikalawa, yun ang banyo at ang ikatlong pinto ang  kwarto niya.  Ipinasok niya ang dalawang maleta at mga paper bag ng mga damit na pinamili nila.

Nagpunta siya ng kusina para iayos ang mga pinamili niyang pagkain.  Pagbukas niya ng kabinet nakita niyang walang laman ang kanang bahagi ng kabinet at nasa kaliwa nito ang ilang mga imported na de lata tulad ng spam, vienna sausage, libby's corned beef, breakfast cereal.  May pasta, pringles, lays chips at chocolate chips, oreo biscuit at danish biscuit.

Natawa si  Arbie at kinausap ang sarili... "At least hindi kami pareho, mas madaling malaman kung alin ang kanya at ang sa akin."  Inilagay na niya ang mga delata, kape at mga noodles niya.

Pagbukas niya ng ref ganon din... pinilit na isiniksik sa ibabaw na shelf sa freezer ang mga manok at baboy  at walang laman ang ilalim.  Doon niya nilagay ang biniling tocino, longanisa, giniling at hotdog.  Sinilip niya ang ibaba, puno ng gulay ang vegetable bin.  Kaya hindi na niya inalis sa plastic ang bawang, sibuyas, kamatis, patatas at karrots. Ibinuhol na lang niya at inilagay sa isang shelf katabi ng isang dosenang itlog na dala niya.  Nakita niya may butter, mayonaise, cheese at liquid milk sa ref.

The Faith I Found In You (Leap of Faith Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon