Chapter 11 - First Day

1.1K 110 7
                                    

Tumunog ang alarm ng cellphone ni  Weng bandang alas sais ng umaga. Alas otso pa naman ang first class niya pero kailangan niyang magsaing at magluto ng baon niya.  Nagsaing siya ng dalawang gatang sa rice cooker.  Tapos inilabas ang itinabi niyang ginisang giniling, patatas at karrots nilagyan ng dalawang itlog at binate para gawing torta. Matapos magluto pumasok na ng banyo at naligo.

Lumabas naman ng kwarto si Richie, pupungas-pungas pa.  Nagpakulo ng tubig sa electric kettle naghiwa ng lemon at inilagay sa dalawang tasa. Nilagyan ng mainit na tubig ang isa.  Naglabas ng slice bread, mayonaise, lettuce at ham.  Isinaksak ang griller at naglagay ng apat na ham sa griller at binuksan niya ang exhaust. 

Ibinalot ni Weng ang buhok ng tuwalya, matapos itong maligo at nagsuot ng pangbahay at  lumabas ng banyo. 

Arbie:  Richie, may kabayo ka ba?

Richie:  Anong kabayo?

Arbie: Yung plantsahan, I mean ironing board.

Richie:  Meron, nandon sa kwarto.

Arbie:  Pahiram...

Richie:  Don ka sa kwarto mamalantsa kasi hindi yon naaalis. Nakakabit yon sa kabinet eh.

Arbie:  Ano?  Papano yon?

Pumasok si Richie sa kwarto niya, binuksan ang pinto ng kabinet na nasa tabi ng dingding. Sa likod ng pinto, may kahoy na korteng plantsahan na nakahook doon.  Ibinaba ni Richie. Ibinaba pati ang mga paa. Tumayo na ito na parang plantsahan. 

Arbie:  Ayos, yan ah! Tipid sa space. 

Richie:  Exactly! Yang mga study table natin ganyan din, collapsible. Pwedeng itupi kapag kailangan mong gamitin yung space.

Arbie:  That's cool!  Lahat ng unit dito ganyan?

Richie:  Hindi, ipinalagay ko lang yang mga yan.  Sige na mamalantsa ka na.

Napalingon si Weng sa kama ni Richie, maayos na ito at nasa ibabaw nito ang mga damit na isusuot niya.  Ang nasa isip niya... "Napakaorganize niya samantalang ang gulo sa kwarto ko."

Bumalik na si Richie sa paggawa ng sandwiches niya.  Gumawa siya ng tatlong ham and cheese with lettuce sandwich.  Ibinalot sa aluminum foil at sandwich bag bawat isa. Bago pumasok ng banyo, sumilip siya sa kwarto niya.

Richie:  Arbie, may lemon dito sa isang tasa lagyan mo ng mainit na tubig at yon ang inumin mo maganda daw makacleanse yon.

Arbie:  Oo nga daw, nabasa ko din yon.  Thanks!

Pumasok na sa banyo si Richie para maligo at nagmamadali namang namalantsa si Weng. Nang matapos siya, hinagod na din niya ng plantsa ang nakita niyang sportshirt at panyo na inilabas ni Richie sa kama. Inihanger niya ito at isinabit  sa hawakan ng kabinet ng mailigpit na niya ang plantsahan.  Pumasok sa kwarto niya at nagbihis.

Pagkatapos inayos na niya ang baon niya. Naglagay ng kanin sa isang disposable na baunan tapos ipinatong ang dalawang torta sa ibabaw.  Kumuha ng kutsara at tinidor ibinalot sa tissue at ipinatong sa baunan. Kinuha niya ang national bookstore na plastic at doon nilagay ang baon niya pati ang bottled water. At ipinatong sa lamesa eksaktong palabas si Richie ng banyo, umiinom ng warm water na may lemon si Arbie.  Nagsalang naman ng brewed coffee si Richie.

Richie:  Gusto mo din ng brewed coffee?

Arbie:  Okay lang para magising.  Ay kain ka na may kanin at torta pa diyan.

Richie:  Housemate thanks.

Pagkainom ng kalahati ng kape pumasok siya sa kwarto at nakita na niya ang damit na hinagod ng plantsa ni Weng.  Humarap siya kay Weng...

The Faith I Found In You (Leap of Faith Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon