Chapter 44 - Broken

1.9K 125 58
                                    

Mabilis na natapos ang first semester.  Napagkasunduan nila Richie at Arbie na umuwi ng Tagaytay para sabihin sa Nanay at kapatid niya ang tungkol sa kalagayan niya.

Arbie:  Dumaan din tayo sa inyo ha?

Richie:  We don't have to.

Arbie:  Richie, we have to try, hindi pa nga natin sinusubukang kausapin siya eh.  Baka mamaya ang hinihintay lang niya yung tayo ang magpakumbaba.

Richie: Hon, siya ang gumawa ng mali, siya ang may  kasalanan sa yo, bakit tayo ang magpapakumbaba.

Arbie:  Dahil bali-baligtarin man ang mundo, siya ang Ina at anak ka. Kailangang igalang at respetuhin mo pa rin siya. Dahil paikot-ikutin mo man hindi maitatangging siya ang nagsilang sa yo at inilagay niya ang buhay niya sa alanganin, mabuhay ka lang.  So please Richie, subukan na nating magpakumbaba sa kanya.  There is no harm in trying you know, kung pumalpak man at least we did our part.

Lumapit si Richie, hinaplos ang pisngi ni Arbie, tinitigan ang mga mata habang yakap ito sa bewang.

Richie:  When God sprinkled the world with goodness and understanding malamang na nasa labas ka ng bahay, nasalo mong lahat eh.  Kaya mahal na mahal kita.

Arbie:  Ikaw din, malamang naligo ka pa nga sa goodness and understanding eh.

Natawa si Richie. Hinalikan si Arbie sa ilong.

Richie:  Fine, dadaan tayo sa bahay at susubukan nating kausapin si Mommy.  Pero wala muna tayong sasabihin tungkol sa kalagayan mo.  Kapag positive ang resulta sa pagkausap natin sa kanya tsaka lang natin sasabihin ang tungkol sa blessing ng Diyos sa atin, parang premyo sa pagiging good Mom niya ang pagiging Lola.

Arbie:  I never thought of it that way, but I like it. How did I get lucky to have a very smart man in my life.

Richie:  Because you are a blessing to me.

Arbie:  Hmmmm nangbobola ka na niyan, halika na nga matulog na tayo para maaga tayong makaalis bukas.

Richie:  Matutulog na tayo?  Tabi tayo sa kwarto mo?

Inambahan ni Arbie ng suntok si Richie.

Arbie:  Eto, gusto mo? Hindi pa nga natin natatapos ang mga problema natin parang gusto mo na namang magkaproblema eh.

Richie:  Baka lang sakaling makalusot.  Come, I'll tuck you in bed na nga lang.

Pumasok sila sa kwarto nahiga sa kama si Arbie, nilakasan ni Richie ang aircon at saka ito kinumutan. Naupo si Richie sa tabi ni Arbie, hinaplos ang ibabaw ng tiyan ni Arbie...

Richie: Baby, sleep ka na ha para makatulog na din si Mama.

Ngumiti si Arbie at pumikit na, lumabas na ng kwarto si Richie. Inasikaso niya ang trabaho niya. Tapos nagshower siya para makatulog na rin.  Mayamaya narinig niyang kumilos si Arbie at umungol. Nagmamadaling pinuntahan ito ni Richie.

Richie:  Bakit gising ka pa?

Arbie:  Hindi ako makatulog eh, pero kanina naman nung nanood tayo inaantok na ako eh. Nawala yung antok ko tsaka parang may konting sumasakit sa tyan at likod.

Richie:  Baka, gising pa si baby, baka nagugutom. Uminom ka na ba ng gatas mo?

Arbie:  Hindi pa.

Richie:  Wait, ipagtitimpla kita.

Makalipas ang ilang minuto bumalik si Richie dala ang  tinimplang gatas.  Umupo siya sa tabi ni Arbie at iniabot yung baso ng gatas.

Richie:  Oh baby, eto na ha, iinom na si Mama ng warm milk, tapos matulog ka na ha.

The Faith I Found In You (Leap of Faith Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon